• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - January 28, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Joshua Garcia

Joshua Garcia, Julia Barretto inaming na-miss ang isa’t-isa

January 21, 2020 by PINAS

Ni: Jonnalyn Cortez

 

IDINETALYE ng dating magkasintahan na si Julia Barretto at Joshua Garcia ang kanilang muling pagsasama sa pelikulang “Block Z.” Matatandaang naging kontrobersyal ang hiwalayan ng dalawa nang ma-link si Julia sa dating nobyo ni Bea Alonzo na si Gerald Anderson noong nakaraang taon.

Sa press conference ng bago nilang pelikula, naging maingat ang mga Kapamilya stars sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa matapos ang kanilang dalawang taong relasyon.

“Okay naman kami. Okay kami and… okay kami…” maingat na sagot ng aktor,” ang sagot ni Joshua.

Ayon sa PEP.ph, mag-on pa si Joshua at Julia nang magsimula ang shooting ng “Block Z.” Nagkahiwalay naman sila bago matapos ang shoot.

“Actually, nung nakita ko siya, ito personally, parang na-miss ko din siya. Kasi siyempre, ang tagal naming hindi nagkasama… na-busy siya, na-busy ako,” dagdag pa ng aktor.

Sinegundahan nman ni Julia ang pahayag ng dating nobyo, at sinabing masaya siyang nanatili silang magkaibigan sa kabila ng kanilang paghihiwalay. Inamin din nitong na-miss niya si Joshua dahil matagal-tagal din silang nagkasama noon.

“We’re okay. And that’s one of the things I’m grateful for… that we were able to really protect and make sure that the friendship will stay and remain,” paliwanag ng aktres. “And tama siya. When I first saw him also, it felt familiar… kumbaga, parang it’s a familiar place, it’s a comfortable, safe place.”

Umamin si Joshua at Julia na dalawang taon na ang kanilang relasyon noong Abril ng nakaraang taon. Ngunit matapos lamang ang dalawang buwan, sinabi ng dalawa na matalik na magkaibigan na muna silang muli.

Showbiz Slider Ticker Block Z Joshua Garcia Julia Barretto

Pagkabuo ng Joshnella, bagong simula para kay Joshua

August 19, 2019 by PINAS

TERRIJANE BUMANLAG

 

Nagsimula na noong August 12 ang teleseryeng pinagsamahan nina Joshua Garcia at Janella Salvador.

Ito ang simula ng loveteam na Joshnella.

Para sa mga tagahanga ng aktor, ito ang kanyang bagong simula matapos ang paghihiwalay nila ng kanyang ex-girlfriend ng dalawang taon na si Julia Barreto.

Naniniwala naman si Joshua na ito ang tamang panahon para sa kanilang dalawa ni Janella.

Matatandaang naging matagumpay ang mga pelikula at teleseryeng pinagsamahan nina Joshua at Julia.

Pero ngayon handa na siyang yakapin ang buhay na hindi kasama ang babaeng dating minahal.

 

 

Showbiz Slider Ticker Janella Salvador Joshua Garcia Julia Barreto TERRIJANE BUMANLAG

Joshua, tunay na inspirado sa buhay

September 19, 2018 by Pinas News

Ni: Crysalie Ann. Montalbo

KASALUKUYANG bumibida ngayon ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa teleseryeng Ngayon at Kailanman kasama ang partner na si Julia Barreto na umeere tuwing gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.

Maganda ang pasok ng primetime teleserye sa telebisyon nang ilabas ng Kantar Media show ang national TV ratings. Nanguna ang Ngayon at Kailanman sa rating na 31.2% katapat ang palabas sa Kapuso na Onanay, na nasa 17.3%. Malaki ang pasasalamat ng mga cast sa Star Creatives at direktor na si Mae Cruz-Alviar at Elfren Vibar sa tagumpay nito.

Gumanap si Joshua bilang si Inno, ang pangalawang anak ni Stella (Alice Dixson) at Hernan (Christian Vasquez) na lumaking tahimik at hindi nakikisalamuha sa iba. Sa kanyang paglaki, sinusubukan niyang makuha ang puso ng kanyang ina mula nang sisihin siya nito sa nangyaring aksidente ng kanyang kapatid na si Oli (Jameson Blake).

