• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)

Bibiyaheng bus ngayong holiday season, siniguradong sapat –LTFRB

December 23, 2019 by PINAS

POL MONTIBON

 

SINIGURADO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sapat ang bibiyaheng bus ngayong holiday season.

Nasa 968 na mga bus ang nakatakdang bigyan ng special permit sa ilalim ng ‘Oplan Byaheng Ayos: Pasko 2019’.

Maaaring bumiyahe ang mga bus na bibigyan ng special permit mula sa December 23, 2019 hanggang January 3, 2020.

Nakalaan ang 581 units patungong North Luzon, 189 naman sa South, 127 sa Bicol, 48 sa Visayas at 23 units sa Mindanao.

Tiniyak naman ng LTFRB na sumailalim sa masusing proseso ng inspeksyon kabilang na dito ang road worthiness ng mga bus na bibigyan ng special permit at ang kondisyon at kahandaan ng drivers nito.

Pambansa Slider Ticker Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Oplan Byaheng Ayos POL MONTIBON

DOTr, DILG, PNP-HCG nagsanib-pwersa laban sa trapiko

March 26, 2019 by Pinas News

DOTr, DILG at PNP-HPG magsasanib-pwersa upang labanan ang trapiko sa bansa.

 

Ni: Jonnalyn Cortez 

UPANG ibsan ang lumalalang kaso ng traffic sa bansa, nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Interior and Local Government (DILG) and isang Memorandum Agreement na magtatalaga sa Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) bilang enforcement arm ng DOTr.

Pinirmahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade at DILG Secretary Eduardo Año ang kasunduan na binibigyan ng karapatan ang PNP-HPG na magpatupad ng mga batas trapiko at regulasyon sa buong Metro Manila at kalapit na rehiyon na susuportahan din ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT).

Sa ilalim ng memorandum, magtatalaga ng 300 unipormadong tauhan ang PNP-HPG — 25 Police Commissioned Officers at 275 Police Non-Commissioned Officers — sa National Capital Region (NCR) at Regional Units na siyang magbibigay ng logistical mobility support upang palakasin ang enforcement operations ng i-ACT.

Makikipag-ugnayan din ang PNP-HPG sa DOTr at mga ahensiyang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang siguraduhin ang epektibong pagpapatupad ng kasunduan.

Gagamitin ng PNP-HPG ang kanilang logistical resources na binubuo ng 24 sasakyan at 82 motorsiklo upang ipatupad ang batas trapiko. Itatalaga naman ng DOT ang lahat ng tauhan ng LTO, LTFRB, at i-ACT Secretariat, kabilang din ang kanilang mga sasakyan at motorsiklo bilang tulong.

“Sabi ng ating Pangulo, ‘give the Filipino a comfortable life.’ Nandito tayo ngayon sapagkat sa ating panunumpa sa lengguwahe ng ating Pangulo, tayo ay magsisilbi sa Pilipino upang ang ating kapwa Pilipino ay magkaroon ng maayos na buhay. And we will inculcate that comfortable life through enforcement and discipline on the road, and through proper compliance with the law,” wika ni Tugade.

Inilahad din ni Tugade na nagmula sa dating HPG chief at kasalukuyang LTFRB Board Member Antonio Gardiola ang ideya ng paggawa ng memorandum sa pagitan ng DILG at DOTr.

“Nung bago pa si General Gardiola, wala pang dalawang araw, sabi ko sa kanya, ‘General Gardiola, gusto ko ituloy mo ang partnership between PNP and the Department of Transportation. Gusto ko, paigtingin mo at bigyan ng lakas ‘yung tinatawag na enforcement.’ In barely two weeks, tinawagan ko si Secretary Año, sabi ko, ‘kailangan ko kayo’,” paglalahad ni Tugade.

Kinilala naman ni PNP Chief /Director General Oscar Albayalde ang kasunduan.

