• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Friday - February 26, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Kevin Durant

Klay Thompson, mananatili sa Warriors

July 15, 2019 by PINAS

SMNI NEWS

 

MANANATILI pa rin sa koponan ng Golden State Warriors ang All Star Guard na si Klay Thompson.

Ito ay matapos ianunsyo ng manlalaro sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na nakapagdesisyon na ito na muling pumirma ng kontrata sa Warriors.

Kinumpirma rin ito ng kanyang agent na si Greg Lawrence.

Aniya, nakatakdang pumirma ng 5 taong kontrata si Thompson na nagkakahalaga ng $190 million kapag natapos na ang NBA free agent moratorium period.

Samantala, napapabalita rin ang pag-alis ni Jordan Bell ng Warriors para lumipat sa koponan ng Minnesota Timberwolves.

Isa si Bell sa dumagdag sa listahan nang mga aalis sa koponan kabilang sina Kevin Durant at Andre Iguodala.

Slider Sports Ticker Andre Iguodala Golden State Warriors Greg Lawrence Kevin Durant Klay Thompson

NBA All-Star Starters pinakilala na

February 6, 2019 by Pinas News

Wagi sa nakaraang all-star game ang koponan ni Lebron na siyang nagwagi ng MVP award. 

 

Ni: Eugene Flores

INILABAS na ng NBA ang mga manlalarong mangunguna para sa inaabangan na NBA All-Star weekend na gaganapin sa Charlotte, Virginia.

Muling magsasama-sama ang mga sikat na manlalaro mula sa western conference at eastern conference upang bigyang aliw ang mga manunuod.

Bukod sa All-star game, magkakaroon din ng three-point shootout contest, slamdunk contest, skills challenge, rookie vs sophomore and all-star celebrity game. Tatlong araw na puno ng maaksyon at nakakaaliw na basketball.

Maglalaro sa ika-15 all-star ang kapitan ng western all-stars na si LeBron James ng Los Angeles Lakers. Makakasama nito ang Golden State Warriors guard na si Stephen Curry at forward na si Kevin Durant, Oklahoma City Thunder Paul George at ang 2018 NBA MVP na si James Harden ng Houston Rockets.

Para naman sa eastern division, ang kapitan mula sa Milwaukee Bucks na si Giannis Antetokoumnpo, Toronto Raptors forward Kawhi Leonard, Boston Celtics guard Kyrie Irving, Philadelphia Sixers center Joel Embiid, at mula sa host team Charlotte Hornets, guard Kemba Walker.

Slider Sports Ticker Charlotte Virginia Eugene Flores Giannis Antetokoumnpo James Harden Joel Embiid Kawhi Leonard Kemba Walker Kevin Durant Kyrie Irving Lebron James Paul George PINAS Stephen Curry

Ang larong basketball at ang pagkamakabansa

December 18, 2018 by Pinas News

basketball

Ni: Dennis Blanco

Ayon kay Rafe Bartholomew sa kanyang libro na pinamagatang “Pacific Rim: Beermen Ballin’ in Flip-Flops in the Philippines’ Unlikely Love Affair with Basketball,” ang Pilipinas ay isang “basketball crazy republic” kung saan ang football, volleyball at baseball ay pangalawa lamang kumpara sa basketball na itinuturing na pangunahing laro. Sadyang napakahilig ng mga Pinoy na maglaro at manood ng basketball.

Nandiyan ang Philippine Basketball Association (PBA) sa ating bansa at ang National Basketball Association (NBA) sa Estados Unidos bilang mga professional leagues na kung saan hinahangaan ang mga sikat na basketbolista tulad ni June Mar Fajardo, Jayson Castro at Paul Lee sa PBA at LeBron James, Stephen Curry and Kevin Durant sa NBA. Hindi rin pahuhuli ang mga amateur leagues na kinabibilangan ng mga collegiate leagues tulad ng Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association of the Philippines (NCAA).

