• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Sunday - January 24, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Unang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Jonnalyn Cortez

Benepisyo ng avocado oil sa katawan at balat

March 17, 2020 by Pinas News

Ni: Jonnalyn Cortez

 

DATI nang sumikat ang avocado dahil na rin sa avocado toast, isama mo pa diyan ang shake at iba-iba pang pagkain na nilalagyan nito. Ngunit alam ba ninyo na hindi lamang mainam ang avocado sa katawan at kalusugan kundi pati na rin sa balat?

Ang avocado oil, na mula sa pinigang pulp ng avocado, ay karaniwan nang ginagamit sa pagkain. Maihahalintulad ito sa olive oil, ngunit meron itong mild, smooth at buttery na lasa. Hindi pa ito karaniwang ginagamit sa bahay-bahay, ngunit inaasahan na magiging pangunahin itong bilihin at may global market value ngayon na tinatantiyang nasa $453 milyon na maaaring tumaas hanggang $646 milyon sa 2026.

Ang nakatakdang demand sa avocado oil ay sinasabing dahil sa pagtanggap ng mga beauty brands dito dahil na rin sa dulot nitong skin-boosting benefits.

Benefits sa katawan

Masasabing umaapaw sa nutritional benefits ang avocado oil.

“They’re a fantastic nutrient dense food source, packed full of healthy monounsaturated fats, high in energy and micro-nutrients,” wika ng nutritionist na si Gabriela Peacock.

Ilan dito ay vitamins A, B, C, D, E at minerals na tulad ng iron, magnesium, copper, potassium, omega-3, at beta-carotene. Punong-puno rin ito ng fatty acids.

“All these nutrients can help to support healthy systems functions when consumed as part of a healthy and balanced diet,” dagdag ni Peacock.

Ang mga taglay nitong nutrients ay makakatulong upang panatilihing malusog ang ating puso, pababain ang kolesterol, pabutihin ang kalusagan ng mata at labanan ang inflammation, katulad ng arthritis.

Benefits sa balat

Ang kombinasyon ng bitamina at antioxidants ay malaking tulong upang mapaganda ang ating balat. Ang fatty acids ay pangunahing sangkap upang ma-regenerate, rebuild at bigyan ng bouncy boost ito.

Ang mataas na dosage naman ng phytosterols sa langis ng avocado ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkawala ng moisture at panatilihing hydrated ang balat. Makakatulong naman ang antioxidants upang i-neutralize ang free radicals na umaatake sa skin cells. Nakakatulong din ito upang mag-produce ng collagen ang ating katawan.

“Using it topically can allow the oils to soften and hydrate the skin from the outside making it appear plumper and brighter. And it’s completely natural: no chemicals, additives or perfumes,” paliwanag ni Peacock.

Lifestyle Slider Ticker Jonnalyn Cortez

Paw Park sa Davao City, pet haven ng mga animal lovers

March 10, 2020 by Pinas News

Ni Jonnalyn Cortez

 

DUMARAMI ang mga pet lovers at conscious na ang karamihan sa kahalagahan ng mabuting pag-aalaga ng mga hayop. Sa katunayan parang anak na ang turing nila sa mga alagang aso, pusa, at iba pang alaga.

Kasabay ng pagdami ng pet lovers sa bansa ay ang pag-usbong din ng mga negosyo at pasyalan kung saan pwedeng dalhin ang mga fur baby. Isa rito ay ang bagong bukas na Paw Park, isang pet haven sa Davao City.

Kahit pa nga hindi kilala bilang pet-friendly place ang Davao, merong ilang mga aktibidad dito na pwede kang mag-enjoy at mag relax kasama ang iyong aso o pusa.

Kaya, halina’t tuklasin ang Paw Park kasama ang iyong fur baby.

Matatagpuan ang Paw Park sa loob ng Azuela Cove sa Lanang, Davao City.

Libre ang entrance sa parkeng ito. Yun nga lang, katulad ng iba pang mga parke sa bansa, may rules at regulation na kailangang sundin dito upang mapanatiling malinis at maayos ang parke.