“I am pleased to announce the signing of Memorandum of Agreement by and between the Philippine National Police, Department of Transportation, MMDA, Metro Manila Council, LTO, LTFRB and Coast Guard to further strengthen the enforcement capabilities of the Inter-Agency Council for traffic or I-ACT, through the support of the Department of Interior and Local Government,” pahayag ni Albayalde.

Pamumunuan ng DOTr ang pagtatalaga ng hepe ng i-ACT Task Force, na siya namang magiging responsable sa pag-deploy ng mga PNP-HPG personnel at logistical support sa kanila-kanilang post.

Sa loob ng 30 araw matapos maging epektibo ang kasunduan, kailangang makapagtatag ng isang Inter-Agency Technical Working Group upang bumuo ng implementing guidelines.

Nagpaabot din ng tulong ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa operasyon ng i-ACT nang magpadala si PCG Commandant Admiral Elson Hermogino ng 25 tauhan, na pawang mga bagong graduate na sumailalim sa training sa LTO bilang paghahanda sa kanilang field assignment.

Isasatupad ng i-ACT ang paghuli sa illegal public utility vehicles (PUVS) o mas kilala sa tawag na colorum upang siguraduhin ang kaligtasan sa kalsada ng publiko.

Agad na epektibo ang bagong tungkulin ng PNP-HPG matapos pirmahan ang memorandum.

NLEX-SLEX Connector Road i-improve ang paluluwagin ang koneksyon ng NLEX at SLEX.

 

Two Roads Pproject  

Ilang hakbang na ang ginawa ng gobyerno upang solusyunan ang trapiko sa bansa, kabilang na rito ang pagtatayo ng dalawang bagong road projects — ang NLEX Harbor Link Segment 10 at NLEX-SLEX Connector Road.

“We are glad that this traffic decongestion project is now open to our motorists. The NLEX Harbor Link Segment 10 validates the Duterte administration’s promise to bring real change by providing travel convenience and strongly enhancing our service to the Filipino people,” wika ni Public Works Secretary Mark Villar.

Inaasahang mas mapapadali ang biyahe dahil sa bagong koneksyon sa pagitan ng mga pangunahing lugar sa Metro Manila at probinsya sa Northern Luzon dahil sa NLEX Harbor Link Segment 10. Ang expressway ay may habang 5.65 kilometro na binabaybay ang mga lungsod ng Valenzuela, Malabon at Caloocan. Paiikliin nito ang oras ng biyahe sa pagitan ng C3 at NLEX ng limang minuto.

Nakikitang susulosyunan ng NLEX Harbor Link Segment 10 ang matinding traffic sa Metro Manila pag lumipat ng daanan ang halos 30,000 sasakyan araw-araw. Makakatulong din ito sa mabilis na paghahatid ng pagkain at magkakaroon ng ibang access ang mga cargo trucks mula sa port area papuntang sa Northern Luzon.

Ang susunod na bahagi ng proyekto ay ang paggawa ng 2.6 km section mula sa C3 Road, Caloocan City, papuntang R10, Navotas City.

Sinabi ni Manuel V. Pangilinan, chairman ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), na siyang nasa likod ng proyekto, na ikinatutuwa ng MVP Group ang tulong na ginagawa ng gobyerno upang mapabilis ang paggawa ng mga importanteng proyektong imprastraktura.

“Apart from our team’s commitment to support the administration’s Build Build Build program, the government’s help in ramping up the acquisition of right-of-way made us deliver this vital infrastructure which aims to bolster development and ease traffic congestion in the country,” wika ni Pangilinan.

Kasabay ng pagbubukas ng NLEX Harbor Link Segment 10, nagsimula na ang dalawang taong konstruksyon ng P23.3 bilyon na NLEX-SLEX Connector Road Project.

May haba itong walong kilometro, at tulad ng NLEX Harbor Link Segment 10, isa rin itong elevated highway na malapit sa PNR na pinaabot ang NLEX southward mula sa dulo ng Segment 10 sa C3/5th Avenue, Caloocan City, hanggang sa PUP Sta. Mesa, Manila.