Inamin naman ni Joshua na malaking pagbabago sa pag-arte ang kanyang ginawa mula nang sumabak siya sa teleserye.

“Dito po kasi iba ‘yung character ko. Parang kumabaga nag-switch kami ng character — ako naman ang mayaman, siya Julia Barretto ‘yung mahirap,” sabi ni Joshua sa press.

Isa na rito ay ang kanyang pagsasalita ng wikang Ingles na kung saan ay kinailangan niya pang kumuha ng speech coach.

“Mahirap po mag-English, ‘yun po ang pinaka-challenging sa lahat, and the way nang pag-deliver dapat spontaneous, bawal ang bakel, dapat fluent, bawal magkamali, tama dapat ang bigkas,” giit niya.

“Challenging din dito ‘pag may confrontation scene na, tapos English,” kwento ni Joshua.

Bukod doon, new look din siya upang mas mabigyang diin ang kanyang karakter.

IBANG HINAHANGAAN

Bukod sa pag-arte, isa rin sa mga ibinahaging rebelasyon ni Joshua ay ang paghanga niya sa kay Alice Dixson.

Kuwento ng aktres, bumata raw ang kaniyang pakiramdam nang malaman niya ang paghanga ng isang young showbiz personality sa kanya. “Flattering”, sabi ni Alice.

“Siguro kung masyadong bata… I find naman the scenario cute. Anak ko siya sa soap, kaya what else could it be but sweet,” pahayag ni Alice.

“I don’t think it’s going to change anything. Bata siya and all other kids naman have their period in their life na nagkaka-crush sa older women.”

“It was cute and it was cuter na si Julia pa ang nag-buking,” natatawang sabi ng aktres.

 

MASAYA ngayon ang estado sa pagitan ni Joshua Garcia at Julia Barretto.

 

JOSHLIA

Sa ngayon ay kitang-kita pa rin ang pagmamahalan ng tambalang JoshLia.

Nakapanayam ang dalawa kamakailan sa morning talk show na Magandang Buhay. At sa unang pagkakataon, ibinahagi ni Joshua na si Julia lang ang babaeng mahal niya na dinala sa bahay.

“Dati may nakapunta sa bahay ko pero ‘yung time puppy, puppy love pa. Ito talaga kasi (si Julia) masasabi mong love mo talaga na naipakilala mo. Kasi siya rin naman talaga ‘yung ipinakilala ko sa mga magulang ko,” ayon kay Joshua.

Bumisita si Julia sa bahay nila Joshua sa Batangas. Dito ay mas nakilala pa ni Julia ang kanyang rumored partner.

PATULOY NA LUMALABAN

Nananatiling matatag ang samahan ni Joshua at Julia sa kabila ng mga hindi pagkakaintindihan at maging sa mga malalaking pagsubok na hinarap ng dalawa.

Sa kanilang pinagdaanan, natutunan ni Joshua na pahalagahan kung ano ang mayroon siya.

“I’m sorry if nagkaroon ng mistake, but I promise to be a better man for you, for us.” ito ang sinabi ni Joshua sa presscon ng kanilang pelikula na I Love You, Hater, kung saan ay nasa kalagitnaan ng malamig na pagkakaintindihan.

“May nagawa akong mga desisyon na mali, siyempre sarili mo pa rin ‘yung kailangan mong mahalin. Tinuruan din ako ni baba na mahalin ang sarili ko,” dagdag pa niya.

Showbiz Slider Ticker ABS-CBN Primetime Bida Alice Dixson Christian Vasquez Elfren Vibar Jameson Blake Joshua Garcia Julia Barreto Julia Barretto Kantar Media show Mae Cruz-Alviar PINAS

Singing career ni Moira, inulan ng biyaya

September 5, 2018 by Pinas News

Ni: Crysalie Ann Montalbo

NASAKSIHAN ng madla ang unti-unting pag-usbong ng pangalan ng bagong Kapamilya singer na si Moira Dela Torre nang makilala ito sa kanyang malamig na boses, rendition ng mga lumang kanta at ang mga awiting talagang nagpaantig ng puso.

