• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Saturday - April 17, 2021
tight weight loss pills k3 diet pills once a day diet pills where to buy fastin diet pills fen phen diet pills for sale keto friendly pasta sauce oxyelite pro diet pills review hummus keto friendly sensa diet pills reviews over the counter diet pills that suppress appetite rapid weight loss pills organic keto meal delivery 2000 calorie keto meal plan cvs pharmacy diet pills do lipozene diet pills work mediterranean diet macros tight diet pills orovo diet pills medical weight loss center in phoenix arizona mango diet pills

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

fx iii plus male enhancement pill.

do male enhancement pills cause premature ejaculation

natural male enhancement pistachios.

male enhancement pills private label maker california

neproxen male enhancement.

reviews for epic male enhancement.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

g6 male enhancement

free trial male enhancement

male enhancement creams

male nipple enhancement

black mamba male enhancement pill

triple x male enhancement

viagra substitute cvs

virectin gnc

revatio rxlist

prosolution plus pills cheap ebay

power testro gnc

semenax gnc

blue pill male enhancement

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Lanao Del Sur

DOH, tiniyak na may sapat na bakuna ang bansa laban sa Polio

September 30, 2019 by PINAS

DOH, tiniyak na may sapat na bakuna ang bansa laban sa PolioTARGET ng kagawaran na mabakunahan ang 5.5 milyong bata.

 

NAGTUTULUNGAN na ang Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) na gumawa ng epektibong pagtugon sa Polio outbreak sa bansa.

Ipinangako rin aniya ng WHO na kumpleto ang lahat ng kailangan para sa nasabing sakit at lahat ng batang dapat mabakunahan ay mabibigyan nito.

Matatandaang noong nakaraang linggo nang kumpirmahin ng DOH ang muling pagbabalik ng polio sa bansa matapos ang dalawang dekada ng pagiging Polio-free country.

Bilang pagresponde sa Polio outbreak, magsasagawa ng Simultaneous Vaccination Programs ang DOH sa mga batang edad limang taong gulang pababa sa Metro Manila, Davao at Lanao Del Sur sa susunod na buwan.

 

WILLIAM VALENCIA

Pambansa Slider Ticker Davao City Department of Health (DOH) Lanao Del Sur Metro Manila Polio outbreak World Health Organization (WHO)

BARMM, ang nalalapit na simula

July 31, 2018 by Pinas News

Aprubado ang proposed Bangsamoro Basic Law na malapit nang pirmahan ni Pangulong Duterte.

 

Ni: Eugene B. Flores

TULUYAN nang napagtibay sa Senado ang Bangsamoro Organic Law matapos hindi kumontra ang 22 senador na nasa senado sa pagbubukas ng ika-tatlong sesyon ng 17th Congress sa mosyon ni Senador Juan Miguel Zubiri.

Ang mga sakop ng rehiyon ay ang mga dating nakapaloob sa ARMM tulad ng probinsya ng Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao.

Magkakaroon naman ng plebisito tatlo hanggang limang buwan matapos itong gawing batas upang malaman kung maisasama sa rehiyon ang anim na bayan sa Lanao del Norte at 39 barangay sa North Cotabato, Cotabato City at Isabela City.

Ang mga miyembro ng BTC kasama ang Senate heads sa Bicameral Conference.

 

LUHA NG TAGUMPAY

Bumuhos ang emosyon mula sa mga miyembro ng Bangsomoro Transition Commission (BTC) ng maaprubahan ang final text ng proposed Bangsomoro Basic Law (BBL) sa Senate-House Conference. Kontento ang mga kritiko at mga nagsilbing chair ng BBL bill sa naging disisyon ng bicameral committee. “It’s not the best law but it’s a good thing to start with. We appreciated it very much,” wika ni Ghadzali Jaafar, chair ng BTC. Kumbinsido rin ang miyembro ng House panel sa conference committee na si Zamboanga Representative Celso Lobregat na mas maganda ang bill na inilabas ng mga mambabatas kaysa sa naunang proposed BBL.

Labis naman ang galak ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) fighter na si Mohagher Iqbal na chairman din ng MILF peace panel. Saad niya: “I cannot describe my feelings. It is so overwhelming. This is the best law that could be produced out of the situation,” sa pagitan ng MILF at gobyerno.