Syempre pa, kailangang linisin ang dumi ng mga hayop at wag iiwan sa parke. Bawal din kumain at manigarilyo rito.

Para naman sa mga alaga, kailangang kumpleto ang bakuna ng aso para makapasok at may edad na apat na buwan pataas.

“Ang mga rules na i-apply is for the benefit ng mga pumupunta dito sa park to maintain health and conditioning sa kanilang dog. Isa dalawa o tatlong dog ang inaadmit dito. This is open to the public,” wika ng manager ng parke na si Quinn Jarabelo.

Ang Paw Park ang kauna-unahang parke para sa mga hayop sa Davao City. Pinamumunuan ito ng Belgian Malinois Davao Inc. (BMDI).

Kwento ni Jarabelo, tinanong sila ng Azuela kung nais nila magkaroon ng Paw Park sa naturang lungsod.

“We immediately said yes since that’s our dream to have one here in Davao like in Tagum City,” paliwanag nito. “We want a place for every pet lover in the city since there is no specific place in Davao where we can bring our pets.”

Inaasahan ni Jarabelo at ng buong grupo na ma-a-appreciate ng mga Dabawenyo ang Paw Park at dalhin ang kanilang mga alagang hayop dito.

Sinisiguro rin nito ang kaligtasan ng kanilang mga alaga sa loob ng parke na napapalibutan ng mga bakod.

Benepisyo ng parke 

Ipinagmamalaki ni Jarabello na kumpleto ang kagamitan ng Paw Park na makakatulong sa pag develop ng agility at skills ng isang aso. Nagsasagawa rin umano ng mga seminars ang kanilang grupo para sa mga taong interesadong mapag-aralan ang tamang pag-aalaga ng aso.

Merong din mga obstacle course sa loob ng Paw Park para sa inyong mga alaga.

Ginawa rin ang parke upang ipabatid sa mga taong may alagang mga hayop na ang kanilang mga alaga ay may sariling kaligayan at kinakailangan din ng oras upang mag relax.

“They can now bring their pets here without much restriction. Dog lovers can expect a place where their dogs can play freely without fear,” dagdag pa ni Jarabelo.

Pinaalalahanan din nito na maging responsable ang lahat bilang pet owners at mahalin ang kanilang mga alaga na parang tunay nilang mga anak kesa iwan at ikulong lamang sila sa apat na sulok ng maliit na kulungan.

“Give them love and time for they will also love their owners unconditionally in return,” pagtatapos ni Jarabelo.

Bukas ang 1,000-square-meter na Paw Park mula ala-6 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi. Libre ito para sa lahat ng gustong pumunta.

Lifestyle Slider Ticker Belgian Malinois Davao Inc. (BMDI) Jonnalyn Cortez pet lovers

Bakit napakahirap sagutin ng tanong na “How do I look?”

March 10, 2020 by Pinas News

 

Ni Jonnalyn Cortez

KARANIWAN nang tinatanong ng mga babae  sa kanilang mga asawa o kapareha ang “How do I look? matapos mag-ayos, magbihis, at magpaganda. At kapag hindi nasagot ang tanong na ito, parang mistulang umpisa ng isang world war o nag-alis ng safety pin ng granadang pwedeng sumabog anumang oras.

Napakadaling-sabihing “napakaganda mo, mahal,” kahit hindi totoo at bigla na lang mag-ayang umalis para matapos ang usapan.

Pwede mo rin namang hindi sagutin ang tanong at umiwas, ngunit siguradong naghihintay ang mga babae ng sagot.

Pwede kang sumagot sa pamamagitan ng body language, mag-sign language o mag-suggest ng ilang tweak sa kanilang hitsura. Ngunit, hindi ba mas madali kung magsasabi ka na lang ng totoo?

Kapag hindi ka nagsabi ng totoo tungkol sa tunay na itsura ng iyong asawa o kapareha, para mo na rin siyang niloko. Maaaring masaktan mo ang kanyang damdamin sa pagsasabi ng totoo, pero maaaring mas masaktan pa siya kung iba ang magsasabi sa kaniya nito.  Lahat naman tayo ay naghahanap ng totoong sagot sa ating mga tanong.