Kaya’t kinagigiliwan ngayon ang kanyang awiting Kahit Maputi na ang Buhok Ko na ginamit bilang official soundtrack ng pelikulang The How’s of Us na pinagbibidahan ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

PAANO NGA BA NAGSIMULA?

NAGSIMULA si Moira sa pagiging voice artist at pag-awit ng mga corporate jingle, tulad na lamang ng Hooray for Today! ng McDonald’s.

Sa edad na 12, sumusulat na ng mga kanta ang aktres bilang tugon sa pakikipaglaban niya sa anorexia, na naging resulta ng natatanggap niyang pambubully noon.

“Mataba ako ta’s Inglesera ako noong bata po ako, so noong lumipat ako ng public school medyo hindi ako na-accept. Hindi po ako isasama, ila-lock nila ‘yong classroom tapos ako ay nasa labas.”

Kinaya niya ring sumulat ng kanta nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.

Noong 2013, sumali ng The Voice Philippines Season 1 si Moira, kung saan ay napabilib niya si Coach Apl.de.ap sa pag-awit ng Hallelujah ni Bamboo. Subalit na-eliminate rin siya nang makaabot sa battle round.

Hindi tumigil ang tiwala at pag-asa ni Moira kung kaya’t noong 2016, napili ang kanyang awitin na Malaya, bilang theme song ng pelikulang Camp Sawi na pinagbibidahan nila Arci Munoz, Bela Padilla, Yassi Pressman, Kim Molina, Sam Milby at Andi Eigenmann.

Sumunod dito ay ang pagkapanalo ng kanyang kantang Titibo-tibo na isinulat ni Libertine Amistoso sa Himig Handog 2017.

Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Giit niya, wala siyang gaanong ideya kung bakit nga ba umaayon ang mga tagapakinig sa tuwing naririnig ang kanyang kanta.

“I don’t know what it is about my songs because [after] I write them, I don’t exactly know how my listeners feel. But one of my friends tried to describe how my songs made her feel and she said she felt as if she was standing in front of a mirror, real time, with honesty. And it reminded me of when I first discovered I might have a lot of empathy. I found my mom crying when I was a kid and I felt all her pain, and she didn’t need to say anything.”

Nailalahad niya ang karanasan ng isang tao sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga kanta.

 

Ang kasalukuyang album ni Moira na Malaya

 

UMUULAN NG BIYAYA

Sunod-sunod ang biyayang natanggap ni Moira nang inawit niya ang theme song ng pelikulang Love You To The Stars and Back ni Julia Barretto at Joshua Garcia, ang Torete ng Moonstar 88.

Noong Oktubre 2017, naging opisyal na miyembro si Moira ng acoustic group na ASAP Jambayan.

Dahil sa galing na ipinakita ng singer, ngayong taon ay ginawaran siya ng Wishclusive Contemporary Folk Performance of the Year, Wishclusive Viral Video of the Year at Wishclusive Elite Circle-Bronze Award sa 3rd Wish 107.5 FM Music Awards.

Hindi lang ‘yon, tagumpay ang kanyang kauna-unahang solo concert na Tagpuan sa direksyon ni John Prats. Ito ay ginanap noong Pebrero 17 sa Kia Theater. Sa loob ng apat na araw ay sold out agad ang tickets.

Maging ang American trio na Boyce Avenue ay bumilib sa ipinakitang galing ni Moira sa kasagsagan ng kanilang one-night concert na ginanap noong Hunyo.

“I think we all 100 percent think she can do it internationally because from what we’ve been hearing and from what we’ve seen on the videos, she’s the queen of emotion,” sinabi ni Fabian ng Star Music.

“Putting that honesty and that genuine emotion, I think with us, that’s the biggest reason why we’ve been able to do well internationally. People all over the world want to see that genuine emotion. We are excited to see what happens with her. I think it’s going to be incredible,” dagdag niya.

 

Engaged na ngayon si Moira sa kanyang boyfriend na si Jason Hernandez.

 

ENGAGED NA

MARAMI ang kinilig sa kakaibang anunsyo ng kanyang soon-to-be-husband na si Jason Hernandez nang mag-propose ito sa music video ng kanyang awitin na Tagpuan.

