• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Tuesday - March 02, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Jeff Chan

The Ginebra Mystique 2: Nang pataubin ng hari ang naghahari!

September 5, 2018 by Pinas News

Ni: Edmund C. Gallanosa

NAKA-MOVE on ka na ba, sa labanang San Miguel Beer kontra Barangay Ginebra? Sino bang mag-aakalang patataubin ng Ginebra ang defending champion na San Miguel? Sa kada sampung tao na tinanong namin noon kung sino sa tingin nila ang magkakampeon, pito sa sampu ang nagsasabing San Miguel pa rin ang magwawagi.

Kabigla-biglang matalo nang ganito ang San Miguel.  Star-studded kasi ang kanilang team. Ultimo second-stringer players at bench warmers nila ay mga superstars din—quality players at scorers sa mga dati nilang pinanggalingang team. Sa lineup nila kahit sinong team na makakasagupa nila ay tatagilid lalo na kung championship series na ang labanan.

Subalit nabasag ni Ginebra coach Tim Cone ang depensa ng San Miguel at nakita niya ang kahinaan nila. Sa mga nag-akalang matatapos sa Game seven ang serye, tinapos sa anim na laro.

May ilang mahahalagang puntos na iniskor ang Barangay Ginebra. Puntos sa tamang panahon kaya tumaob ang San Miguel sa kanila.  At ilan sa mahahalagang puntos na ito ay sinimulan ng kanilang head coach na si Tim Cone.

Big man Slaughter — the ‘Real difference-maker.’

Pinaka-magaling na manlalaro si June Mar Fajardo ngayon sa PBA.  Marami ang hirap sa kaniya, lalo na kapag nakapuwesto na sa painted area.  Kung mayroon man panapat kay June Mar, alam ni Tim Cone na si Greg Slaughter lang ang uubra.  At alam din ‘yan ni June Mar.

Nabasa agad ni Tim Cone ang San Miguel.  Buhay nila si June Mar.  Kaya malinaw na ginawang priority ni Coach Tim ang i-neutralize ang kanilang sentro.  “I told Greg we’ll take care of everyone—he just take care of June Mar.”   Ang bilin ni Coach Tim kay Slaughter.

Iba talaga ang matangkad. Malaki ang pangangatawan ni Slaughter kumpara kay Fajardo. Hindi basta-bastang kayang itulak o hawiin ni June Mar si Greg kung kaya’t hindi madaling makaporma ang sentro ng San Miguel.  “They usually come down and feed June Mar.  But with Greg, they just couldn’t do that over and over, not consistently.  It changed the way they played and that gave us an edge.” 

Kung susuriing maigi, naiba ang laro si June Mar nang si Slaughter na ang kaharap niya.  Dahil dito, nasira na ang diskarte ng San Miguel.

Jeff Chan — Beterano kontra bagito?

Para sa iba,  malaking gamble ang pagkuha kay Jeff Chan sa isang trade, pero hindi ito ang kaso kay Coach Tim at alam niyang kailangan siya ng kaniyang koponan—sa mga pagkakataong iyon.

Pinagpalit niya ang kanyang rookie draft pick ng 2019 para sa isang beterano.  Tumama na naman si Coach Tim.

Malaking bagay ang pagdating ni Jeff Chan sa Ginebra.  Lumuwak ang laro ng Ginebra, may tira sa labas.  At dahil deadly shooter, hindi na pwedeng i-double team ang malalaki ng Ginebra ngayong may Jeff Chan na sila.  Nagbunga ito ng bagong dimension sa laro ng Gin Kings. Sa katunayan, kitang-kita ito lalo na sa Game 6 nang ipasok si Jeff sa 2nd quarter at sinadyang hindi dikitan ng kaniyang bantay na si Arwind Santos para mag-double team kay Greg. Ang nangyari, tinirahan sila ni Jeff ng 3-point shot.  Hindi lamang isa, kundi dalawang magkasunod.

Scottie Thompson—the small guard with a big heart.

Lumabas ang tunay na galing ni Scottie Thompson bilang guard ng Gin Kings at ito ay nagbunga ng tagumpay para sa kanila.  Nakipag-sabayan sa malalaki, sumungkit ng rebounds at matinding hustle ang dinala sa open court.  Sino ba naman ang hindi matutuwa sa ginawa ni Thompson, isang guard na sumasabay ng rebound sa mga naglalakihang sentro sa PBA.

“I’ve ran out of superlatives for Scottie, he is really special.  I think he is the best there is that exemplifies the never say die attitude. The way he played, that’s the very reason we’re here,” sambit naman ni Coach Tim sa laro ni Scottie.

Justin Brownlee. Dating panghalili, ‘Best Import’ sa bandang huli.

Sino ba naman ang mag-aakala na ang replacement import na si Justin Brownlee ay magpapabago ng kapalaran ng Ginebra. Hindi kasi maituturing na big deal import ang estado ni Brownlee nang dumating sa Pilipinas.  Sa katunayan, ilang teams ang tumanggi sa kaniya dahil hindi raw impressive ang credentials nito.  Ito ang Alaska Aces, Globalport, Meralco at Talk ‘N Text.  Pero si Coach Tim ay naniniwala sa abilidad niya, at nasubaybayan na niya ang career nito kaya niya kinuha ito.

