• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Saturday - March 06, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Kai Sotto

Gilas Pilipinas Youth, hindi na magpapatuloy sa FIBA U-19 World Cup

July 15, 2019 by PINAS

SMNI NEWS

 

HINDI naging matagumpay ang kampanya ng Gilas Pilipinas Youth Team sa FIBA Under 19 World Cup matapos tapusin ng Serbia ang tsansa ng bansa sa knock out stages ng kompetisyon.

Nagtapos ang laban ng dalawang koponan na kung saan tinambakan ng Serbia ang Gilas sa score na 87-60 na ginanap sa Heraklion Indoor Sports Arena.

Nanguna para sa Serbian Youth Team sina Filip Petrusev na nakapuntos ng 17 points, eight rebounds at three steals at ang NBA prospect na si Marko Pekarsi na naka-score ng 21 at 6 rebounds.

Sa kabila ng pagkabigo ay hindi pa rin nagpahuli ang pambato ng bansa na sina Dave Ildefonso na nakapagpuntos ng 18 points, 3 rebounds at 2 assists at si Kai Sotto na nakapag-ambag ng 13 points at 8 rebounds.

At si Gerry Abadiano ng 12 points, 2 rebounds at 2 assists para sa Team Gilas.

Matatandaang hindi rin pinaporma ng Greece, Argentina at Russia ang Gilas sa mga unang naging laban sa group phase ng kompetisyon.

Slider Sports Ticker FIBA Under 19 World Cup Kai Sotto Team Gilas

Reresbak na ang Team Pilipinas!

December 4, 2018 by Pinas News

Ni: Edmund C. Gallanosa

MATAAS ang kumpiyansa ng koponang Pilipinas sa FIBA Asia Qualifier.  Buhay na buhay pa ang pag-asa natin sa liga.

Matiyagang nag-aantay ang sambayanan sa susunod na round ng FIBA Asia Qualifier ngayong buwan na ito. Una, sabik ang nakakarami na mapanood ang muling pagtitimon ng ganap nang Philippine national coach na si Yeng Guiao.  At ikalawa, pinakaa-abangan ang pagkabuo ng mas malakas pang koponan sa pagdating ng ilan pang manlalaro.

Papasok muli ang Pilipinas sa panibagong yugto ng pambansang basketbol.  Ang pagkakaiba ngayon, may basbas na pagtutulungan ang ibinibigay kay Coach Yeng mula sa SBP (Samahang Basketbolista ng Pilipinas) at ng PBA (Philippine Basketball Association).  At sa pagkakataong ito, umayon ang lahat ng koponan sa PBA na magpahiram ng kanilang mga players —ilan at sinoman ang kakailanganin.  And the rest, anila, ay history na.

Si Coach Yeng ang masasabi nating susi sa pagkakatahi-tahi ng iba’t ibang pananaw ng SBP, PBA at ng FIBA na magkaroon ng isang highly competitive na koponan ang Pilipinas.

Kung hindi sa kaniyang pagpupursige, hindi na sana nakasali sa 2018 Asian Games ang Pilipinas.  Naging blessing-in-disguise pa ang pagsabak ng Pilipinas sa Asian Games, na bagama’t panlima lamang tayo, nakakita ng bagong stratehiya ang mga opisyales ng SBP at PBA.  Kung sakaling si Guiao ang hahawak ng tropa ng national team, ano kaya ang mangyayari sa ating koponan?

Ngayong bukas na bukas muli ang pinto para sa pagpili ng manlalaro ni Coach Yeng, inaasahang babalasahin niyang maigi ang talentong nasa sa kamay na niya.  Isa ang siguradong magaganap—masusulyapan ngayon ang pinaka-matangkad na lineup sa kasaysayan ng basketbol sa Pilipinas.

Tignan natin ang posibleng mga winning combination na gagamitin ni Coach Yeng Guiao para sa Team Pilipinas.

 

Greg Slaughter at June Mar Fajardo; Ian Sanggalang at Japeth Aguilar.

