YNA MORTEL
LAKING pasasalamat ni Northport Star Christian Standhardinger matapos hirangin siyang Best Player of the Conference.
Isinagawa ang awarding bago ang pagsisimula ng Game 4 sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts.
Nagpasalamat si Standhardinger sa kaniyang koponan dahil sa pagdala sa kaniya sa lugar para makuha ang pagkilala.
Tinalo ni Standhardinger ang dating kasamahan sa San Miguel na si June Mar Fajardo kung saan mayroong 1,011 points ang nakuha ng Filipino-German born player habang mayroong 657 points si Fajardo.
Pumangatlo naman si Jayson Castro na mayroong 615 points at pang-apat si Cj Perez.
Nasungkit naman ni Bolts import Allen Durham ang kaniyang ikatlong best import award, at pumangalawa naman sa kaniya si Justin Brownlee.