Kaya, kung may makita kang mali o hindi maganda sa suot ng iyong kapareha, dapat lamang na sabihin mo ito. Ayon sa The Independent, ang mga katagang, “Darling, you look amazing,” ay pawang katotohanan. Ang kahulugan ng salitang amazing, ayon sa Oxford Dictionary, ay nagdudulot ng pagkasurpresa o pagtataka.

Kaya pag may nagtanong sayo ng “How do I look?” maaaring ang tamang sagot dito ay, ano bang gusto mong maging itsura o ano ang nais mong iparating sa iyong suot?

 

Lifestyle Slider Ticker Jonnalyn Cortez

Pangalusian Island pinaka-sustainable na isla sa bansa

February 26, 2020 by Pinas News

 

Ni Jonnalyn Cortez

KASABAY ng pag-unlad ng Pilipinas ay ang pagbabago ng mga bakasyunan dito. Bukod sa mala-paraisong isla ng Boracay, nandiyan din ang Palawan, na puring-puri ng marami, kahit pa nga ng mga banyaga, dahil sa taglay nitong ganda.

Ngunit, dahil na rin sa lumalalang climate change, mas gusto ng maraming bakasyunista ngayon na puntahan ang mga sustainable na lugar. Kaugnay nito, pinagmamalaki ng Palawan ang pinakabongga ngunit pinaka-sustainable rin na resort sa buong Pilipinas, ang Pangalusian Island.

Itinuturing na the “country’s premiere eco luxury resort” ang Pangalusian Island.

Nagkalat ang mga unggoy at water monitor lizards dito. Hindi naman ito dapat ikabahala ng mga panauhin dahil pina-practice ng resort kung paano maging environment-friendly nang hindi sinisira ang taglay nitong natural na ganda, kabilang na ang mga hayop na naninirahan dito.

Bago pa man sila magsara para sa renovation noong nakaraang taon, kilala na ang Pangalusian bilang modelo ng sustainability. Nakakuha na ito ng ilang mga parangal, kasama ito sa listahan ng Top 50 Resorts in the World ng Conde Nast Traveler at Pacific Asia Travel Association’s Best Branded Accommodation.

Kahit pa nga hindi pa uso ang pagiging sustainable nang magbukas ito pitong taon na ang nakakaraan, gumamit na ang mga nagplano nito at mga builder nito ng sustainable construction methodologies. Gawa ang mga wall panels nito sa mineral components, tubig at 30 porsyento ng rice hull. Ang nakaraang renovation ay para lamang i-upgrade ang pagiging sustainable ng lugar.

“We kept the hardware, and changed the software,” paliwanag ni Joey Bernardino, marketing director ng Ten Knots Development Corporation, na owner at developer ng El Nido Resorts.

Bukod sa mas pinagarbong cogon roof ng villas at marami pang ibang cosmetic refurbishments, nilawakan pa ang BE GREEN tenets ng lugar. Upang mas makatipid sa tubig, gumagamit na ang resort ng dual flush toilets para sa common areas. May mga bagong kagamitan din upang mas maging epektibo ang kanilang recycling programs at mga energy efficient na generators.

Inverter na rin ang lahat ng ginagamit na aircon sa Pangalusian, habang LED na ang lahat ng ilaw. Upgraded na rin ang sewage treatment facility plant dito.

Plano na ring ipagbawal ng management ang pagbebenta ng sunscreen sa mga boutique sa resort dahil na rin sa epekto nito sa corals at marine life. Nag co-compost din ang buong grupo ng El Nido Resort upang gamitin ang mga biodegradable materials bilang fertilizers. Sa katunayan, lahat ng mga sangkap at produce sa isla ay gawang lokal mula sa bukirin na eksklusibo para lamang sa El Nido Resorts.

