YNA MORTEL
NAPILI ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) si dating PBA player Ronnie Magsanoc na maging National coach ng Olympic 3×3 qualifiers.
Ayon sa SBP, gaganapin ang qualifiers sa Marso a-18 hanggang a-22 sa New Delhi, India.
Si Magsanoc ay naging coach nina Cj Perez, Chris Newsome, Jason Perkins at Mo Tautuaa sa 3×3 tournament sa SEA Games.
Kabilang naman sa mga sasabak sa 3×3 basketball ay sina Joshua Munzon , Alvin Pasaol, Dylan Ababou, Karl Dehesa, Santi Santillan, Chris De Chavez, Gab Banal, Leo De Vera, Ryan Monteclaro at Jaypee Belencion.
Kasama ng Pilipinas sa Pool C ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic na ang top three na koponan sa dalawampung maglalaban-laban ay makakapasok na sa 2020 Tokyo Games.