Juan Ponce Enrile
Bakit People Power Center?
Pinas News
MALALAPIT nanaman ang araw ng anibersaryo ng mapayapang rebolusyong ipinakita sa mundo ng mga Pilipinong tutol sa diktaturyang pamamahala—ang People Power Revolution.
Naging makasaysayan ang panawagan ni Cardinal Jaime Sin sa sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng Catholic radio station na Radyo Veritas na protekta-han ang noo’y miyembro ng gabinete at Philippine Constabulary na bumaliktad na suporta sa pamamahala ng administrasyong Marcos—sina Fidel V. Ramos at Juan Ponce-Enrile laban sa pagtugis sa kanila ng mga militar kasunod na rin ng utos ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Matapos ma-exile patu-ngong Hawaii ang pamilya Marcos ay naibalik ang demokrasyang hinihiling ng bayan, tanging ang EDSA na lamang siguro ang magsasabi kung ano ang kasaysayang nasaksihan nito sa panahong iyon.
Makalipas ang 32 taon, nais ni Ramos na magkaroon ng isang People Power Center na sesentro raw sa pagbabalik-tanaw, at patuloy na pag-alala ng makasaysayang rebolusyon sa bansa at nang sa gayon ay di raw ito malimot ng mga Pilipino at nang susunod pa na lahi.
Sa ngayon, monumento, mga rebulto, ilang video clips, larawan at mga aklat ang tanging nagbibigay ng alaala dito.
Ngunit, di pa rin maiwasan Ang mga tanong na, ano ang pakinabang nito sa kabuha-yan ng mga Pilipino? Di pa ba sapat ang mga ipinatayong mga iskultura, mga rebulto at pinta na umuugnay sa pagsariwa sa EDSA-1? Kulang pa ba ang ibinibigay na pondo ng gobyerno sa tuwing ito ay ginugunita taon-taon?
Bakit sa halip na People Power Center ang gagawin ay ilaan na lang sa pagpapaganda ng mga nauna nang mga ginastusan ng pamahalaan para maalala ang EDSA Re-volution? Bakit di magkaroon ng programa ang mga ito na makatutulong pa sa mga Pilipino na umunlad at matiyak na walang pagsisisi na inalis si Marcos dahil umunlad ang bansa at di lalong naghirap? Bakit di natin pasiglahin ang mga awiting may kaugnayan sa pagmamahal sa bayan upang mayroon tayong maipamana sa bagong henerasyon at darating pa? Bakit? Bakit? Bakit?…nagtatanong lamang po!
Fraternities sa mga unibersidad, magpapatuloy pa rin
Si Horacio “Atio” Castillo III ang pinakahuling biktima diumano ng hazing.
Ni: Kristin Mariano
“Pinagtutulak…pinagsusuntok “hanggang sa pumutok”…pinagpapalo ng limang beses…pinatakan ng kandila” – ito ang laman ng salaysay ng bumaligtad na miyembro ng Aegis Juris Fraternity na si Marc Anthony Ventura ukol sa initiation rites ng nasawing first year law student na si Horacio “Atio” Castillo III.
Matapos ang karumaldumal na hazing kay Atio, hindi umano siya agad naisugod sa ospital dahil sa takot ng mga miyembro. Bagkus, tinawag ang isa pa nilang ka-brod na si John Paul Sollano na isang medical technologist para subukang i-revive ang biktima.
Palihim na nagtungo si Ventura sa opisina ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kasama ang kanyang ina upang ibunyag ang kanyang nalalaman kapalit ng pagsasailalim sa kanya sa Witness Protection Program. Lumutang ang mga bagong pangalan dahil sa pag-amin ni Ventura.
Samantala, bakas pa rin ang dalamhati sa mukha ng mga magulang ni Atio sa ika-40 araw ng pagkamatay ng kanilang anak noong Oktubre 27. Halos madurog ang kanilang puso sa salaysay ni Ventura dahil sa torture na sinapit ng anak at ikinagalit ang pahayag ng ibang mga akusado at mga miyembro ng Aegis Juris na atake sa puso ang ikinamatay ni Atio at hindi hazing.
Lumang tugtugin na ito
Hindi si Atio ang unang biktima ng hazing sa ngalan ng kapatiran. Umalingawngaw ang pangalan ng estudyante ng Ateneo De Manila University na si Leonard “Lenny” Villa noong dekada-90 na nasawi sa initiation rites ng Aquila Legis Fraternity. Ang kontrobersyal na kaso ni Villa ang naging basehan sa pagpanukala ng Republic Act 8049 o Anti-Hazing Law noong taong 1995 na may pinakamabigat na parusa na Reclusion Perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo.