Ito ang pinaka-aantay ng nakakarami, ang makitang maglaro nang sabay ang dalawang higante ng PBA.  Kung tutuusin  pupwede talaga itong mangyari. Si Greg ay natural na sentro samantalang si June Mar naman ay puwedeng maglaro bilang center-forward.  Si Ian naman at Japeth ay maaaring kapalitan nina Greg at June Mar subalit mas kapana-panabik kung sakaling magsabay ang apat sa loob ng court. Sentro si Slaughter, habang magkabilang forward ang laro nina Sanggalang o Aguilar, kasama si Fajardo.  Maaaring mag-slide bilang big guard-forward sina Japeth at Ian — ang imposible sa iba, posible kay Coach Yeng.

Kai Sotto at Ricci Rivero; Jayson Castro, Paul Lee, at LA Tenorio. 

Huwag mabibigla kung makikita sa line-up ang batang-bata na 7’1 na si Kai Sotto.  Tinuturing na national treasure si Kai at para kay Coach Yeng, mainam nang maisabak na habang maaga sa international scene si Kai at nang maturuan ito ng aktwal na diskarte sa paglalaro kasama ang mga kuya  na sina Slaughter at Fajardo.  Iba naman ang kalidad ni Ricci Rivero na sanay sa pisikal na laro, mabilis, may outside shooting at mas lalong deadly sa open court.

Ang tulad nila Castro, Lee at Tenorio naman ang magbibigay ng sakit ng ulo sa backcourt.  Madami pa itong pahihirapan sa mga darating pang laro ng Pilipinas.  Mga wais at beterano, hindi madaling mabasa ang galaw nila para magpahirap sa mga makakalaban.  Shooters ang mga ito at mabalasik sa open court at bihasa pa sa fastbreaks.

Matthew Wright, Marcio Lassiter at Alex Cabagnot

Pinaka-matitinik na wingman at deadly shooters sina Matthew, Marcio at Alex para sa bansa.  Guwardiyado ang ilalim ng malalaki samantalang kanan at kaliwa silang pwedeng pagpasahan para sa mga long shot.  Malaki ang pag-asa nating pumantay sa ibang koponan tulad ng malalaking Iranians at Australians kung magagamit nang wasto ang malalaki natin kasabay ng mga wingmen na deadly accurate sa 3-point area.

Beau Belga, Troy Rosario, Gabe Norwood, JP Erram.

Ang apat na ito ay hindi naman matatawaran pagdating sa depensa. Malalaki at ready sa banggaan, hindi rin naman aatras ang mga ito kung takbuhan naman ang pag-uusapan.  Kapag lumabas ang tatlong malalaki, maaaring pamalit ang sinoman sa kanila at maiiba nanaman ang tema ng depensa para sa mga kalaban.

Stanley Pringle, at Christian Standhardinger; Arwind Santos at Scottie Thompson. 

Naipakita na kung ano ang magagawa nina Stanley Pringle at Christian Standhardinger bilang miyembro ng Team Pilipinas-FIBA.  Hindi sasayangin ni Coach Yeng ang pagkakataong gamitin nang wasto ang dalawang ito—bilang alternate naturalized players.  Hindi naman matatawaran ang madadalang hussle nina Arwind Santos at guard-rebounding Scottie Thompson sa international scene.  Siguradong madaming gugulantangin ang dalawang ito.

Hindi pa natin lubos na nakikita ang full strategy ni Coach Yeng para sa Team Pilipinas.  Nasulyapan natin nang kaunti noong Asian Games ang tirada niya, at kaunti pang muli noong magsimula ang 4th round ng FIBA kontra sa Iran at Qatar.  Ngayong mas mahaba ang panahon nang paghahanda ng koponan, inaasahang ibubuhos ni Coach Yeng ang kaniyang nalalaman sa pagbuhat sa Team Pilipinas para sa FIBA.