Matapos ngang dumating si Brownlee sa Ginebra, sabi nga nila, the rest is history.  

Ang tagumpay ng Ginebra na makuha ang Commissioner’s Cup title kontra San Miguel at matamo ang pinaka-hihintay na title ay bunga ng tamang pagtitimon ni head coach Tim Cone.  Samu’t-saring problema ang bumungad sa koponan sa umpisa pa lamang ng conference—injury sa ilang manlalaro, puro talo sa simula ng serye, at napilitan pang magpalit ng import dahil sa hindi magandang panimula.   Subalit nagpursige ang Ginebra—ika nga, walang sumuko hanggang sa huli—Never say die.  Ang resulta, kulelat noon, champion ngayon.

Slider Sports Ticker Barangay Ginebra Coach Tim Gin Kings Jeff Chan June Mar Fajardo PBA San Miguel Slaughter

Hatol ng FIBA sa Gilas na manlalaro, PBA sumaklolo

August 29, 2018 by Pinas News

Ilan sa mga napipisil na PBA players ang sumaklolo sa kanilang kapwa PBA at Gilas players na masususpinde sa darating na 2nd round ng FIBA Qualifying tournament na magsisimula ngayong Setyembre.  

Ni Edmund C. Gallanosa

ISANG buong buwan na lamang ang magiging paghahanda ng Gilas Pilipinas bago magbukas ang 2nd round ng FIBA Basketball World Cup 2019 Qualifiers tournament.  Kabilang ang Pilipinas sa Group F ng nasabing torneo, kasama ang bigating bansa tulad ng Iran, Qatar, Kazakhstan, Japan, at guess who? Ang Australia.  Subalit malaki ang suliranin kakaharapin ng team Gilas—ibinaba na ang hatol na suspensyon mula FIBA sa mga manlalarong nasabak sa gulo noong huling laro ng Gilas kontra Australia. Sa pagpasok ng round 2, ipapataw ang suspensyon sa mga may sala.

Sa team Gilas, 10 ang sinuspindeng ilang araw ng paglalaro.  Nangunguna si Calvin Abueva na suspendido ng 6 na laro; si RR Pogoy, Carl Bryan Cruz at Jio Jalalon, 5 laro; suspendido naman si Andray Blatche, Jayson Castro, Terrence Romeo at Troy Rosario ng 3 laro; at si Japeth Aguilar at Matthew Wright ay masususpinde naman ng isang araw na laro.

Malaking dagok ito sa ating bansa at sa pagkakataon nitong manalo sa FIBA Championship.  Sapagkat kung iintindihing maigi, malalagasan tayo ng walo hanggang sampung manlalaro sa tatlo hanggang limang laban. Ibig sabihin, sa second round ay tatlo lamang ang opisyal nating manlalaro na makakakumpleto ng first window laban sa limang team —ang Iran, Kazakhstan, Qatar, Japan at laban sa Australia.  Sa sitwasyong ito, lalagpak ang pangarap natin para makalahok sa championship round na gaganapin sa China sa 2019, kung sakaling makakalusot tayo sa 2nd round ngayong taon.

SBP tuliro, PBA to the rescue

Matindi na nga ang labanan sa ikalawang round, mas lalo pang pinatindi ng pagkakasuspinde ng mga basketbolista natin. Malagasan ka na ng isa hanggang dalawang player sa klase ng torneong ito ay malaki na ang suliranin ng isang team, gaano pa kaya kahirap ang malagasan ka ng walo hanggang 10 manlalaro sa gitna ng torneo?

Enter the Philippine Basketball Association (PBA).  Mabuti na lamang at nagbago ang panuntunan ng paghihiram ng mga manlalaro mula sa PBA.  Noong mga nagdaang taon, naging policy ng propesyonal na ligang ito na magpahiram lamang ang bawat koponan ng isang manlalaro para sa Gilas program (one-player-one-team policy).  At dahil sa gulong kinasangkutan ng mga manlalaro, minabuti ng pamunuan ng PBA sa pangununguna ni PBA Commissioner Willie Marcial at mga board of governors ng mga koponan na baguhin ang panuntunan ng player-lending at tulungan ang Gilas program.  Ayon sa bagong policy, open na ang bawat team na magpahiram na kahit na ilang players sa team Gilas para mapunuan ang lakas na nawala dahil sa sinuspinding mga manlalaro.

“Kalimutan na ang one-player-one-team policy,” ani Al Chua, Sports Director ng San Miguel Corporation.  Kung kinakailangan ipahiram ang lahat ng players ng SMC group, gagawin aniya.  Ito naman ay positibong inaksyunan ni PBA Commissioner Marcial at pinalitan ang dating polisiya ukol sa player-lending.

Sinu-sino kaya ang maaaring sumaklolo alang-alang sa ating bansa, sa mga kababayan natin, sa mga kapwa players nila?  Base sa aming analysis, opinion ng mga eksperto, taga-PBA, mga basketball aficionados at sa survey naming ginawa noong mga nakaraang linggo, may nabuo kaming listahan ng piling manlalaro na ang kombinasyon ay maaaring maging panapat sa mga mawawalang players at magpapahirap sa mga makakalaban natin.

