Ni: Ana Paula A. Canua
Naaresto ang isang lalaki matapos nitong kagatin ang isang police dog.
Ayon sa mga pulisĀ nangyari ang insidente habang nag-iimbestiga sila sa nangyaring pagpaslang.
Hindi pa malinaw sa pulisya kung bakit kinagat ng lalaki ang K9 police dog na si Veda.
Bukod sa pagkagat sa aso, napag-alaman na sinipa at sinuntok ng lalaki ang aso.
Sa kwento ng pulis, sinakal ng lalaki ang aso at saka ito kinagat. Wala namang sugat na natamo ang aso