EYESHA ENDAR
ARESTADO ang dating child star na si Jiro Manio dahil sa kasong frustrated homicide sa Marikina City.
Ito ay matapos salakayin at saksakin ng tatlong beses ni Manio ang isang Zeus Doctolero.
Pero buwelta ng kampo ni Manio, mas nauna si Doctolero na nanghampas daw ng helmet.
Una nang kinupkop ng aktres na si Ai-Ai Delas Alas ang dating child actor, matapos na makita ito sa NAIA na nagpapalaboy-laboy.
Si Manio ay nakilala, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa dahil sa mga pagkilala sa role nito sa pelikulang Magnifico.