Kwento niya, hango sa totoong buhay ang music video subalit wala siyang kaalam-alam na mangyayari ang wedding proposal.

“That was the story pero ‘di ko alam na do’n pala siya magpo-propose,” sabi ni Moira.

Inamin niyang ang proposal na iyon ang isa sa pinakamadaling tanong na sinagot niya sa buong buhay.

Showbiz Slider Ticker Andi Eigenmann Arci Muñoz ASAP Jambayan Bela Padilla Boyce Avenue Jason Hernandez Joshua Garcia Julia Barretto Kia Theater Kim Molina PINAS Sam Milby Tagpuan Yassi Pressman

Iza Calzado, super blessed

April 23, 2018 by Pinas News

Ni: Wally Peralta

WALA mang teleseryeng ginagawa ngayon ang Star Awards for Movies 2017 best actress na si Iza Calzado, para sa kanyang makatotohanan pagganap bilang isang babaeng nawawala sa sarili sa movie na “Bliss”, ay bisi-bisihan naman ang kanyang byuti sa dalawang pelikula.

Sa ngayon ay isang malaking hamon naman sa kakayahan ni Iza ang bagong pelikulang ginagawa may tentative working title na “Sa Pagitan ng Dito at Doon”. Isang lesbian na may anak ang role ni Iza, at intended for this coming Cinemalaya ang naturang bagong movie na ginagawa ni Iza.

“Kakaiba ito para sa akin,” ang bungad ni Iza.

“First time kong gaganap na isang tomboy na may anak pa, na kailangan gampanan ko ang pagiging isang ina ng aking anak pero may gusto rin akong gawin sa aking buhay bilang isang tibo.”

“Challenging siya, lalo pa, nga’t hindi pa naman ganun ka-open ang viewing public sa mga istoryang may temang tungkol sa katomboyon.”

“Hindi tulad sa gay role, na kahit paano ay tanggap na ng masa. Pero napakaganda kasi ng istorya at isang eye opener ito,” ang pagmamalaking say ni Iza sa bagong pelikulang ginagawa.

Bagong kalaban

Bukod sa pelikulang ito ay may isa pa rin daw na pelikulang gagawin si Iza bago matapos ang taon. Tsikang siya ang napipisil na bagong magiging kalaban ni Liza Soberano sa makontrobersyal na pelikulang ginagawa ni Liza sa kasalukuyan, ang “Darna”. Wala pa nga raw tukoy na karakter si Iza sa naturang Darna movie maliban sa magiging kalaban siya ni Darna.

“Ay, si Liza na lang ang tanungin nyo about that.”

“Ang movie na siguradong gagawin ko is our reunion ng co-stars as the Sanggres in ‘Encantadia’, sina Sunshine Dizon, Karylle and Diana Zubiri, to be directed by our Enca director, Mark Reyes.”

“Noon pa pinaplano ang reunion namin, but since magkakaiba na kami ng networks ngayon, sa pelikula lang kami pwedeng magkasama as of now.”

“Inaayos pa ang script and our schedules.”

Napurnada

Mukhang tutok muna ang byuti ni Iza sa mga pelikula. Halos isang taon na rin naman siyang hindi napapanood ng kanyang mga followers sa teleserye. Huling teleseryeng ginawa ni Iza ay yung sa kanilang tatlo nina Ian Veneracion at Bea Alonzo, ang “A Love To Last”. Ano kaya ang latest sa dapat sanang gagawin ni Iza sa Dos na teleserye kung saan ay makakasama diumano niya ang papainit na loveteam nina Joshua Garcia at Julia Barretto?

“Yes, but it’s currently on hold. So we don’t know kung kailan matutuloy.”

“Basta ako, waiting lang kung kalian kami magsisi-mula.”

Kalma lang sa pagpapakasal

Super bisi-bisihan nga si Iza ngayon sa kanyang showbiz career. Kailangan kasi na matapos niya lahat ang mga naunang commitments na natanguhan na niya this year. Eh kasi nga naman, ngayong taon din gagawin ang pagpapakasal ni Iza sa kanyang long time non-showbiz boyfriend na si Ben Wintle. Kung matatandaan ay last October 2017 nag-propose ng kasal si Ben kay Iza sa isang garden sa London, kung saan naroroon ang mga kamag-anak at magulang ni Ben.

