Ni: Hannah Jane Sancho
Nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang sa mga panibagong medalya na nasungkit ng mga manlalarong Pinoy sa nagpapatuloy na SEA Games.
Isang karangalan ang patuloy na inihahatid ng mga atletang Pinoy sa 29th Southeast Asian Games.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, isang karangalan ang hatid sa bansa ng pagkakapanalo ng mga atleta na talaga namang ipinamalas ang kanilang galing sa nasabing patimpalak.
Tulad nina Reyland Yuson Capellan na nakagintong medalya sa Men’s Artistic Gymnastics Individual Floor Exercise at si Kaitlin de Guzman sa Women’s Artistic Gymnastics Uneven Bars Event.
Gold din ang nasungkit ni Agatha Chrystenzen Wong sa Women’s Taijiquan Event sa Wushu Competition.
Nakagintong medalya rin sina Brennan Wayne Louie Men’s Foil Individual sa fencing competition at si Eric Shauwn Cray sa Men’s 400 Meter Hurdles Athletics.
Silver medal din ang nasungkit ng Pinoy athletes sa fencing, Karate-Do Competition, at Athletics habang 7 bronze medal rin ang naidagdag sa medal tally ng Pilipinas.
Hanggang alas onse kagabi, may kabuuan ng 8 gold medal, 11 silver at 13 bronze medals ang Pilipinas sa SEA Games kung saan nasa pang-anim sa medal standing ang Pilipinas.