Itong mga nakaraang araw ay nasaksihan ng madlang Pilipino ang FIBA Asian Men’s Qualifier kung saan ang Smart-Gilas Philippine Men’s Basketball team ang siyang nagsilbing host sa kalabang Kazakhstan at Iran. Nadurog ang puso ng Pinoy fans nang magkasunod na nabigo ang kanilang pambansang koponan sa Kazakhstan at Iran bagamat mayroon itong homecourt advantage at naglalaro sa harapan ng kanilang mga kababayan.

Kung ang kampanya ng Smart-Gilas ay istorya ng kabiguan, ang katatapos na UAAP Men’s Basketball Championship ay kwento ng pananalig at tagumpay. Pagkatapos ng tatlumpu’t-dalawang taon ay muling nakabalik ang University of the Philippines Fighting Maroons sa finals laban sa defending champion na Ateneo de Manila University Blue Eagles. Bagamat natalo ang UP sa ADMU ay nagsilbi itong kuwento ng inspirasyon ng paghango mula sa ibaba patungo sa rurok ng tagumpay. Matatandaan na mayroon ding nakaraang season kung saan ay wala silang naipanalo o nakapanalo man lang ng isang game. Subalit sa suporta ng kanilang mga alumni, fans at ng buong UP community, kasama na ang pito pang constituent universities nito sa buong bansa, muling nakabalik ito sa UAAP finals matapos nitong talunin ang twice-to-beat na Adamson University Soaring Falcons sa dalawang makapigil hiningang laro na itinuturing na isa sa mga pinakamagandang game sa kasaysayan ng UAAP.

Subalit ang sadyang nagpaigting sa matagumpay na kampanya ng Fighting Maroons ay ang mga salitang “Atin ito. Papasok ito” na namutawi sa labi ng kanilang team captain at inspirational leader na si Paul Desiderio noong laro ng Maroons laban sa UST Growling Tigers, ang unang laro nila nung nakaraang taon, na kung saan may maliit na segundo na lang ang natitira at kailangan ang three point shot para manalo na nagawa ngang ibuslo ni Desiderio. Mula noon, ang salitang “Atin Ito” ang nagpataas ng kumpiyansa at pananalig ng koponan na lahat ay posible kung aakuin nito ang kakayahan at responsibilidad na manalo bilang isang nagkakaisa at nagdadamayang koponan.

Sa huli, ay aking napaglagom na ang mga katagang “Atin Ito” ay sumasagisag na gawin at kamtin ng may paninidigan ang mga adhikaing nararapat ay para atin nang makita ko ang isang placard na hawak-hawak ng mga fans ng UP Fighting Maroons habang nanood ng laro na may mensaheng, “Atin Ito, West Philippine Sea”, “Atin Ito, Human rights”. Samaktuwid, ang katagang “Atin Ito” ay puwedeng sumalamin sa isang pambansang damdamin na nagnanais ng hustisya at katarungan  na sadyang nararapat akuin nino man na sa palagay nila ay  sadyang nararapat na ibigay para sa kanila bilang mamamayan sa ngalan ng  pambansang soberaniya at  pambansang kapakanan. Atin Ito. Pilipino tayo.

Opinyon Slider Ticker Ateneo de Manila University Blue Eagle Iran Jayson Castro June Mar Fajardo Kazakhstan Kevin Durant Lebron James National Basketball Association (NBA) National Collegiate Athletic Association of the Philippines (NCAA) Paul Lee Philippine Basketball Association (PBA) Rafe Bartholomew Smart-Gilas Philippine Men’s Basketball team Stephen Curry Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) UST Growling Tigers

Nowitzki muling sisipa sa Mavericks

August 10, 2018 by Pinas News

Ni: Eugene B. Flores

MAPAPANUOD pa rin maglaro sa Dallas Mavericks ang pamilyar na numerong 41 sa parating na NBA 2018-2019 season nang muling pumirma ng one-year, five million dollar contract ang NBA superstar na si Dirk Nowitzki.

