MELROSE MANUEL
SA kabila ng banta ng coronavirus disease o covid-19 ay itutuloy pa rin ng Japan Sumo Association ang nalalapit na Japanese Sumo Wrestling Tournament.
Ito ang inanunsyo ng Japan Sumo Association sa National TV.
Sa desisyon ng Japan Sumo Association, isasagawa ang naturang tournament ng walang manonood.
Ito ay para matiyak na hindi tumaas ang bilang na covid-19 cases sa naturang bansa.
Sa ngayon, ito na ang ikalawang sports event sa Japan na isasagawa ng walang spectators.
Magsisimula naman ang tournament sa ika-walo ngayong Marso na tatagal hanggang a-22.