Bilis sa backcourt, galing sa diskarte

Sa pagkakasuspinde ng 3 laro sa playmakers at shooters na sina Terrence Romeo at main man Jayson Castro, pilay agad ang Gilas.  Si LA Tenorio ng Barangay Ginebra ay mainam na pamalit kasabay ni Stanley Pringle ng Globalport.  Si LA ay beterano na rin ng maraming international tourney, dedicated at hustle player.  Alam nang nakakarami ang puso nito pagdating sa paglalaro.  Mabilis din tulad ni Castro at mataas ang IQ sa paglalaro.  Si Pringle naman ay isang malupit na one-on-one player, deadly sa open court at sa 3-point arc.  Pamilyar na rin ito sa laro sa labas ng bansa.  Subalit sa kasalukuyan, may sabit pa ito sa eligibility niyang maglaro sa FIBA.  Ang mainam na pamalit?  Enter Scottie Thompson ng Barangay Ginebra.  May guard-shooter ka na, may rebounder ka pa.  ‘San ka pa?  Bihira ang talent na ganito.  Pinaka-mainam rin na kapalit ni Abueva dahil sa maraming pinapahiyang matatangkad pagdating sa rebounding.

Pilay sa ilalim, depensang pangmalalaki

Sa suspensyon ng mga big men n sina Troy Rosario, Japeth Aguilar at Andre Blatche ng ilang laro, maaari naman maibsan ang kawalan ng towering enforcer sa loob sa paggamit kay Greg Slaughter ng Barangay Ginebra at Ian Sanggalang ng Magnolia.  Hindi naman mawawala sa kampanya si June Mar Fajardo, kaya maaaring magkatulungan ang kombinasyong ito sa loob.  Ang mga wingmen naman tulad nila Raymond Almazan ng Rain or Shine at Arwind Santos ng San Miguel Beer na parehong mahaba ang galamay, magaling magbantay at may shooting sa labas ay  malaki ang maitutulong kina mainstays Fajardo at Gabe Norwood.  Sa pagkakaroon ng Slaughter sa loob, maaaring mag-slide bilang forward-center si Fajardo at batuhan ng bola para sa tres sina Almazan at Santos sa kanan at kaliwa.

Deadly shooter sa labas

Ito naman ang maaaring dalhin sa team Gilas nila Marcio Lassiter ng San Miguel Beer at Jeff Chan ng Barangay Ginebra, pamalit sa nasuspindeng Matthew Wright at Jio Jalalon.  Iba ang dimension na madadala ng dalawang quick-release shooter na ito na pumupukol ng kabi-kabilang tres, na siya namang isa sa pinaka-mahalagang arsenal sa international competition.

“We just have to continue to fight and play. We can’t give up.”  Sabi ni Samahang Basketbolista ng Pilipinas president Al Panlilio.  Kung nagawang parusahan ng FIBA ang mga nagkasalang players, sigurado may paraan tayo para maresolba ang problemang ito at makalaban nang patas ang Gilas sa ikalawang round.”  Mabuti na lamang at gumawa ng hakbang ang PBA at sumaklolo

Slider Sports Ticker Al Chua Andray Blatche Andre Blatche Arwind Santos Australia Barangay Ginebra Carl Bryan Cruz China Edmund C. Gallanosa FIBA Gabe Norwood Greg Slaughter Ian Sanggalang Iran Japan Japeth Aguilar Jayson Castro Jeff Chan Jio Jalalon June Mar Fajardo Kazakhstan Magnolia Marcio Lassiter Matthew Wright PBA Commissioner Marcial PINAS Qatar Rain or Shine Raymond Almazan RR Pogoy San Miguel Beer SBP President Al Panlilio Terrence Romeo Troy Rosario

Jeff Chan, hindi na maglalaro sa Rain or Shine

August 8, 2017 by PINAS

Isa na namang longtime star ang binitawan na ng koponang Rain or Shine.

Matapos na lumisan si coach Yeng Guiao sa naturang koponan, ngayon naman ay tinrade ng Rain or Shine ang kanilang gunner na si Jeff Chan at ito ay maglalaro na sa Phoenix Fuel Masters.

Noong nakaraang araw lang ay inaprubahan ng Philippines Basketball Association (PBA) ang nasabing trade na kung saan ay makikita nang maglalaro si Chan sa koponan ng Phoenix kapalit sa forward na si Mark Borboran at ang second round pick sa taong 2020.

Una rito ay na-acquired ng team ang two-time most valuable player na si James Yap kapalit kay Paul Lee at tinrade si Jr Quiñahan kapalit kay Jay Washington.

Habang napagdesisyonan naman ng Rain or Shine na i-traded ang Gilas Pilipinas Cadet na si Mike Tolomia sa Meralco kapalit kay Ed Daquioag.

Slider Sports Ticker Jeff Chan Phoenix Fuel Masters Rain or Shine

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.