Ni: Jun Samsun
NAGMAMATIGAS pa rin at wala umano sa plano sa nga-yon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sumuko o magpatangay sa panawagan ng Makabayan bloc o mga militanteng kongresista at ng iba pang grupo na magbitiw na siya sa pwesto.
Kung inyong maaalala mga Ka-Pinas ay nagsimula ang mga panawagan simula nuong ibinasura o dinismis ng National Prosecution Services ng Department of Justice ang drug case ng nego-syanteng si Peter Lim, Peter Co at ng aminadong drug lord na si Kerwin Espinosa.
Ipinaliwanag ni Aguirre na puro mga ispekulasyon lang ang pahayag ng mga kongresista at iba pang grupo na humihirit ng kanyang pagbibitiw sa pwesto. Sa isang banda ay tinawag pa nga niya na mga ignorante daw ang kanyang mga kritiko.
Galit na sinabi ni Aguirre na: “Puro speculation! Produce evidence. If they can’t, they should hold their peace and just wait for the President to relieve me. Good luck to them!” Kasabay nito ay hinamon pa nga niya ang kanyang mga kritiko na maglabas na lang ng mga ebidensya tungkol sa mga paratang tulad ng pagtawag nila sa DoJ bilang protektor daw ng mga drug lords.
Nauna ng sinabi ni Aguirre na hindi dumaan sa ka-nyang opisina ang resolusyon ng panel of Prosecutors na nagbasura sa mga kasong kriminal laban sa grupo nina Lim, Co at Espinosa.
Hindi naman maitatanggi ni Aguirre na siya ay nainis nuong nagprotesta sa harap ng DoJ ang Grupong Akbayan para ipanawagan ang pagbibitiw niya sa pwesto.
Ilan sa mga raliyista ay nagsuot pa ng peluka habang may bitbit na mga plakard at duon nakasulat na “Aguirre, hari ng peke” at “Aguirre, resign.”
Katulad ng panawagan ng iba, ay mariin din nilang tinutulan ang pagpasok ni Napoles sa provisional coverage ng WPP.
Iginiit ni Justine Balane ng grupong Akbayan na dahil sa mga hakbang ginawa ng DoJ ay lumilitaw anya na peke ang giyera ng administrasyong Duterte kontra sa droga at kontra sa katiwalian. Sa kabila nito ay patuloy na nanindigan si Aguirre na mananatili siya sa kanyang pwesto hanggang may tiwala at kumpiyansa sa kanya si Pangulong Digong.
Ang siste ay nuong dumalo at nagtalumpati ang pangulo sa graduation rites ng PNPA sa Silang Cavite ay nagsalita ito na “ito namang si Sec.Vit, nagkakasunod-sunod ang sabit”. Kasunod niyan ay nagtawanan ang mga audience. Well, for now? Good luck po Sir Vit!