Slider Sports Ticker Alex Cabagnot Arwind Santos Beau Belga Christian Standhardinger Coach Yeng Guiao Edmund C. Gallanosa FIBA Asia Qualifier Gabe Norwood Greg Slaughter Ian Sanggalang Japeth Aguilar Jayson Castro JP Erram June Mar Fajardo Kai Sotto LA Tenorio Marcio Lassiter Matthew Wright Paul Lee Ricci Rivero Scottie Thompson Stanley Pringle Troy Rosario

Kai Sotto: PH basketball phenomenon

November 22, 2018 by Pinas News

Isang malaking oportunidad para kay Kai Sotto ang makasali sa Gilas training pool para lalo pang humusay ang kanyang laro, ayon kay Gilas coach Yeng Guiao.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig

PUSPUSAN ang paghahanda ngayon ng koponan ng Gilas para sa FIBA World Cup Qua­lifiers ngayong buwan, kung saan magsasama-­sama ang mga piling manlalaro ng bansa para sa premyadong international basketball tournament.

Sa paghahanda ng ating national team, naging matunog din ang pagsali sa Gilas training pool ni Kai Sotto, ang 16 year-old cager na may taas na 7’1. Siya ay anak ng dating professional basketball player na si Ervin Sotto at kasalukuyang naglalaro para sa Ateneo Blue Eaglets sa UAAP.

Bukod sa pag-dominate sa collegiate competitions, pina­bilib din ni Sotto ang international basketball community nang pangunahan niya ang Batang Gilas sa FIBA Junior Team Events (Under-16 at Under-17).

Sa nakaraang Under-17 Basketball World Cup, nag-average si Sotto ng 16.4 puntos at 10.6 rebounds, scoring percentage na 47.2 from the field at 67.4 percent mula sa free-throw line.

Ang kahanga-hangang mga numerong ito ang pumukaw sa atensyon ng mga international scouts at agents. Ilang teams sa Europe ang nagpa-kita na ng interes kay Sotto at napabalita pa kamakailan na inaalok siya ng USD 1 million five-year deal ng isang koponan sa Spain.

Sa edad na 16 anyos, naabot na ni Kai Sotto ang height na 7’1. Ayon sa kanyang ama, maari pa siyang tumangkad hanggang 7’6.

 

THE FUTURE OF PH BASKETBALL

Sa maraming (masaklap na) pagkakataon ay napatunayan na “height is might” talaga sa laro ng basketball. Ilang beses nang nabasag ang puso ng mga Pinoy players at fans sa mga pagkatalo sa international competitions. Pagdating sa skills, kaya ma­kipagsabayan ng ating mga basketball players, pero talagang nahihirapan manalo ang Pinas kontra sa mga ma­tatangkad na katunggali tulad ng China at Iran.

Dahil dito, minabuti ni Yeng Guiao, bagong Gilas headcoach, na bumuo ng koponan na binubuo ng di lamang ma­gagaling kundi matatangkad pang mga player. Aniya, matagal na niyang tina-target si Sotto na isama sa 20-man training team bilang paghahanda sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers, na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa November 30 (kontra Kazakhstan) at December 3 (kontra Iran).

Naniniwala ang respeta­dong coach na isang magandang oportunidad ito para kay Sotto upang mabilis na maiangat ang kaniyang talen­to sa basketball.

“I think Kai is our future, and we’re just trying to make use of the opportunity for him to be developed and be able to upgrade the competition he’s been playing in kasi dominado niya masyado ‘yung high school, dominado niya rin ‘yung under-18, so now maybe it’s time for him to try the big boys,” pahayag ni Guiao.

“I’d like to see him play against the big boys and be able to accelerate his development. With Kai kasi, we have nothing to lose and we have everything to gain,” dagdag niya.

Makakasama sa Gilas ni Sotto ang ilan sa mga premyadong big men ng professional basketball sa bansa na sina Beau Belga (6’5), Christian Standhardinger (6’8), Japeth Aguilar (6’9), June Mar Fajardo (6’10), at Greg Slaughter (7’0).