Tatawaging Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ang magiging rehiyon na papalitan ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM sa bisa ng tatawagin na ngayong Bangsamoro Organic Law o BOL.

Umapela naman ang head ng House conference panel na si House Majority Leader Rodolfo Fariñas na gamitin ang opurtunidad na binigay sa kanila nang maayos.

 “We are appealing to you, we did everything, almost everything that you wanted. We’re handing it to you. You owe it to yourselves, to your sacrifices, to the people of Mindanao,” aniya.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri isang hakbang umano ito upang mapigilan ang pagsama sa mga extremist group. “They can now convince the extremists, those who want to create trouble there, they themselves, the MILF, MNLF (Moro National Liberation Front) are partners of the government in convincing their populations not to join extremists.”

Bibigyan din ng sapat na kagamitan at kapangyarihan ang BARMM upang makapagsimula ito ayon kay Zubiri na siya ring nanguna sa Senate panel.

Matapos maitatag ang BARMM makakatanggap ito ng P50 billion special development fund upang maisaayos ang mga nasira sa rehiyon na dumanas ng ilang dekadang sigalot.

Sa oras na maisabatas ang BOL, magkakaroon ang BARMM ng sariling kapangyarihan sa fiscal, executive at legislative matters ngunit ang mismong gobyerno pa rin ng Pilipinas ang may kontrol sa foreign affairs, monetary policy, defense at security ng rehiyon.

ANO NGA BA ANG BANGSAMORO BASIC LAW?

Noong ika-27 ng Marso 2014, pinirmahan ang huling peace agreement sa pagitan ng MILF at gobyerno na tinawag na Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB). Sa ilalim ng kasunduang ito, mamimili ang magkabilang partido ng isang third party kung saan isusuko ng mga rebelde ang kanilang mga armas kapalit nito ay magtatayo ng autonomous Bangsamoro ang gobyerno. Ibig sabihin, magkakaroon ng kapangyarihan ang Bangsa-moro upang patakbuhin ng sarili ang kanilang rehiyon. Ngunit maraming mga aspeto ang kailangang mapagkasunduan sapagkat malinaw na parte pa rin ng Pilipinas ang rehiyon.

Isa sa sensitibong aspeto nito ay ang power sharing na kamakailan ay nabigyan na ng solusyon. Kung ang bersyon ng Senado ang nanaig.

Magkakaroon ng joint powers ang gobyerno na pa-ngungunahan ng Department of Energy at Bangsamoro sa paglilinang, pagdebelop at paggamit ng mga fossil fuel at uranium sa teritoryo ng Bangsamoro, na naaprubahan ng bicameral committee.

“It’s part of the national patrimony but we have to give a chance to the Bangsamoro to use and explore these resources,” sabi ni Zubiri.

Ito ang nasasaad sa Article XIII Section 10 ng Senate Bill 1717, “(The Philippine government and the Bangsamoro government) shall adopt a competitive and transparent process for the grant of rights, privileges, and concessions in the exploration, development and utilization of fossil fuels and uranium.”

Ilang mga probisyon pa ang dininig at pinanday sa bicameral conference kabilang ang buwis at mga usaping piskal, public order at national security at ang parliament.

 ANG BAGONG SIMULA

Dekada na ang lumilipas ngunit hindi pa rin nabibigyan ng solusyon ang problema sa Mindanao. Mahigit 120,000 na ang buhay na nawala at   mahigit dalawang milyon ang umalis dahil sa patuloy na gulo kung kaya’t ang pagpasa sa House of Representatives at sa Senado ng BBL ay isang malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng maayos at panibagong simula sa Mindanao.

Noong Mayo, matapos gawing urgent ni Presidente Rodrigo Duterte ang BBL, nakakalap ito ng 227 boto ng pagtanggap kontra sa 11 na hindi ito tanggap. Dahil dito naging puspusan ang pagtatrabaho sa BBL upang magtagpo ang interes ng gobyerno at Bangsomoro sa gitna at matapos ang ilang buwan, nalalapit na ang bagong  simula para sa Bangsamoro.

Nagpasalamat naman sina Zuburi at Fariñas sa naabot na makasaysayang okasyon.

“I am just overwhelmed and emotional and I just want to thank everyone for their time and efforts. Hopefully with this law, peace will reign for a long, long period of time, for our children and our children’s children,” sabi ni Zubiri, ang mambabatas na nagmula sa Mindanao.

