EUGENE FLORES
MULING magbabalik sa Octagon ng Ultimate Fighting Championship o UFC ngayong Enero 18 para sa isang non-title match kontra kay Donald Cerrone.
Huling nakita si “Notorious” McGregor noong Oktubre 2018 kung saan natalo siya Khabib Nurmagomedov.
Sa kanyang pagbabalik ay lalaban ang UFC superstar sa 170-pound division.
Bagamat matagal nawala sa laban ay tiyak pa rin ang malaking perang kikitain ni McGregor sa laban nila ni “Cowboy” Cerrone. Garantisado na ang €4.4 million.
Ayon kay McGregor ang 2020 ang simula ng kanyang bagong paglalakbay sa UFC at muling ibalik ang “lost glory.” Nais din niyang makakuha ulit ng belt ngayong taon upang patunayan na isa sya sa pinakamagaling sa UFC.
Matatandaan na lumaban din si McGregor kay Floyd Mayweather Jr., sa isang boxing match kung saan natalo siya ngunit nakapag-uwi naman ng €89 milyon.
Subalit hindi madaling hamon si Cerrone para kay McGregor lalo na’t mas mabigat na timbang ang kanyang lalabanan. Ayon pa sa mga eksperto, naniniwala sila na kapag tumagal at umabot sa huling bell ng laban ay magwawagi si Cerrone subalit kapag mabilisan ang laban na madalas ay tinatapos sa isa KO ay lamang si McGregor.
Inaabangan na ngayon ng mga fan ang muling pagtapak nito sa octagon at umaasa sa isang matinding pagbabalik ng “The Notorious” Conor McGregor.