Inaasahang luluwag ang mga pangunahing daan at i-improve ang koneksyon sa pagitan ng north at south.

NLEX Harbor Link Segment 10 susulosyunan ang matinding traffic sa Metro Manila sa pagkokonekta ng mga pangunahing lugar sa Metro Manila sa ibang probinsya.

 

“NLEX Harbor Link Segment 10 and NLEX Connector are just some of Metro Pacific’s expansion projects geared towards providing further convenience to motorists and bringing more opportunities in nearby cities and provinces,” pahayag ni MPTC president at CEO Rodrigo Franco.

“The inauguration of the NLEX Harbor Link Segment 10 and the groundbreaking of the NLEX Connector show the political will of the government and the solid partnership between public and private sectors,” dagdag ni NLEX Corp. president at general manager Luigi Bautista.

Decongestion, sagot sa problema 

Sa isang palabas sa Facebook at YouTube na pinamagatang “Misconsensus: The Politics of Things,” tinanong si Senador Juan Ponce Enrile kung anong mainam na pampublikong transportasyon ang makakaresolba sa lumalalang traffic sa Maynila.

Pinili niya ang paggamit ng BRT o Bus Rapid Transit bilang pinaka-mainam na pantugon sa problema ng trapiko. Ngunit, hindi umano mahalaga kung ano ang maaaring pagpiliang masasakyan dahil ang problema ay structural.

“You can build all the infrastructure in Metro Manila you want, but if you do not decongest it, it will remain a dying city,” pahayag ni Enrile.

“We’ve piled up economic activities and people here (in Metro Manila). It’s very dangerous,” dagdag pa nito.

Pambansa Slider Ticker Caloocan Department of Interior and Local Government (DILG) Department of Transportation (DOTr) DILG Secretary Eduardo Año DOTr Secretary Arthur Tugade Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) Jonnalyn Cortez Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Land Transportation Office (LTO) LTFRB Board Member Antonio Gardiola Malabon Manuel V. Pangilinan MPTC president at CEO Rodrigo Franco National Capital Region (NCR) Navotas City NLEX PCG Commandant Admiral Elson Hermogino Philippine Coast Guard (PCG) Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) PINAS PNP Chief /Director General Oscar Albayalde public utility vehicles (PUVS) SLEX Valenzuela

Paggamit ng Angkas, lusot sa Kongreso

February 19, 2019 by Pinas News

Angkas

Angkas CEO Angeline Tham pinangakong tutulungan ang mga Filipino commuters at drivers.

 

Ni: Jonnalyn Cortez

SA gitna ng maraming kontrobersya, inaprubahan na ng Kongreso ang bill upang gawing ligal ang paggamit ng ride-hailing app na Angkas at iba pang mga motorcycle taxi sa bansa.

Sa botong 181-0-0, sinang-ayunan ng mga lawmakers ang House Bill (HB) 8959 sa pangatlo at huling pagbasa.

Aamyendahan ng naturang panukalang batas ang Repu­blic Act No. 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code upang idagdag ang mga motorcycle-for-hire sa mga sasakyan na maaaring irehistro sa Land Transportation Office (LTO) na gagamitin bilang isang commercial vehicle na magdadala ng mga pasahero at mga produkto.

Ibig sabihin nito na kapag naisabatas na ang panukala, malaya nang makakabiyahe ang Angkas, habal-habal at iba pang motorcycle taxi at muling maseserbisyuhan ang mga Filipino commuters.

Sa ilalim ng panukalang batas, aatasan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magtakda ng tamang presyo ng pamasahe at iba pang charges para sa mga motorcycle taxi.

LTFRB at Department of Transportation (DOTr) din ang magpapasya kung saang mga ruta lamang maaaring bumiyahe ang mga motorcycles-for-hire.

