Sa kabila ng hindi makakaboto sa darating na eleksyon, seryoso ang isang 16-taong gulang na estudyante ng The Independent School sa Wichita USA sa pag-deklara niya ng pagtakbo para sa pagka-gobernador ng Kansas.
Sinabi ni Jack Bergerson, na tatakbo ito bilang Democrat sa darating na 2018 election para sa pagka-gobernador ng Kansas at aniya nais umano nitong bigyan ng ibang opsyon ang mga tao. At hindi naligalig ang naturang estudyante sa kabila na wala pa ito sa tamang gulang upang makaboto sa eleksyon.
Ayon kay Bryan Caskey, director of elections ng Kansas Secretary of State, sa ilalim ng batas ng Kansas, wala umanong probisyon na nagsasaad ng kuwalipikasyon para sa gobernador kabilang ang edad, residency status, at karanasan.