Yna Mortel
NAGHAHANDA na ang Basketball USA sa nalalapit na Women’s 3×3 qualifying tournament para makapasok sa 2020 Tokyo Olympics.
Dahil dito ilang players sa WNBA ay naimbitahan na sa long-week training ngayong linggo.
Pangungunahan naman nina Kelsey Plum, Allisha Gray, Katie Lou Samuelson at Stefanie Dolson ang labing-isang manlalaro na sasailalim sa pag-eensayo.
Mula naman sa roster of players ay pipili lamang ang committee ng apat na sasabak sa qualifying tournament.
Gaganapin naman ito sa India sa darating March 18 hanggang 22.