Hindi lamang ginagamit ang mga motorcycle taxi upang iwasan ang buhul-buhol na traffic sa Metro Manila, ginagamit din ito sa mga probinsya upang marating ang mga lugar na hindi naaabot ng mga jeepney at bus at ang mga kalyeng hindi maaaring maraanan ng sasakyan. Kaya naman, marami ang nagreklamo nang ipagbawal ito.

PAGTULONG SA MGA COMMUTE­RS

Nais ni Angkas CEO Ange­line Tham na maintindihan ang mga taong hindi pabor sa paggamit ng Angkas at iba pang motorcycles-for-hire at ipakita sa kanila ang nagagawa at naitutulong nito sa parehong commuters at riders.

“What we are disrupting is, we are looking at new and innovative ways of doing things. People riding bikes, it’s been around for a long time. We want to make it more professional and safer. I think that’s the way of the future,” wika nito.

Bago magtapos ang taong 2018, nag-anunsyo ang DOT ng isang technical study na mag-classify sa Angkas bilang isang uri ng public transport. Naglabas din ang Supreme Court ng isang temporary restraining order na nagpapahinto sa mga otoridad na arestuhin ang mga driver nito.

Nakapag-file na rin ng iba’t-ibang bills upang amyendahan ang traffic code na nagbabawal sa paggamit ng Angkas bilang isang pampublikong transportasyon. Sa katunayan, iginiit ng Kongreso sa regulators na hayaang mag-operate ang naturang ride-hailing app.

“We’ve seen that change on the consumer side and were starting to see that change on the government front,” dagdag ni Tham.

Ayon kay Tham, isa sa ta­tlong Filipino ang nagmamay-ari ng motor. Kalahati rito ay ginagamit ang kanilang sasakyan para sa kabuhayan at lahat ng mga may-ari ay kabilang sa low-income households. Limang milyon lamang sa 14 milyong motorsiklo sa kalye ang rehistrado.

Habang hindi pa nakakapaglabas ng bagong guidelines o alisin ang TRO sa Angkas, mananatiling courier service ang 27,000 driver nito.

“When government says that motorcycles are really dangerous, I think the danger is not the motorcycle itself, because the motorcycle can be ridden in a way that is safe and responsible. It’s really the people using the motorcycles,” wika ni Tham.

Sinabi rin ni Tham na i­nuuna ng Angkas ang kaligtasan ng parehong pasahero at driver nito. Sa katunayan, kalahati ng kanilang mga apli­kante ay hindi pumapasa sa unang subok pa lamang. Hindi rin natatanggap ang mga ito hangga’t hindi naipapasa ang mga pagsusulit.

Iginiit din ni Tham na gagawin nila ang lahat upang tulungan ang mga Filipino commuters at drivers.

PAG-ISSUE NG DEPARTMENT ORDER

Iginiit ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na maaaring mag-issue ang DOTr ng isang Department Order (DO) upang payagan ang mga ride-hailing app tulad ng Angkas at habal-habal na mag-operate tulad ng ginawa ng nakaraang administrasyon nang dumating ang Uber sa bansa noong 2015.

“We are asking for the issuance of a department order addressing two-wheel motor vehicles because it is needed to be done, how it was done for the [transportation network companies] and the [transport network vehicle services],” wika ng senador.

Sinabi naman ng DOTr na kailangan pa nila ng mara­ming oras ubang payagan ang mga motorcycle taxis na bumiyahe sa kalye.

“The issue at hand cannot be likened to that of Transport Network Vehicle Service (TNVS), as cited by some senators and congressmen. A DO should always be based on existing laws,” pahayag ng DOTr.

Pinaliwanag ng departamento na partikular na inuri ng Land Transportation and Traffic Codes na hindi for hire at hindi rin para sa public uti­lity ang mga motorsiklo.