Pambansa Slider Ticker angsamoro Organic Law Article XIII Section 10 ng Senate Bill 1717 “(The Philippine government and the Bangsamoro government) Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Bangsomoro Transition Commission (BTC) Basilan Celso Lobregat Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB) Cotabato Cotabato City Ghadzali Jaafar Isabela City Juan Miguel Zubiri Lanao del Norte Lanao Del Sur Maguindanao Moro Islamic Liberation Front (MILF) otabato Presidente Rodrigo Duterte Sulu Tawi-Tawi

Political dynasties nagbubunga ng kahirapan sa kanilang mga nasasakupan

February 28, 2018 by Pinas News

Ni: Ana Paula A. Canua

MATAGAL na nating kultura ang Political dynasties,  bagay na nakasanayan na lang dahil tuwing eleksyon paulit-ulit na lang na  apelyido ang batayan sa pagkaluklok sa posisyon.

Sa isang pag-aaral na pinangunahan ni Ateneo School of Government Dean Dr. Ronald Mendoza at UP Political Science Department Prof. Dr. Amado Mendoza Jr., sinuri ang pangmatagalang epekto ng pamumuno ng  political clans sa bawat probinsya.

Kamakailan lamang naimbitahan sila sa senado upang pangunahan ang pagsusuri sa inihahaing anti-dynasty law.

Sa pag-aaral sinalarawan ang uri ng political dynasty na tinatawag na ‘Fat Dynasty’ at “Thin Dynasty’

Paliwanag ni Mendoza,  “Fat Political Dynasties have more than two family members occupying government offices, while Thin Political Dynasties are content with having members succeed each other in office”.

Ang Thin Dynasty ay ang karaniwang politika na ating kinamulatan, halimbawa pagkatapos ng tatay na mayor papalit naman ang anak niya pagkatapos niya sa termino, hanggang sa maging pasalin-salin na ang pamumuno sa kanilang pamilya.

Ang Fat Dynasty naman ay karaniwan sa malalayong probinsya na magkakasabay na nakaupo sa magkaibang posisyon na nagmula lamang sa iisang pamilya.

Lumabas sa pag-aaral na ang Fat Dynasties ay nagpapalala ng kahirapan sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

“The average effect of political clan leadership in the country is that while there is a Fat Political clan, poverty deepens,” pahayag ni Mendoza sa Senate hearing sa anti-dynasty bill.

“We are slowly becoming a less democratic overtime, particularly in the poorest areas of the country and if we don’t stop this, democracy will slowly die,” dagdag niya.

Nalilimitahan kasi ang kalayaan ng mga botante dahil sa limitadong politiko na tumatakbo tuwing eleksyon. Bagay na nakakabahala kung magpapatuloy dahil habang sila ay parami nang parami sa pamamahala, pahirap ng pahirap naman ang kanilang nasasakupan.

“Seventy percent of go-vernors in 2007 were dynastic. It is now 81 percent in 2016. For congressmen, 75 percent in 2007 were dynastic. By 2016, almost 78 percent of congressmen are dynastic,

“Among mayors, 58 percent were dynastic in 2007. By 2016, a mere nine years later, almost 70 percent of them are dynastic.”

Kumpara rin sa Thin Dynasties, mas malala at mas makasarili ang fat dynasties dahil mayroong 20 political position na sabay-sabay na inookupa sa iisang probinsya.

Ilan sa mga probinsyang laganap ang Fat Dynasties ay ang Ilocos Sur, Bulacan, Batangas, Lanao del Sur, Lanao del Norte at Maguindanao.

“According to our data, the worst features are those with [fat dynasties]. It’s there that you can find the Ampatuan massacre, the kickbacks in road projects, black holes in terms of mis-sing [internal revenue allotments], poverty,” pahayag ni Mendoza.

 “There are no checks and balance. Even if you are wrong, the public would have a very hard time to get you out of office. You are scaring your opponents, you are the richest there, or you control all the mayors. ”

“So, it is not a competitive environment anymore. If you have an election there, you’re just going through the motions, but it’s no longer democratic.” 

 

Thin vs. Fat dynasty

Sa pag-aaral makikita ang ‘destructive patterns’ na e-pekto ng Fat Dynasties, hindi naman kinakitaan ng lubos na mapanirang epekto ang Thin Dynasties sa kabuuan ng pamumuno.

