Ni: Kristine Labadan
Ang pusang si Theo ay pinanatiling gising ang kanyang amo na si Charlotte Dixon mula sa Redditch, Worcestershire habang hindi nito alam na siya’y dumadanas ng blood clot na maaaring ikamatay nito kung ito’y natulog, ayon sa mga paramediko.
Ang walong taong pusa ay walang ginawa buong gabi kundi dilaan ang katawan ng kanyang amo upang pigilan itong makatulog nang maramdaman daw nito ang nanghihina nitong kondisyon.
Di kalaunan ay napagdesisyunan ni Charlotte na tawagan ang kanyang nanay at ang ambulansya.
Sa kasamaang palad, namatay ang pusang si Theo isang linggo bago ito parangalan ng Cats Protection sa taunan nitong National Cat Awards. Nakuha ni Theo ang boto ng publiko at itinanghal na Cat of the Year.
Ayon kay Charlotte ay utang na loob niya ang kanyang buhay kay Theo at ang parangal para rito’y isang magandang bagay upang ipagdiwang ang naging buhay ng pusa.
Bayawak na nagpapaaraw sa Maine, nakuha ng mga pulis
Ang kapulisan sa Maine ay kasalukuyang hinahanap ang may-ari ng kakaibang bayawak na naabutang naglilibot sa isang hardin ng isang residente sa lugar.
Nauna nang nag-paskil ang departamento ng pulis sa kanilang Facebook page patungkol sa pinaniniwalaang nakatakas na alaga.
Hindi tinukoy kung ano’ng uri itong bayawak ngunit base sa ilang mga nag-komento ay isa itong Savannah monitor, isang lahi ng bayawak na madalas matagpuan sa Africa.
$75.5 milyong tiket sa lotto, pinunit at itinapon
Sisiguraduhin na sana ng mag-asawang Scottish kung nanalo nga ba talaga ang kanilang tiket na nagkakahalaga ng $75.5 na milyon nang ito’y naunang pinunit sa dalawa at itinapon ng isang empleyado sa pag-aakalang natalo ang mga ito.
Nagawa namang maibalik kina Fred at Lesley Higgins ang tiket matapos makapagprint ng mensahe ang makina bilang patunay na sila nga’y nanalo.
Ang mga opisyales ng Camelot ay nagsagawa naman nang pagbi-birepeka sa pamamagitan ng pag-tingin sa mga nakuhang bidyo ng CCTV ng tindahan kung saan pinunit ang tiket.
Ayon kay Fred, hindi siya nag-aalala na hindi makuha ang premyo sapagkat alam niyang ito’y hindi sinasadyang pagkakamali at kinailangan lamang siguraduhing tama ang lahat base sa kanilang mga pahayag.