“According to Republic Act 4136, passenger automobiles may be classified as either private or public (for hire), depending on its purpose. Thus, although TNVS units were initially classified as private vehicles, their transition to public transport only required a conversion to another classification. RA 4136 clearly does not allow motorcycles to be classified as for hire or for public utility, dagdag pa ng DOTr.

Iginiit ng ahensya na kinakailangan magkaroon ng isang batas na mag-aamyenda sa kasalukuyang RA 4136 upang mapayagang mag-operate ang mga motorcycle taxis.

Matatandaang nag-file ng Senate Bill No. 2173 si Recto na naglalayong payagang mag-operate ang mga motorcycles-for-hire sa bansa.

Parehong sinang-ayunan ni Recto at Sen. Grace Poe na ang kasalukuyang pagbabawal ng paggamit ng Angkas ay nagdudulot lamang ng mga iligal na aktibidad ng mga habal-habal na naglalagay naman sa alanganin ng kaligtasan ng mga commuters.

Sinabi rin ng mga opisyal ng DOTr na hinihintay pa nito ang resulta ng isang pag-aaral ng technical working group (TWG) patungkol sa mga kritikal na usapin na nakapalibot sa paggamit ng motorsiklo.

Pinaliwanag ng ahensya na ang TWG meetings ang hahawak sa mga uri ng motorsiklo na maaaring mag-operate bilang motorcycle taxi, insu­rance coverage para sa mga pasahero, standard riding gears, maximum speed ng Ang­kas bikes at marami pang iba.

NATIONAL PILOT TESTING

Inatasan naman ng Kongreso ang DOTr na magpatupad ng isang nationwide pilot run sa paggamit ng motorcycle taxis tulad ng Angkas sa kabila ng freeze order ng Supreme Court.

“Now that we have established that Angkas is safe, fast, affordable and is relied upon by thousands of Filipino commuters, the committee now comes up with a resolution urging the DOTr to immediately allow Angkas a pilot run nationwide,” wika ni Quezon City Rep. Winston Castelo.

Inatasan din ang ahensya sa ilalim ni Secretary Arthur Tugade na gumawa ng draft para sa implementasyon ng mga guidelines para sa operasyon at regulasyon ng Angkas.

Ilan sa mga lawmakers at resource persons na naggarantiya na epektibo at ligtas ang Angkas bilang isang uri ng pampublikong transportasyon ay sina Reps. Cristal Bagatsing ng Maynila, Arnolfo Teves Jr. ng Negros Oriental, at Angkas operations director David Medrana at spokesman George Royeca.

Sinabi naman ni Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo na walang masama kung gagawing ligal ng gobyerno ang paggamit ng mga motorcycle taxi upang solusyunan ang lumalang problema sa pampublikong transportasyon.

“They’re very prevalent in the provinces and they’ve existed for a long, long time already. I don’t see why they shouldn’t be legalized,” wika ni Romualdo na siya namang chairman ng House committee on good government and public accountability.

“Government would then be able to properly regulate them if they’re legalized,” dagdag pa niya.

National Slider Ticker Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo Department of Transportation (DOTr) Department Order (DO) House Bill (HB) 8959 Jonnalyn Cortez Kongreso Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Land Transportation Office (LTO) PINAS Secretary Arthur Tugade Senate President Pro-Tempore Ralph Recto Technical Working Group (TWG) Transport Network Vehicle Service (TNVS)

PITX, magdaragdag ng 20 bagong ruta

February 13, 2019 by Pinas News

DALAWAMPUNG ruta ang dinagdag upang mapaganda ang serbisyo ng PITX.

 

Ni: Jonnalyn Cortez

MARAMI ang natuwa sa pagbubukas ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na itinuturing na kauna-unahang landport sa Pilipinas. Ngunit kasabay ng pagdiriwang ng marami, meron ding mga nagrereklamo sa diumanong mabagal at matagal na serbisyo nito.

Kaya upang solusyunan ang reklamo ng mga commuter, nagdesisyon ang Department of Transportation (DOTr) and Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magtakda ng karagdagang 20 bagong ruta para sa public utility vehicles (PUV) upang maibsan na rin ang lumalalang trapiko.