Environment Lifestyle Slider Ticker Jonnalyn Cortez Top 50 Resorts in the World ng Conde Nast Traveler at Pacific Asia Travel Association’s Best Branded Accommodation

James Reid makakatrabaho si Illmind

January 27, 2020 by PINAS

Ni Jonnalyn Cortez

 

IPINAHIWATIG ni James Reid ang bago niyang proyekto kasama ang Filipino-American record producer at songwriter na si Illmind. Ito ay maliban pa sa kanyang nakatakdang performance sa Overpass music festival sa Orange County, California.

Makakasama ni James  ang world-renowned artist na si Illmind, na nakatrabaho na ang maraming sikat na international music artists tulad nina Beyonce, Jay-Z, Ariana Grande, Kanye West, Drake, Kendrick Lamar, J Cole, Travis Scott, Future, Logic at Khalid. Siya rin ang nasa likod ng production ng “Hamilton Mixtape” noong 2016 at ng animated Disney movie na “Moana,” na parehong pinamumunuan ni Lin-Manuel Miranda.

“Got to kick it with [Illmind]. Unexpected conversations about collective consciousness, the journey of the soul, purpose and some big plans,” ang caption ni James sa isang post nito sa Instagram kasama si Illmind nang magkita sila sa Los Angeles, California.

“My Pinoy bro [James] pulled up, had a great convo not just about the music but LIFE. We cooking something wild soon,” ang post naman ni Illmind sa kanyang Instagram account.

Nakatakda namang mag-perform si James at ang rapper na si Curtismith sa darating na global music festival Overpass kasama sina Mino ng K-pop group na Winner, Jhené Aiko, Yuna, DPR Live at ang Thai artist na si Phum Viphurit. Ito ay gaganapin sa Orange County, California, sa Marso 7.

Showbiz Slider Ticker James Reid Jonnalyn Cortez

Paano binago ng millennials ang industriya ng pagkain

January 22, 2020 by PINAS

Kasabay ng pagbabago ng millennials sa industriya ng pagkain ay ang pag-usbong nito at pagbibigay halaga sa kalusugan at locally-sourced na mga rekado at sangkap.

 

Ni: Jonnalyn Cortez

 

Gumawa ng ingay ang henerasyon ng mga millennials sa pagitan ng pagsisimula ng mga bagong trends mula sa pananalita hanggang pananamit, lalo na nga sa pagkain. Sa henerasyon na ito nagsimula ang mga food hubs, banchetto, food market, samgyupsal, milk tea, at marami pang ibang food trends.

Sa katunayan, sa pag-aaral na isinagawa ng Technomic noong 2019, napag-alamang mas madalas na kumakain ang mga millennials sa labas kaysa sa bahay. Dahil dito, nagsimulang mabago ang industriya ng pagkain dahil sa mga millennials.

Mga lugar at uri ng pagkain na paborito ng millennials

One-third ng agahan, kalahati ng tanghalian, at apat sa sampung hapunan ng mga millennials ay ginagawa nila sa labas. Madalas ito sa mga fast-food restaurants (85 porsyento), street-food carts (82 porsyento), cafeterias sa opisina (81 porsyento), at karinderya (80 porsyento). Malaking porsyento rin ang kumakain sa mga cafes na nagsisilbi ng mga espesyal na inumin, katulad ng kape at milk tea (76 porsyento), at mga baked na cake, tinapay, at iba pa (74 porsyento). Sinundan naman ito ng mga restaurants (74 porsyento) at vending machines (56 porsyento).

Halos lahat nga raw ng mga Pilipinong millennials (84 porsyento) ay gustong makasubok ng mga bagong pagkain at flavors. Apatnapu’t tatlong porsyento naman ang nagsasabing gusto nilang subukan ang mga bagong lugar na pwedeng kainan.

Walo sa sampung mga millennials ay gusto ang lutuing Pinoy at Amerikano. Anim sa sampu naman ang gusto ng Korean at Japanese food, habang kalahati rito ay mas hilig ang Chinese cuisine.

Mas madalas din kumain ang mga Pilipinong millennials  sa labas kumpara sa ibang mga millennials sa buong Asya.

 

Photo food trend 1: Millennials, malaki ang impluwensya sa pagbabago ng industriya ng pagkain ngayon.

