ANG Canada ang kauna-unahang G20 na bansa na nagbawal ng pag-export at pag-import ng shark fins.
Naisabatas na ngayon ang pagbabawal ng pag-import at pag-export ng shark fins sa Canada.
Ikinatuwa naman ng mga envirionmental and conservation group ang pagkapasa ng bagong fisheries act.
Isa umano itong tagumpay para sa pangangalaga sa tirahan ng mga lamang dagat at populasyon ng mga pating.
Sinabi ni Josh Laughren, Executive Director of Oceana Canada, isang pribadong conservation group, na malaki ang matutulong nito sa pagpapadami ng populasyon ng pating gayong ang Canada ay ang pinakamalaking importer ng shark fins sa labas ng Asya.
Ayon sa statistics ng Canada, 148,241 kg ng shark fins ang na-import ng bansa noong 2018, nagkakahalaga ng c$3.2 milyon o $2.4 milyon.