Sa pagpasok ng season, maglalaro si Nowitzki ng kanyang ika-21 season sa Mavericks, pinakamahaba ng isang manlalaro sa isang koponan. Sa kasalukuyan, tabla sila ng kapwa future NBA Hall of Famer na si Kobe Bryant na naglaro ng 20 season sa Los Angeles Lakers.

Naglaro siya ng 77 beses noong nakaraang season, pinakamarami sa loob ng nakalipas na tatlong taon sa kaniyang karera. Hindi na ito nakalaro sa pagtatapos ng season dahil sa kaniyang ankle surgery ngunit inaasahan namang fully recovered na ito sa pagsisimula ng susunod na season.

Nakapagtala ng 12 points per game at 5.7 rebounds per game si Nowitzki, pinakamababa niyang mga numero mula ng kanyang rookie season subali’t matinik pa rin ang kanyang shooting kung saan nasa 40.9% ang kanyang 3-point shot percentage, 89.8% mula  sa free throw line at 45.9% ang kanyang field goals.

Sa kasalukuyan, nasa ika-anim na pwesto si Nowitzki sa  NBA all-time scoring list na may 31,187 points, ang nag-iisang overseas player na umabot sa 30,000 point mark. Tiyak namang  kadaragdagan pa ito sa parating na season at maari niyang malagpasan para sa ika-limang pwesto ang NBA Legend na si Wilt Chamberlain na may 31,419 points.

Ang tirang naglista kay Nowitz, ang natatanging overseas player naka-iskor ng 30K sa NBA.

 

INSPIRASYON SA MGA KASALUKUYANG MANLALARO

Dahil sa mga narating nito sa loob ng 20 taon, naipakita na niya sa buong mundo na karapat-dapat maiukit ang kaniyang pangalan sa kasaysayan ng liga. Naging inspirasyon din sa marami ang 40 years old na manlalaro. Isa sa mga naimpluwensyahan nito ay ang New York Knicks star na si Kristaps Porzingis “He was an idol for me growing up and still is. Hopefully I have a chance to learn from him one day and actually get together with him in the gym and learn from him. Ask him as many questions I can and take as much as I can because obviously he won’t be in the league forever.” Parehong nasa seven feet tall ang dalawa kung kaya’t inihahalintulad sa ngayon ang laro ni Porzingis sa idolo nitong si Nowitzki at dahil din sa kaniyang deadly shooting.

Malaki ang epekto ni Nowitzki sa mundo ng basketball, isa siya sa nagbago ng laro para sa mga malalaking manlalaro na kadalasa’y kumukuha ng puntos sa ilalim ng ring.

“Extremely difficult. Extremely difficult to play against Dirk. One of the most gifted players to ever come into this league. He changed the game for bigs. He gave us opportunity outside of the box. His legacy speaks for itself. Not only one of the greatest overseas players, but one of the greatest players in general. Huge fan of Dirk. I love a big man skill and he is the prime definition of that. Like I said, his legacy speaks for itself.”  wika ng dating New Orleans Pelicans center Demarcus Cousins na ngayo’y maglalaro para sa Golden State Warriors.

 

Hindi pa rin mapigilan ang one-legged fadeaway ni Dirk Nowitzki, na ginagaya na rin ng ibang manlalaro.

 

ANG ALAS NG DALLAS

Kapag binanggit ang Dallas Mavericks, nakakabit dito ang pangalang Dirk Nowitzki na nagsilbing mukha ng koponan sa loob ng dalawang dekada. Taong 2011, naibigay niya ang kauna-unahang kampyeonato ng Dallas Mavericks matapos daigin ang Miami Heat na kinabibilangan ng NBA Superstars Dwyane Wade, Lebron James at Chris Bosh sa NBA Finals. Kalakip nito ay tinanghal siya bilang Finals MVP.

