Pinas News
TUMAKBO na ang 1st leg ng 42nd National MILO Marathon sa Urdaneta City kung saan umabot sa 13,000 ang mga runners na lumahok.
Nagkampeon sa Pangasinan sina Kurt Jomar Lamparas at Christabel Martes sa MILO Nutri Up 21K male and female categories, at nag-uwi ng tig-P10,000 cash at trophy at handa na sila sa December 9, Laoag National Finals.
Si Lamparas ay naorasan ng 1:14:26, tinalo niya sa male category sina Cesar Castaneto, Jr. (1:14:31) sa 2nd placed; at Robeno Javier (1:16:48) sa 3rd place. Samantalang sa female category, naorasan si Martes ng 1:31:25, tinalo nito sina Rowena Valdez (1:40:19)sa 2nd place; at Jocelyn Elijeran (1:46:53)sa 3rd place.
Next leg ng 42nd National MILO Marathon ay gaganapin sa July 29, sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City; third leg, Tarlac (August 26), followed by Batangas (September 16), Lucena (September 30), Iloilo (October 7), Cebu (October 14), General Santos (October 21), Butuan (November 11), Cagayan De Oro (November 18), and in Laoag for the National Finals on December 9.
Ang 42nd National MILO Marathon ay inorganisa ng RunRio at inindorso ng Department of Education (DepEd), Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at sanctioned ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA). Kapartner sa pagtakbo ang mga sumusunod: Conrad Hotel (the official hotel partner for the Manila Leg), Pocari, Salonpas, Sock Society, Skyflakes, at supported by its official partners: TAG Heuer, ang opisyal na time keeper ng 42nd National MILO Marathon.