
sex medicine for man long time
best over the counter erection pills
fx iii plus male enhancement pill.
do male enhancement pills cause premature ejaculation
natural male enhancement pistachios.
male enhancement pills private label maker california
reviews for epic male enhancement.
by Pinas News
Ni: Quincy Joel Cahilig
ISANG taon na ang nakalipas buhat nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala nang terrorist influence sa Marawi City pagkatapos ng bakbakan ng puwersa ng pamahalaan at ng teroristang grupong Maute-IS.
Ang limang buwang giyera ay humantong sa malawakang pagkawasak ng siyudad, pagkasira ng mga kabuhayan, at pagkaulila ng daan-daang mga pamilya.
Matapos ang Marawi siege, isang bagay ang naging malinaw sa lahat- di biro ang banta ng Islamic State (IS) sa bansa.
Bagama’t umiiral ang martial law sa Mindanao, mayroon pa ring mga karahasang nagaganap sa iba’t-ibang panig ng rehiyon at patuloy pa rin ang manaka-nakang pag-atake ng mga rebelde.
Batay sa report, nagtutungo sa Pilipinas ang mga dayuhang IS fighters mula Syria, Iraq, at Indonesia upang mag-recruit ng mga bagong miyembro sa kanilang organisasyon.
Ayon kay Al Haj Murad Ebrahim, chairman ng Moro Islamic Liberation Front, nagre-recruit ang mga dayuhang terorista sa mga Muslim communities ng kanilang bagong mga kasapi para maipagpatuloy ang hangaring makapagtatag ng isang Caliphate sa Mindanao.
“These extremists are going into madrasas, teaching young Muslims their own version of the Koran, and some enter local universities to influence students, planting the seeds of hatred and violence,” wika ni Ebrahim.
Dahil dito, lalong tumitindi ang hamon sa Armed Forces of the Phlippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pagsugpo sa iba’t-ibang elemento ng terorismo mula sa iba’t-ibang panig- mga local IS sympathizers, mga bandido, at mga rebeldeng komunista.
Gaya ng giyera kontra droga, pursigido si Pangulong Durterte na tuldukan ang problema ng terorismo sa Pilipinas. Kaya naman patuloy ang suportang ibinibigay ng kasalukuyang administrasyon para mapalakas ang kakayahan ng mga sundalo at pulis, sa tulong na rin ng mga kaalyadong bansa.
Kamakailan ay nagsagawa ng isang buwang joint 5th Maritime Training Activity ang mga navy ng Pilipinas at Australian sa Naval Station Apolinario Jalandoon sa Puerto Princesa City.
Ayon kay Naval Forces West deputy commander for fleet operations Capt. Carlos Sabarre, naging matagumpay ang training at bilateral patrols sa southern Palawan tungo sa pagpapalakas ng interoperability ng dalawang hukbo.
Pinalakas din umano nito ang kahandaan ng Philippine Navy na tugunan ang terrorist activities at ang banta ng kidnap-for-ransom groups sa southern borders ng Pilipinas.
Ang mga kahalintulad na hakbangin ng Pilipinas kontra terorismo ay pinuri kamakailan sa 2017 Reports of Terrorism ng US Department of State.
“The Philippines improved its counterterrorism capabilities in the face of an evolving and increasingly robust terrorist threat. The Philippine government consistently acknowledged the dangers from ISIS-affiliated terrorist groups and welcomed assistance from the United States and a range of international partners,” nakasaad sa ulat.
Ipinunto din sa report ang mga hakbang na isinasagawa ng gobyerno ng Pilipinas para labanan at mapigilan ang extremism at terrorism sa bansa, lalo na sa Mindanao.
“President Duterte identified amending the Human Security Act of 2007, the country’s principal counterterrorism legislation, as a priority in both of his State of the Nation Addresses. Efforts to revise the legislation, thereby enabling more effective investigation and prosecution of terrorism as a crime, were ongoing at the end of 2017,” nakasaad dito.
Pinuri din ng US Department of State ang pagpapaganda ng “interagency information sharing” sa mga law enforcement units sa bansa; gayon din ang paggamit ng updated x-ray technology, explosive trace detection units, at ang paggamit ng Philippine Coast Guard sa mga maritime rescue and response vessels, na donasyon ng Japan, sa pagbabantay sa seguridad sa ating mga karagatan.
Binanggit din sa report ang paglahok ng Pilipinas sa Antiterrorism Assistance program ng Department of State, kung saan tumanggap ang militar ng training, mga kagamitan para sa border security and investigations, at crisis response.
Bukod sa mga tulong mula US, Australia, at Japan, tumanggap din ng nasa P370 milyong halaga ng mga baril at bala mula sa China ang Pilipinas para sa kampanya kontra terorismo.
Sa kabila ng malalaking suportang natatanggap ng pamahalaan upang labanan ang terorismo sa bansa, naniniwala ang pamunuan ng AFP at PNP na kailangan ang pakikipagtulungan ng bawa’t mamamayan para masigurong hindi maghahari ang karahasan sa ating lipunan.
“One year ago, we showed the world our bravery. Every terrorist fighter lured to Marawi by false promises and the extremist ideology of hate saw our bravery and felt our wrath,” sinabi ni AFP Chief-of-Staff, Gen. Carlito Galvez Jr. Sa kanyang talumpati sa paggunita ng unang taon ng pagtatapos ng giyera sa Marawi City na ginanap sa Kampo Ranao.
“They continue to see our fearlessness as we stand watch over our country, ever vigilant against the resurgence of terror on our shores,” dagdag niya.
Sinegundahan naman siya ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde.
“The threat of terrorism, extremism is global. We cannot avoid that so we must join hands in fighting the threats in Mindanao. There are many groups in all other parts of Mindanao. Hopefully, tension in critical parts ends with the (Bangsamoro Organic Law),” wika ni Albayalde.
Samantala, bilang pagsuporta sa laban ng gobyerno kontra terorismo, kamakailan ay nagsagawa ng rally sa Mendiola ang nasa 3,000 miyembro ng Liga Independencia Filipinas (LIF). Kanilang kinundina ang paghahasik ng karahasan at pagpapalaganap ng maling kaisipan ng IS at CPP-NPA, na gumugulo sa kapayapaan ng mga indigenous at Muslim communities.
“Mahigpit namang tinututulan ang terorismo lalo na’t inuugnay ang terorismo sa mga Muslim na walang katotohanan dahil ang Islam ay relihiyon ng kapayapaan. Ang panawagan ng pangulo ay kapayapaan sa buong bansa na aming sinusuportahan, gagabayan ng Diyos ang ating pangulo at kasama niya kaming may pananampalataya kahit saan siya magpunta,” wika ni Mufti Aleem Naquib Taher, isang Muslim scholar na kasapi ng LIF.