Nakilala si Nowitzki sa kanyang angking laki, pagiging scorer, at ang kanyang trademark move na one-legged fadeaway shot na isa sa unstoppable signature move sa NBA. Maraming manlalaro ang pinag-aralan at idinagdag sa kanilang laro ang galaw ni Nowitzki. Ilan sa mga ito ay sila Kobe Bryant, Kevin Durant at Lebron James.

Marami na ang nakamit ni Nowitzki suot ng uniporme ng koponan. Kabilang dito ang 13 beses sa All-Star game, apat na beses bilang All-NBA first team, 2007 NBA MVP at 50-40-90 club member, NBA three-point shootout Champion noong 2006 at iba pang pagkilala.

Bukod sa mga nakamit nito sa NBA, nagpamalas din siya ng husay sa international games kung saan tinagurian siyang FIBA World Cup MVP noong 2002 at FIBA EuroBasket MVP taong 2005.

Hindi maikakaila na ang mga ito ay nagsisilbing lakas ng mga kabataang umiidolo kay Dirk Nowitzki, at ang makita pa siyang maglaro ng isa pang taon ay tiyak na magpapasaya sa mga ito.

Slider Sports Ticker Chris Bosh Dallas Mavericks Demarcus Cousins Dirk Nowitzki Dwyane Wade Eugene B. Flores FIBA EuroBasket FIBA World Cup MVP Kevin Durant Kobe Bryant Kristaps Porzingis Lebron James Los Angeles Lakers Mavericks Miami Heat NBA Hall of Famer New York Knicks one-legged fadeaway PINAS Wilt Chamberlain

Jasmine Alkhaldi, ang malalim na kanyang pagmamahal sa swimming

January 2, 2018 by Pinas News

IPINAKITA ni Jasmine Alkhaldi ang mga napanalunan niyang medalya mula sa Kuala Lumpur SEA games.

 

Ni: Ana Paula A. Canua

ISANG aksidente ang nagtulak kay Jasmine Alkhaldi upang madiskubre niya ang kanyang  pangarap, ito ang pambihirang kwento ng isang atleta.

“I was 3 years old and sort of ambled into a swimming pool not knowing the danger,” kwento ni Jasmine noong malagay sa panganib ang kanyang buhay. Matapos masagip sa pagkakalunod, pinagalitan at napagsabihan si Jasmine ng kanyang mga magulang dahil sa ginawang kapahamakan.

Nagbunsod din ang aksidenteng iyon upang ipadala sa swimming lessons ang paslit, ito ay kahit noong una at natatakot siya muling lumusong sa tubig. Natatandaan pa niya ang sinabi ng magulang noong araw na ayaw na niyang tumalon muli sa tubig, “Go conquer your fear,” sabi ng kanyang mga magulang.

Hindi inakala ni Jasmine na sa isang kapahamakan pala magsisimula ng kanyang paglusong upang  mangarap.

Dalawang dekada makalipas, lumaban sa pangalawang pagkakataon si Jasmine sa Rio Olympics, ito ay kasunod ng kanyang pagkapanalo sa Southeast Asian Games, kung saan nasisid niya ang 8 bronze medals.

Ang kanyang husay sa paglangoy din ang nagdala sa kanya upang magkaroon ng Athletic Scholarship sa University of Hawaii.

Hindi na masama mula sa isang batang nalunod matapos tumalon sa swimming pool.

NAKAHILIGAN ANG SPORTS

Pinanganak sa Paranaque, Manila si Jasmine. Saudi Arabian ang kanyang ama na si Mohammed Alkhaldi, samantalang ‘Pinay naman ang kanyang ina na si Susan Paler. Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid na sina Sarah Alkhaldi, panganay at si Fahad Alkhaldi, ang kanilang bunso.

“No one really pushed me to do sports. I just really love the water and was very competitive from a very young age. Both my parents don’t compete in any sports,it is only my younger brother who pursued swimming together with myself,” pahayag ni Jasmine.