Ngunit tila walang pangil ang batas at naitala ang halos 18 pagkamatay sa loob ng 22 taon. At sa mga 393 na mga suspek, dalawa lamang dito ang nahatulan ng reclusion perpetua. Tila mas matibay ang “code of silence” ng mga fratmen. Idagdag pa rito ang mga koneksyon ng fraternity sa kanilang mga alumni.
Sinabi ng ilang mambabatas na mahirap maipanagot ang mga kasapi ng fraternity dahil madalas walang testigo. Mayroon din umanong mga “loopholes” sa kasalukuyang batas at dapat ng maamyenda ang nasabing batas.
Malalim ang ugat sa kasaysayan
Sa kabila ng mga panaghoy ng mga magulang ng mga biktima na buwagin ang mga fraternity sa mga unibersidad, tila mahihirapan na tuluyang alisin ang mga ito dahil sa lalim ng kasaysayan ng mga grupo. Sinasabing dala ng mga mananakop na Kastila at Amerikano ang fraternities. Itinatag ang mga grupong ito upang magtipon para sa sosyal, pilosopikal, at pinansyal na mga layunin.
Ang KKK (Kataastaasang Kagalangalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) at La Liga Filipina ay mga fraternity na itinatag noong panahon ng Kastila. Ang mga kapatiran sa salitang Griyego na ngayon ay namamayagpag sa mga unibersidad ay dinala naman ng mga Amerikano. Yumabong ang mga fraternities matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig mula 1950s-1990s kung saan maraming mga fraternity ang naitatag sa mga unibersidad sa Pilipinas.
Dalisay at matuwid ang orihinal na layunin ng mga fraternity o kapatiran na matulungan ang bawat miyembro. Ang mga estudyante ay may mga benepisyong natatanggap sa kanilang pagsali sa frat. Network, scholarships, at proteksyon ang ilan sa mga benepisyo ng pagiging isang fratman. Natatabunan ang mga hangaring ito dahil sa karahasan tuwing hazing na naging tradisyon na ng maraming frat.
Hindi madaling sumali at ekslusibo ang isang fraternity. Ang recruitment ay pamamagitan lamang ng imbitasyon. Inilahad ni Carli Recio II, na isang fratman, na dumadaan ang lahat ng neophytes sa “initiation rites” bago sila maging opisyal na miyembro ng isang fraternity. Sinusukat nito ang determinasyon at katapatan sa sinalihang frat. Ang initiation rites ay may physical at psychological tests. Sa kabila ng mga pagsubok, importante ang tiwala sa mga ka-brod.
Dinagdag pa ni Recio na bagkus may mga frat na namatayan ng miyembro dahil sa hazing at frat wars, may ibang fraternities na malinis ang record at ang kanilang harangin na luminang ng bagong talento sa hanay ng mga estudyante.
Maraming maimpluwensiyang personalidad sa iba’t ibang larangan tulad ng pulitika at showbiz ang mga miyembro ng frat at soro tulad nila Senador Juan Ponce-Enrile, Franklin Drilon, Edgardo Angara, Francis Pangilinan, Ara Mina, Michael V., Angel Locsin, at Vhong Navarro. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga estudyante na sumali sa fraternity.
Planong pagpapatalsik sa Pangulong Duterte? – Dating Sen. Enrile
Dating senador Jinggoy Estrada, palalayain na
Makakalaya na pansamantala mula sa kulungan ng PNP Custodial Center si dating senador Jinggoy Estrada.
Ito ay dahil nakatakdang bigyan ng Sandiganbayan 5th Division si Estrada ng temporary liberty kaugnay ng kanyang PDAF case.
Ayon sa bagong 5th Division ng Sandiganbayan, isang draft resolution ang kanilang inihahanda na nagbabaliktad sa naunang ruling ng old 5th Division ng anti-graft court.
Sinasabing ang draft ruling ay hindi pa maipalabas dahil may ibang justices sa Sandiganbayan, ang tumututol sa pagpapalabas nito dahil sa pangambang makakaapekto ito sa pork barrel plunder scam case ni dating senador Juan Ponce Enrile at Jessica Lucila “Gigi” Reyes na naka-pending sa Sandiganbayan 3rd Division.
Maaari rin umano itong maging daan ng pagpapalaya rin sa isa pang pork barrel plunder scam case ni dating senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.
Ang Sandiganbayan 5th Division na pabor sa paglabas ni Estrada ay sina justices Rafael Lagos, Maria Theresa Mendoza-Arcega at Reynaldo Cruz.