“It is clear in the data that dynasties can be found in poor areas while Fat Dynasties are in the poorest areas. I would consider allowing succeeding each other. In our evidence and data, the main failure does not lie with them. It’s with the Fat Dynasties or those who run and win at the same time.”

 

Mas yumayaman ang pamilyang politiko

Dahil iisang pamilya ang nakaluklok sa gobyerno mas yumayaman ang mga ito dahil sa korapsyon ng kanilang pamilya habang mas nagdurusa naman ang kanilang constituents. Giit ng awtor ng pag-aaral, normal lang ang pag-asenso ng mga politiko ngunit dapat ikabahala kung sila lamang ang umuunlad sa pamayanan.

“There is nothing wrong with becoming more wealthy. We need more wealthy people in our economy to drive the country to greater prosperity. What is wrong with this kind of prosperity is if you’re the only one becoming prosperous and the rest are impoverished.”

Ginawa pa nilang halimbawa ang political clan na Ecleos na pinamumunuan ang Dinagat Islands na tinagurian na isa sa pinakamahirap sa buong Pilipinas

Ang Ecleos ay may pagmamay-ari na “White Castle” sa tuktok ng bundok kung saan tanaw mula sa kanilang kastilyo ang naghihikahos na mga mangingisda.

 

Bigyan ng pagkakataon ang mga bagong pinuno

Naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng mga kabataan bilang bagong pinuno.

Alin man sa dalawang dynasty ay naghihikayat lamang ng ‘inclusive democracy’ dahil walang alternatibong pinuno na maaring piliin.

“Nakasalalay sa kanila ang ating kinabukasan. Ang hope po natin ay makakapili tayo sa pinakamahuhusay at pinakamatitino sa ating mga kabataan.”

Kung may lakas ng loob at sapat na budget lamang ang bagong mga politiko na mayroong bagong hangad sa kanilang komunidad, mas mahihikayat ang malayang pagboto ng mamamayan. Kung hindi lamang iisang apelyido ang maluluklok magkakaroon ng mas transparent at mas mapapatupad ang mas magagandang polisiya sa komunidad.

Dapat ding mabatid ng mga botante ang pangmatagalang epekto ng political dynasty. Hindi lamang sa mga bagong tumatakbo nakasalalay ang kaunlaran at pagbabago kundi sa kaalaman din ng mga botante.

Pambansa Slider Ticker Ana Paula A. Canua anti-dynasty law Batangas Bulacan Dr. Amado Mendoza Jr. Dr. Ronald Mendoza Fat Dynasty Ilocos Sur Lanao del Norte Lanao Del Sur Maguindanao Thin Dynasties

Pagbalik-tanaw (time-line) ng Batas Militar kontra-terorismo sa Mindanao

December 28, 2017 by Pinas News

Si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang state-visit sa bansang Russia, ilang sandali bago niya idineklara ang Martial Law sa buong Mindanao

 

Ni: John Benedict G. Vallada

SA halos pitong buwan na itinagal ng Batas Militar sa Mindanao. Mula sa madugong paglusob ng teroristang grupo na Maute, pagresbak ng militar sa kalaban, buwis-buhay na opensiba hanggang sa mabawi ang siyudad ng Marawi. Muling balikan ang Batas Militar sa Mindanao at kasalukuyan nitong estado.

Mayo 23, 2017

2:00nh—Nakarating sa militar ang ulat ng mga residente ng Barangay Basak Malutlut sa Lungsod ng Marawi na mayroong 15 kahina-hinalang mga armadong lalaki sa nasabing pook na pinaniniwalaang miyembro ng teroristang grupo ng Abu Sayyaf at Maute, dahilan upang tumugon sa pamamagitan ng surgical strike ang militar laban sa kalaban.

5:00nh-8:00ng—Lumusob at nagpakita ng lakas ang grupong Maute sa pamamagitan ng pagkubkob ng mga ito sa pampublikong ospital ng Marawi na Amai Pakpak Medical Center. Ilang oras lang ay lumusob na rin ito sa City Jail ng lungsod at pinakawalan ang mga preso at nanunog, napaulat din na ang mga bantay ng nasabing kulungan ay pinagpapatay ng grupo. 5 sundalo ang kumpiramadong sugatan habang 1 ang patay bago pasukin din ang Dansalan College at Saint Mary’s Church.

