TJ BUMANLAG
MARAMING netizen ang nag-react sa naging sagot ni Claudine Barretto sa tanong ng isa sa kanyang follower sa Instagram.
Tinanung kasi sa aktres kung sino ang mas magaling umarte sa optimum star kung ang pamangkin ba niyang si Julia Barreto o si Julia Montes.
Hindi naman nagpatumpik-tumpik sa pagsagot si Claudine at sinagot ito ng naka-capitalize na of course Julia Montes.
Natuwa man ang fan ni Julia Montes ngunit sabi ng ibang netizens na baka magiging dahilan muli ito ng hindi pagkakaintindihan ng Barretto sisters at kay Julia B.