NBA All-Star MVP Kawhi Leonard
JAMES LUIS
INIALAY ni 2020 NBA All-Star MVP Kawhi Leonard ang kanyang nakuhang panibagong parangal sa namayapang Basketball Superstar na si Kobe Bryant.
Ayon kay Leonard, napakalaking bagay para sa kanya na matanggap ang naturang award.
Nagpasalamat din ito kay Bryant sa lahat ng nagawa nito para sa kanya, na naging kaibigan nito at nakasama sa maraming okasyon sa labas ng NBA.
Si Leonard ang kauna-unahang recipient ng Kobe Bryant MVP award, na binago ang pangalan mula sa All-Star Game MVP trophy bilang pagpupugay sa pumanaw na NBA icon.
Umiskor si Leonard ng 30 points sa ginanap na NBA All-Star Game sa Chicago upang pangunahan ang panalo ng team LeBron kontra sa Team Giannis, sa iskor na 157-155.