Sinigundahan naman ng Barangay Ginebra “Twin Towers” na sina Slaughter at Aguilar si coach Guiao at nakahanda silang sanayin ang batang atleta.

“It’s great. The earlier, the better for him. There are a lot of guys that are willing to help him along the way. He has a promising career. I’m excited to practice with him,” wika ni Slaughter.

“He is still really young. There will be a lot of stuff we can teach him —me, June Mar, Japeth, Christian. I think we bring something as a big men and hopefully, we can pass that on to him,” aniya.

“It’s going to be a big bene­fit for him kasi matututo siya sa mga veterans sa PBA like June Mar and Greg. Good opportunity for him,” wika naman ni Aguilar.

Kakayanin ang hamon

Bagama’t may pressure, “sobrang excited” si Sotto na makasama ang kanyang mga idolo sa Gilas.

“Parang dream come true. Yung pangarap ko dati, nga­yon ko na nagagawa. Yung mga kasama ko, mga maga­galing na PBA players kaya excited ako matuto kay coach Yeng and sa mga teammates ko,” wika ni Sotto.

Kinikilala din niya ang naturang pagkakataon na mapatunayan ang kanyang sarili sa kabila ng murang edad.

“Ibibigay ko lang yung best ko kasi kahit di man ako mapili, alam kong tama yung magiging desisyon ni coach Yeng. Pag kasama ako, sobrang­ happy ko pero kung hindi, e di happy pa rin ako kasi nakasama ako sa pool,” sabi ni Sotto.

 

Slider Sports Ticker “Twin Towers” Batang Gilas Beau Belga (6’5) Christian Standhardinger (6’8) Greg Slaughter (7’0) Japeth Aguilar (6’9) June Mar Fajardo (6’10) Kai Sotto Mall of Asia Arena PINAS

FIBA 2023: Anong height mo ‘Pinoy?

February 19, 2018 by Pinas News

Ni: Edmund C. Gallanosa

MALAKI ang ginagawang paghahanda ngayon ng pamunuan ng Gilas Pilipinas sa pagbalangkas ng tamang direksyon patungo sa kumpetisyon ng pinakaprestihiyosong torneong basketball sa buong mundo, ang FIBA Basketball World Cup.  Gayunpaman, daraan sa maraming pagsubok ang pambato ng Pilipinas bago pa man tumuntong ang taong 2023.

Kung mayroon mang ma-laking rason na ikagagalak ng ating mga kababayan, ibang koponan ang magbibigay sa atin ng bagong pag-asa para sa FIBA World Cup Championship.  Pure excitement ang naghihintay sa mga fans ng Gilas, dahil sa darating na 2023, ang ma-laking kakulangan natin sa height, siguradong matutugunan na ngayon.

Ang tamang kombinasyon ng beterano at baguhan sa ating pambato ang siguradong magdadala ng magandang pag-asa para sa ating bansa.

Kilalanin ang ‘Top 10 picks’ na sa tingin namin ay magiging ‘lethal combination’ upang makapo ang matagal nang minimithi ng FIBA World Cup Championship.

#10. Bobby Ray Parks Jr.  (6’4)

Ang pagiging agresibo niya sa depensa at opensa ang isang kwalipikasyon kung bakit nararapat makasama sa lineup si Bobby Ray na kasalukuyan ang namamayagpag sa iba’t ibang international tournament kasama ang current ABL tourney sa Asia.  Isipin niyo nalang ang dadalhin nitong hassle sa pagsabak sa 2023.

#09. Jayson Castro(5’10)

Kung sakaling palarin mapasama sa lineup, siguradong hindi aatras sa hamon ang ‘Asia’s best point guard’ at PBA superstar na si Jayson Castro, at siguradong magi-ging kapanabik-nabik mapanood siya sa pagtimon ng ‘bagong henerasyon’ ng Gilas 2023

#08. Christian Standhardinger (6’7)

Minsan nang nagpasiklab ang Fil-German na si Stan-dhardinger at bumilib agad ang mga Filipino fans dahil sa ‘dugong pinoy’ nito sa pag-lalaro.  Lalong aangas ang dating at diskarte ng Gilas kapag naisama si Christian sa lineup.  May dugo man siyang German, malakas ang daloy ng dugo sa ‘pusong pinoy’ ni Christian.