Nag-aral sa International Christian Academy sa Paranaque si Jasmine at noong high school student naman siya sa Trace College siya nagtapos at naging bahagi ng Junior National Team si Jasmine noong nasa high school siya. Noon din siya nakilala si Christel Simms, isang Filipino-American na kinatawan ng bansa sa 2008 Beijing Olympics dahil sa potensyal ni Jasmine sa larangan ng swimming.

Noong mga panahong iyon nag-aaral sa University of Hawaii si Simms na siyang naglapit sa coach nitong si Victor Wales upang mag-scout at kunin si Jasmine na bahagi ng unibersidad.

“My first international swim meet when I was 11 years old and that was in Japan. I continued training hard and competing and made my first ever SEA Games at the age of 16, then two years later, I was awarded a college scholarship at the University of Hawaii.”

Bukod sa pagiging abala sa swimming practice at kumpetisyon, seryoso din si Jasmine na magtagumpay sa kursong napili na ‘International Business’,  “I think I am just as proud of that alongside anything I have won,” dagdag niya.

“The Olympics is a massive step up from college competition and the SEA Games. I was overwhelmed and starry-eyed too in meeting Ryan Lochte and Michael Phelps. I also had my picture take with Kevin Durant and Lebron James. It was my first Olympic experience in London but not my first time to represent the country. It was truly a surreal moment, to be able to be there with the best of the best and to know that you have accomplished something great, that not a lot of people get to experience it just mind blowing. But it is an accomplishment to swim in London.”

Kasalukuyang naghahanda si Jasmine sa mga kumpetisyon sa ibang bansa pati na rin ang darating na Winter Olympics, nais niya na habang bata pa siya ay mahasa niya ang potensyal sa paglangoy.

Dumarami na rin ang nakakapansin sa galing ng atleta dahil ngayon ay mayroon na siyang advertisement offers sa bansa.

Sinong mag-aakala na sa pagkakamali magsisimula ang pangarap at tagumpay ni Jasmine.

MALALIM NA PAGMAMAHAL SA SWIMMING

Nang tanungin kung ano-ano ang nagbibigay ng saya at lakas ng loob kay Jasmine ang sagot niya, “There are so many things that motivate me. My family, coaches, teammates but as of now my biggest motivation is myself.”

“I have rekindled my love and passion for swimming in the last couple of years with the help of my coach, Jennifer Buffin, and that is also another thing that keeps me going even when sometimes it gets hard. For me to be able to surpass my best is what pushes me. I love working hard and I love swimming fast – I enjoy pushing myself everyday to be the best I can,”pagpapatuloy niya.

Sa simula pa lamang mahal na ni Jasmine ang tubig, ito ay kahit pa noong una ay hindi pa alam ang kapahamakang maaaring idulot nito sa kanya, ngunit noong maglaon matapos ang pagsasanay at  karanasan nahasa at naging mahusay siya sa napiling larangan.

Slider Sports Ticker 2008 Beijing Olympics 8 bronze medals Ana Paula A. Canua Athletic Scholarship sa University of Hawaii Christel Simms International Christian Academy Japan Jasmine Alkhaldi Jennifer Buffin Junior National Team Kevin Durant Lebron James London Michael Phelps Mohammed Alkhaldi Paranaque Ryan Lochte SEA Games SouthEast Asian Games Susan Paler Victor Wales Winter Olympics

Kevin Durant, nakuha ang Best Championship Performance sa ESPYS

July 14, 2017 by PINAS

Nakuha ni Golden State Warriors star Kevin Durant ang Best Championship Performance sa taunang ESPYS.

Malaking ambag sa pagkapanalo ng Warriors sa NBA Championship ang 35 puntos ni Durant.

Samantala, nakuha naman ng Olympian swimmer na si Michael Phelps ang best record-breaking performance.

Limang gintong medalya ang nakuha ni Phelps sa nakaraang Rio Olympics dahilan para umabot na sa bente otso ang kanyang kabuuang medal record.

 

Slider Sports Ticker Best Championship Performance ESPYS Kevin Durant

  • Page 1
  • Page 2
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.