“Baka end of this year! And it’s a ber month.  May tinatarget na kaming date, inaayos lang ang mga schedules!”

 “End of the year pa, kalma kalma pa.”

“But wala pang details. Basta we plan it to be a destination wedding, hindi ko lang pwede pang sabihin kung saang bansa.”

Double time

Saan naman kaya humuhugot ng lakas itong si Iza, bukod kasi sa napakarami niyang mga commitments na dapat tapusin ngayong taon ay abala rin siya sa pag-aayos ng kanyang kasal. May time na kailangan gawin ni Iza na pagsabayin ang shooting ng kanyang movie at saka ang pag-aayos ng kasal nila ni Ben na kasalukuyan naman na nasa kanyang hometown, sa London.

May ilang detalye na ka-yang pwedeng ibigay si Iza sa kanyang dream wedding?

“Ang isa sa makakasam sa entourage ng kasal ko ay ang aking friend na si Karylle.”

“Actually sa dami ng mga friends namin ni Ben, yan ang nagiging problema kung sinu-sino ang isasama sa entourage. I have a lot of friends kasi.”

“Ang isa pang mahirap sa wedding, ay yung paghahanda rin ng mga wedding list, yung mga listahan ng magiging bisita.”

“Para iwas sakit ng ulo, relax lang sa ngayon ang byuti ko. Ha ha ha ha”

“Meron naman kaming wedding planner na mag-aasikaso ng mga kaganapan sa aking kasal.”

Maghahatid sa altar

At dahil parehong pumanaw na ang kanyang ama at ina, sino naman kaya ang maghahatid kay Iza sa altar?

“I have a kuya na maghahatid sa akin.”

Learning process

First time para kay Iza na magpapakasal. Ngayon palang ay hinahanda na niya ang sarili sa panibagong buhay na tatahakin. At sa mga huling araw na ng kanyang pagiging isang single, ano kaya ang mga pumapasok ngayon sa kanyang kaisipan?

“Narealize ko this year nang ma-engage ako, na hindi pala ako ang klase ng babae na nag-iisip ng lahat ng detalye sa future dream wedding.”

“Hindi pala ako ganun.”

“Kahit pala noon iniisip ko dati kung anong party ang ibibigay ko before and after my wedding. Nagbago na rin.”

“Okey na sa akin kahit gaano kasimpleng party, basta kasama ko lang ang mga friends ko and family. Okey na sa akin yun’,” ang pagtatapos na sabi pa ni Iza.

Coming from yours truly and staffs ng Pinas, advance congratulation, Mr. and Mrs. Ben Wintle!

Showbiz Slider Ticker A Love To Last Bea Alonzo Ben Wintle Darna Diana Zubiri Encantadia Ian Veneracion Iza Calzado Joshua Garcia Julia Barretto Karylle London Mark Reyes PINAS Sunshine Dizon Wally Peralta

Joshlia fans, naalarma sa convo ni Joshua Garcia Sa isang fan

March 23, 2018 by Pinas News

Pinas News

AYAW namang patulan ng young actor na si Joshua Garcia ang komento ng mga Joshlia fans tungkol sa lumabas na screenshots sa social media kung saan kasama nito ang isang girl.

Naalarma naman ang joshlia fans sa paglabas ng screenshots sa social media ng pakikipag-usap umano ng young actor sa isang female fan na may username na @danerhea sa twitter.

Inulan naman ng batikos ang young actor at kinukuwestyon ng netizens ang loyalty nito kay Julia Barretto.

Say naman ni joshua, hangga’t maaari umano ay ayaw niyang bigyan ng pansin ang mga walang kwentang isyu at gusto lamang niyang mag-focus sa kanyang trabaho.

Bilang artista naman ay tanggap na ni Joshua na parte ng buhay nila ang intriga at isyu.

Showbiz Slider Ticker @danerhea Joshua Garcia Julia Barretto SMNI News

  • Page 1
  • Page 2
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.