11:30ng—Kasalukuyang nasa state-visit noon si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang Russia nang ideklara sa buong Mindanao ang Batas Militar.

Mayo 24, 2017—Sa pag-uwi ni Pangulong Duterte mula sa bansang Russia, agad niyang sinuspinde ang prebelihiyo na habeas corpus sa buong Mindanao upang madaling mahuli ang iba pang mga miyembro ng teroristang grupo at maiwasan ang paghahasik.

Mayo 31, 2017—Ayon sa Department of National Defense, 11 sundalo ang nasawi, habang 7 ang sugatan sa maling aerial attack ng mga mismong kapwa sundalo.

Hunyo 6, 2017—Nahuli sa check-point ng mga sundalo sa Davao City ang mismong ama ng tinaguriang Maute Brothers na si Cayamora Maute.

Hunyo 9, 2017—Naaresto naman ang ina ng Maute Brothers na si Ominta Romato “Farhana” Maute kasama ang 2 sugatang miyembro ng Maute Terrorist Group sa probinsiya ng Lanao Del Sur.

Hunyo 12, 2017 (Araw ng Kalayaan)—Madamdaming paggunita sa Araw ng Kalayaan ang nasaksihan habang itinataas ang bandila ng Pilipinas habang inaawit ang ‘Lupang Hinirang’. Sa araw ding iyon naitala ang 58 na mga sundalo namatay.

Hunyo 25, 2017—Bilang pagtatapos ng Ramadan, nagbigay ng 8 oras na ceasefire ang mga militar sa mga kalabang terorista.

Hunyo 26, 2017—Bumisita si Vice President Leni Robredo sa Ilagan City upang bisitahin at kumustahin ang lagay ng mga evacuees mula sa Marawi City.

Hulyo 4, 2017—Pinagtibay ng Korte Suprema ang deklarsyon ng Batas Militar ni Pangulong Duterte sa Mindanao.

Hulyo 20, 2017—Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang sumiklab ang giyera sa Marawi City, bumisita si Pangulong Duterte.

Hulyo 22, 2017—Napagkasunduan ng kongreso ang pagpapalawig ng Batas Militar sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.

Agosto 22, 2017—Muling pinayagang maka pasok sa Mindanao State University.

Agosto 25, 2017—Tagumpay kung maituturing, dahil nabawi ng mga sundalo ang Grand Mosque ng Marawi City mula ng inokupa ito ng Teroristang Maute.

Agosto 27, 2017—Pumanaw ang ama ng mga pinuno ng teroristang grupo na Maute na si Cayamora Maute, ayon sa ulat nasa kritikal na kondisyon ang matandang Maute bago dinala sa Taguig-Pateros Hospital.

Setyembre 17, 2017—Matagumpay na na-rescue ang paring Katoliko na si Father Chito Suganob, na ilang buwan ding bihag ng Maute Group. Itinanggi rin ng pamahalaan na nagbigay sila ng ransom sa teroristang grupo para sa pari.

 

Ilan sa mga tagpong pangyayari habang nagkakaroon ng bakbakan ang hanay ng military at teroristang Maute sa Lungsod ng Marawi.

 

Setyembre 22, 2017—Nabawi ng militar ang tulay na entrance-point ng mga pook na sinakop ng Maute, ang tulay ng Maraya Daya o mas kilala bilang Masiu Bridge.

Oktubre 16, 2017—Inanunsyo ng militar na napatay na nila ang mga pangunahing pinuno ng Maute Group na si Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Oktubre 17, 2017—Idineklara ni Pangulong Duterte na malaya na ang Marawi laban sa rebelyon ng mga Maute.

Oktubre 19, 2017—Kinumpirma ni Pangulong Duterte na napatay ang isang Malaysian terrorist na si Dr. Mahmud Ahmad. Si Ahmad ay hinihinalang taga-recruit ng mga bagong miyembro ng teroristang ISIS.

Oktubre 20, 2017—Nakauwi ang nasa bilang na 288 na mga sundalong lumaban sa Maute Group.

Oktubre  21, 2017—Kinumpirma ng Fedral Bureau of Investigation (FBI) na DNA mismo ni Isnilon Hapilon ang napatay sa bakbakan noong Oktubre 16. Habang wala pang kumpirmasyon kay Omar Maute.

