MELROSE MANUEL
ISANG Pinoy film naman ang magkakaroon ng Indonesian remake.
Sa social media, ibinahagi ni Direk Sigrid Andrea Bernardo, ang video teaser ng Indonesian version ng kaniyang pelikula na “Kita-Kita”.
Say ni Direk Sigrid, hindi niya napigilang maging emosyonal nang makita ang remake ng kaniyang award-winning film.
Pinamagatang “Cintu Itu Buta” ang Indonesian remake ng “Kita-Kita” na nangangahulugang “Love Is Blind”.
Habang shinoot naman ang naturang film sa Busan, South Korea.
Kasunod nito ay binati ng direktor ang lead star ng pinoy blockbuster hit na sina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi sa patuloy na success ng pelikula.
Ang Kita-Kita o I See You ay isang Philippine romantic comedy na ipinalabas noong 2017 na humakot ng 320 million pesos sa takilya.