Ni: JONNALYN CORTEZ
NATUKLASAN sa isang bagong pag-aaral na ang pagiging positibo sa buhay ay nakakatulong sa kalusugan ng kanilang mga katipan na mag-aalis naman sa kanila sa panganib ng pagkakaroon ng Alzheimer’s disease, dementia at cognitive decline habang tumatanda.
Ayon sa assistant professor ng psychology at co-author ng pag-aaral ng Michigan State University na si William Chopik, marami sa atin ay madalas kasama ang ating mga katipan. Dahil dito, maaari nila tayong hikayatin na maging malusog, kumain ng tamang pagkain, uminom ng ating bitamina at mag-exercise upang lumakas ang ating katawan.
“When your partner is optimistic and healthy, it can translate to similar outcomes in your own life. You actually do experience a rosier future by living longer and staving off cognitive illnesses,” paliwanag ni Chopik.
Ang katipan na may positibong pananaw sa buhay ay maaari tayong hikayatin na magkaroon ng healthier lifestyle.
Kapag ang ating asawa o boyfriend/girlfriend ay huminto sa paninigarilyo o nagsimulang mag-exercise, malamang na gagawin din natin ito.
Ilan sa mga risk factors ng maaaring pagkakaroon ng sakit, tulad ng Alzheimer’s disease o dementia, ay ang hindi pagkakaroon ng healthy lifestyle.
Kaya naman, ang pagpapanatili ng tamang timbang at pagkakaroon ng mga pisikal na aktibidad ay maaari tayong ilayo sa mga mapanganib na sakit na ito.
At kung may partner kang optimistic, tiyak makakatulong sila upang baguhin ang iyong mga dating nakaugalian at itama ito.
“There’s a sense where optimists lead by example, and their partners follow their lead,” dagdag ni Chopik.
Ayon sa mga mananaliksik, merong posibleng koneksyon ang pagiging kasal sa taong optimistic at pagpigil sa pagkakaroon ng cognitive decline dahil na rin sa pagkakaroon ng masayang kapaligiran sa loob ng bahay.
“While there’s some research on people being jealous of their partner’s good qualities or on having bad reactions to someone trying to control you, it is balanced with other research that shows being optimistic is associated with perceiving your relationship in a positive light,” wika ni Chopik.