 

Muling pinalawig ang Batas Militar hanggang sa katapusan ng taong 2017 sa botong 261 na ‘yes’ ng mga mababatas at 18 ‘no’ na boto bilang pagtutol sa pagpapalawig.

 

Disyembre 8, 2017—Nagsumite ang Department of Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Rodrigo Duterte ng rekomendasyon ng Philippine National Police (PNP) na palawigin pa ng isang taon ang Martial Law sa Mindanao. Suportado ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa banta pa rin sa seguridad ng publiko lalo pa’t napapaulat na mayroon pa rin natitirang mga grupo ng Maute.

Disyembre 11, 2017—Humihirit ang sangay ng pamahalaang pang-ehekutibo sa pagpapalawig pa ng Batas Militar, ang dahilan ay ubusin ang natitirang miyembro ng Maute Group at pakikibaka sa bagong tinuturing ng pamahalaan na teroristang organisasyon ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CCP-NPA).

Sa ngayon, nasa kamay ng mga mambabatas sa mababa at mataas na kapulungan ang kapalaran ng Batas Militar sa Mindanao. Mapapaso ang deklarasyon ng Martial Law sa Disyembre 31, 2017.

National Slider Ticker Abu Sayyaf AFP Amai Pakpak Medical Center Armed Forces of the Philippines Brgy. Basak Malutlut Cayamora Maute Communist Party of the Philippines CPP Dansalan College Davao City Departmet of Interior and local Government DILG Dr. Mahmud Ahmad Father Chito Suganob FBI Federal Bureau of Investigation Ilagan City ISIS Isnilon Hapilon Jhon Benedict G. Vallada Lanao Del Sur Marawi City. Maraya Daya Martial Law Masiu Bridge Maute Terrorist Group Mindanao Mindanao State University New People’s Army NPA Omar Maute Ominta Romato "Farhana" Maute Pangulong Rodrigo Duterte Philippine National Police PNP Russia Saint Mary's Church Taguig-Pateros Hospital Vice President Leni Robredo

Balik-Eskwela sa 8 barangay sa Lanao Del Sur at Iligan, atrasado

June 2, 2017 by PINAS

Dalawang linggong ipagpapaliban ang pagbubukas ng klase sa walong barangay sa Lanao Del Sur at Iligan City.

Ayon kay Education secretary Leonor Briones, base ito sa rekomendasyon ng mga otoridad sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Apat na barangay sa Lanao Del Sur at apat sa Iligan City ang hindi makakasabay sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo a-singko.

Ani briones, dahil na rin ito sa pangambang magkaroon ng spillover sa nagpapatuloy na bakbakan ng militar at ng Maute group.

Tumanggi naman si Briones na pangalan ang nasabing mga barangay.

Una nang inanunsyo ng DepEd ang pagpapaliban ng pagbubukas ng klase sa Marawi.

Probinsyal Ticker education secretary Leonor Briones Lanao Del Sur Marawi

Buong Lanao Del Sur, nakararanas ng total blackout

May 26, 2017 by PINAS

Nakararanas ng total blackout ngayon ang Marawi City at ang buong lalawigan ng Lanao Del Sur.

Ayon kay Nordiana Ducul, general manager ng LaSurEco o Lanao Del Sur Electric Cooperative, naapektuhan ng labanan ang mga linya ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines.

Sa ngayon aniya ay hindi makakilos ang mga tauhan ng NGCP upang ayusin ang mga nasirang pasilidad dahil sa takot na madamay sa labanan sa pagitan ng militar at Maute.

Nasa kabuuang labintatlong oras nang walang kuryente sa lugar.

Sinabi ni Ducul na inabandona na rin nila ang kanilang tanggapan sa Marawi City makaraang magtangkang magkanlong doon ang Maute Group.

Dagdag ni Ducul, sa kabila ng takot ay napilitan siyang makipag-usap sa Maute Group at binigyan naman sila ng limang minuto para lisanin ang LaSurEco .

Ilang sandali lamang aniya matapos nilang lisanin ang LaSurEco ay sumiklab na ang labanan sa pagitan ng militar at ng Maute Group.

Probinsyal Lanao Del Sur Lanao Del Sur Electric Cooperative Marawi City. Maute Group National Grid Corporation of the Philippines NGCP Nordiana Ducul

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.