ANG bagong Snack Factory ng KidZania Manila. Photo from MrsEnerodiaries/Facebook
Ni Jonnalyn Cortez
INILUNSAD ng KidZania Manila ang bago nitong learning experience para sa mga bata. Binuksan na ng sikat na palaruan ang Jack ‘n Jill Snack Factory, kung saan pwedeng matuto ang mga paslit na maghanda, magluto, at magbalot ng mga produktong pagkain.
Dito, pwedeng maging “snack engineers” ang inyong mga anak. Sila ang mamamahala na gawing parang pulbos ang tunay na patatas o mais, iluto ito, patuyuin, at timplahin hanggang matapos ang buong proseso.
Ang nahandang powder mula sa patatas o mais ay ilalagay sa mixing chamber na may kasamang tubig upang gawing fresh dough. Matapos nito, gagawing flat ang naturang dough gamit ang espesyal na cutter, ilalagay sa loob ng lutuan, patutuyuin sa drying chambers at lalagyan ng pampalasa sa packaging station.
“We’re very very proud to show you a whole new world of possibilities and a place where stories of fun can start—an even better, more improved and definitely more fun, Jack ‘n Jill snack factory. We made sure that everything is made more interactive and in-depth, from combining the raw ingredients up to the final packaging process,” wika ni Ivy Tan, senior brand manager ng URC Jack ‘n Jill para sa fabricated potato segment at mixed snack segment.
Matutunan din ng mga bata dito kung paano mapapanatiliing malinis ang kanilang factory bago ihanda ang mga pagkain. Bukod sa paglalaro, ma-de-develop din ang coordination nila at matututo silang sumunod sa directions upang maayos na makumpleto ang kanilang mga gawain.
“In our city, kids learn just how much fun life truly can be with the adult role as they explore, as they experience and enjoy it through different work and careers for them. . . . After all, it’s these kids who grow up to shape and mold the world, and it starts with them having fun as they do just that,” dagdag ni Ikey Canoy, content manager ng KidZania Manila.