TJ BUMANLAG
NAIPANALO ng Kaya-FC Iloilo ang kanilang game opener sa 2020 AFC Cup na ginanap sa Myanmar.
Pinatumba ng Kaya-FC ang host na Shan United sa score na 2-0.
Naitala naman ni Jovin Bedic ang unang goal ng team sa ika-pitumput-apat na minuto ng game via free kick.
Sinelyuhan naman ni Eric Giganto ang kanilang siguradong panalo sa ika-walumpu’t-limang minuto ng laro.
Samantala, makakaharap nila sa second game sa Group H ang team Tampines Rovers.
Magaganap ito sa darating na February 26 sa Rizal Memorial Stadium.