Matagumpayan kayang madedepensahan ni Pacio ang titulo?
Ni: Eugene Flores
MATAPOS ang matagumpay na karera sa taong 2018 para sa Team Lakay, muling lalaban sa entablado ang ONE Strawweight champion Joshua Pacio kontra sa Hapon na si Yosuke Saruta na gaganapin sa Jakarta Indonesia sa Enero 19.
Nag-iba ang ikinasahang laban matapos kanselahin ang hinihintay na rematch ni Pacio at dating Strawweight champion, Yoshitaka Naito dahil sa injury.
Isa si Pacio sa apat na miyembro ng Team Lakay na naging World Champions na kinabibilangan ni Eduard Folayang, Kevin Belingon at Geje Eustaquio.
Ikalawang ONE Championship na laban pa lamang ni Saruta ang paparating na laban matapos maging championshiop contender nang pabagsakin ang dating strawweight champion Alex Silva sa kanyang debut.
Bukod kay Pacio, sasabak din sa laban ang dalawa pang Pinoy na si Edward Kelly kontra kay Christian Lee at Robin Catalan kontra Stefer Rahardian.
Ang “One: Eternal Glory” ang unang event ng taon kung kaya’t puspusan na ang ensayo ng magkabilang kampo para sa kanilang title match.