Pag-usbong ng food delivery

Ayon sa Word Text, nais ng mga millennials ng convenience pagdating sa pagkain. Sa katunayan, nang magsimula ang meal kit service sa Amerika noong 2007, naging $10-billion industry na to ngayong 2020, salamat sa mga millennials.

Ilan pa nga sa mga laging ginagawa ng mga millennials ay ang pag-order ng pagkain online o sa telepono. Sa ginawang Food and Health Survey ng International Food Information Council noong 2017, 55 porsyento ng millennials ay mas pinipili ang mas madaling bilhin na pagkain.  Tatlo sa sampung mga millennials ay nagte-take out ng pagkain o nagpapa-deliver.

 

Hindi lamang basta-basta trendy ang gusto ng mga millennials, kundi ang mga healthy, locally-sourced at organic na pagkain.

Pagsikat ng organic at natural na pagkain

Gayunpaman, hindi dahil mas gusto ng mga millennials ng mabilisang pagkain ay wala na silang pakialam kung healthy o organic ito.

Bukod sa pagbago ng industriya ng pagkain, binago rin ng millennials ang kahulugan ng masustansyang pagkain. Imbes na mga low-fat foods, mas pinipili ng mga millennials ngayon ang mga natural, organic, locally-sourced, at sustainable na mga pagkain. Limampu’t dalawang porsyento o lagpas sa kalahati ng mga millennials ang kumakain ng gulay at organic na pagkain kumpara sa mga baby boomers.

Mas conscious din ang mga millennials kung saan gawa ang kanilang pagkain. Walumpung porsyento ang gustong malaman kung saan inani ang kanilang mga kakainin. Kaya nga naglabasan ang mga “locally-sourced” at “farm-to-table” na mga kainan at uri ng pagkain sa mga menu sa restaurants ngayon.

 

Bukod sa lasa, mahalaga rin sa millennials ang experience na dala ng pagkain.

Food trend at social media

Syempre pa, bukod sa pagiging healthy, gusto rin ng mga millennials ma-experience ang mga bagong trend sa pagkain. Kung dati ay masaya na ang mga kabataan sa pizza at fries, ngayon, gusto na nila ng unique at customizable na mga pagkain. Ito rin ang dahilan kung bakit naglabasan ang iba’t-ibang uri ng mga pagkain mula sa mga flavors ng inumin hanggang sa mga iba’t-iba at pinaghalo-halong mga sangkap at rekado. Andyan ang avocado toast, tuyo pizza, matcha milk tea, DIY pizza, at marami pang iba.

Apatnapung porsyento ng mga millennials ay gustong sumubok ng iba’t-ibang pagkain kahit pa kumakain sila sa iisang restaurant lamang, ma-pa vegan food o cultural cuisines man ito. Mabenta rin sa millennials ang mga unique na design sa restaurant na maituturing na Instagrammable o Instagram-worthy.

Nasabi na rin naman ang Instagram, isa pa sa mga bumago ng industriya ng pagkain ngayon, dahil na rin sa mga millennials, ay ang paggamit ng social media. Hindi lamang ang lasa, uri, at kaibahan ng pagkain ang labanan ngayon para  sa mga millennials, kasama rin dito ang kakaibang experience na maaaring ipagmalaki sa social media. Ngayong henerasyon ding ito nagsulputan ang mga food reviews.

Pitumpu’t limang porsyento ng mga millennials ay mas kinukunsidera ang experience sa pagkain kaysa sa lasa o nourishment na taglay nito. Idagdag mo pa rito ang madalas na paggamit ng social media ng mga millennials, madalas silang gumawa ng food reviews online kahit lamang sa simpleng post na makakaimpluwensya o engganyo sa mga makakabasa.

Tunay ngang nabago ang industriya ng pagkain ngayon dahil sa mga millennials. Kahit pa ibang-iba ito kumpara sa mga nakaraang henerasyon, malaking tulong naman ang dala nito para sa naturang industriya.

Slider Ticker Trending Jonnalyn Cortez Millennials

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • …
  • Page 18
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.