CHERRY LIGHT
APRUBADO na ang partial lifted ng deployment ban ng mga OFWs sa bansang Kuwait.
Ito ay matapos na malagdaan ng Pilipinas at Kuwait ang ilang kasunduan para sa proteksyon ng mga manggagawang Pinoy.
Magugunita na ipinatupad ang total deployment ban sa Kuwait matapos patayin ng kanyang amo ang Pinay worker na si Jeanelyn Villavende.
Hindi naman sakop ng partial deployment ban ang pagpapadala ng household service workers.
Tanging ang mga bago at skilled worker lamang ang papayagang magtrabaho sa Kuwait.