#07.  Matthew Wright (6‘4)

Kinikilala ngayon bilang legitimate ‘natural shooter’ ng Gilas at ng PBA, malaki ang tulong ginawa ni Matthew dahil specialty nito ang magpaulan ng sangkatutak na 3-pointers.  Mas lalong madaragdagan ang kaniyang confidence sa outside shooting dahil hitik sa matataas na rebounders nga-yon ang team Pilipinas.

#06.Kobe Paras (6’6)

Pinaka-sensational at ina-abangan ng marami si Kobe Paras at tinuturing na nangu-nguna sa magbibigay sakit ng ulo sa mga kalaban.  Inaasa-han na darami pa ang magiging fanbase ng team Phi-lippines, hindi lang ng mga Pinoy kun’di pati mga dayuhan ay inaabangang makitang maglaro ang Gilas dahil sa sensational na players na ito.

#05. Keifer Ravena (6’1) at

#04. Thirdy Ravena (6’2 ½)

Hindi makukumpleto ang Gilas team kung hindi mapapasama ang magkapatid na Keifer at Thirdy Ravena.  Si Keifer ay gumagawa ng ingay sa PBA at hasa na sa international tournament at inaasahan na magiging pangunahing back-up kay Jayson Castro.  Ang kapatid naman niyang si Thirdy ay player ng Ateneo Blue Eagles at inaasahang dadalhin nito ang liksi at galaw sa darating na FIBA 2023.

#03.  AJ Edu (6’11)

Ang Fil-Nigerian na si AJ Edu ay inaasahang daragdag sa ingay ng mga Filipino fans sakaling makapag-laro siya sa 2023.  Sa taas na 6-foot-11 ngayong 18-anyos pa lamang siya, maraming pahihirapan ito sa darating na 2023.  Ngayon pa lamang ay marami na ang napapabilib niya lalo na nung makita siyang maglaro sa FIBA 3×3 Under-18 World Cup na ginanap sa Chengdu, China.

#02.Kai Sotto (7’2)

Next to Kobe Paras,  marami ang nag-aabang na makita ang batang si Kai Sotto bilang parte ng Gilas 2023 team.  Sa edad na 16-anyos ngayon, at taas na phenomenal na 7-foot-2, sino ba naman ang hindi mananabik makita ang batang ito.  Ngayon pa lamang ay katakot-takot na improvement ang ipinapakita ni Kai hindi lamang sa pagdomina sa opensa, pati na rin sa depensa.  Ang buong Pilipinas ay siguradong nakatuon ang atensyon sa ikinukunsiderang pinaka-malaking basketball line-up sa kasaysayan ng Pilipinas.

#01. Jordan Clarkson (6’5)

Kasunod nila Kobe Paras at Kai Sotto na kinasasabikang mapasama sa Gilas 2023 team, itong si Clarkson ang minimithi ng karamihan.  Kasalukuyang nagla-laro sa NBA, noon pa man ay ninanais na niyang maglaro sa Gilas, dangan ngalang nauunsiyami dahil sa conflict of schedule sa kaniyang team.  Pero bilang manlalaro, ani Jordan, ibibigay niya ang lahat makamit lang ng Pilipinas ang gintong medalya sa FIBA Championship.

Slider Sports Ticker AJ Edu Bobby Ray Parks Jr Chengdu China Christian Standhardinger Edmund C. Gallanosa FIBA Basketball World Cup Gilas Pilipinas Jayson Castro Jordan Clarkson Kai Sotto Keifer Ravena Kobe Paras Matthew Wright Thirdy Ravena

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.