Ayon sa nakasaad sa Memorandum Circular (MC) No. 2019-005, magkakaroon ang public utility buses (PUB) ng 10 bagong ruta habang ang mga UV Express naman ay madagdagan ng dalawang ruta. Ang Class 2 public utility jeepneys (PUJ) naman ay magkakaroon ng walong bagong ruta.

Mahigit na 600 PUV ang mabibigyan ng bagong prangkisa kasunod ng pagbubukas ng mga bagong ruta.

Ang mga nais mag-apply para rito ay kinakailangang may pondong P10 milyon para sa mga bus, P2.2 milyon para sa mga UV Express van at P2,000 naman para sa mga jeepney na siya namang i-multiply sa kabuuang bilang ng mga sasakyan sa bawat ruta.

Ang mga kasalakuyan o area-based operators naman ay kailangang bigyan ng preference dahil na rin sa kanilang pagsunod sa kanilang mga kwalipikasyon.

MAGIGING mas madali na ang pagbyahe ng mga communter dahil sa PITX.

 

MGA BAGONG RUTA NG PITX

Sumusunod at nakabase sa direktiba ng DOTr at ng LTFRB ang naturang MC noong isang taon upang magbukas ng mga bagong ruta ang PITX.

Para sa mga PUB, ang 10 mga bagong ruta ay sa Ternate, Alfonso/Mendez, Palapala, Dasmariñas, Silang, Cavite, Tagaytay City, Cavite City, Indang, Manggahan, General Trias, Lancaster New City at Nasugbu sa pamamagitan ng pagdaan sa Ternate.

Para naman sa mga UV Express van o Class 3 PUJ, ang dalawang nadagdag na ruta ay sa Alabang at Tanza.

Ang Class 2 PUJ naman ay may walong nadagdag na ruta sa mga sumusunod na lugar: Bayang Luma, Imus, Alabang, Tanza, Bicutan sa pamamagitan ng pagdaan sa East Service Road, Bicutan sa pamamagitan ng pagdaan sa West Service Road, Sucat sa pamamagitan ng pagdaan sa Sucat Avenue, Blumentritt at Bacoor.

Sinabi ng LTFRB na kinakailangang maisagawa ang pag-improve ng accessibility ng PITX matapos ng napakaraming reklamo na natanggap nito mula sa mga commuters.

HALOS 600 PUV ang mabibigyan ng bagong prangkisa kasunod ng pagbubukas ng 20 bagong ruta ng PITX.

 

MGA PWEDE SA BAGONG RUTA

Plano ng LTFRB na magbigay lamang ng prangkisa sa mga operators na kayang mag-provide ng mga sasakyan sa sumusunod sa guidelines na itinakda ng PUV modernization program ng gobyerno.

Sa ilalim ng modernization plan, papayagan lang ang mga PUV na may edad na hindi hihigit sa 15 taon, environment-friendly at may mga safety measures. Kinakailangan ding may Euro 4 engines o mas mataas pa ang mga sasakyan.

Ayon naman sa guidelines mula sa DOTr, ibibigay ang prangkisa sa mga bus na may single-deck, dalawang pinto, air-condition, CCTV, dashboard camera, libreng Wi-Fi at automatic fare collection system.

Para naman sa mga UV Express units, ang mga sumusunod lamang sa Omnibus Franchising Guidelines ang mabibigyan ng lisensya upang mag-operate sa mga nasabing bagong lugar.

Kinakailangan namang fit para sa urban travel, kayang magdala ng mahigit 22 pasahero, na pawang lahat ay nakaupo, at pwede rin ang mga nakatayo, ang mga Class 2 na sasakyan na bibiyahe sa mga bagong ruta. Ganito rin ang kinakailangan para sa mga Class 3 na sasakyan, ngunit bawal ang mga nakatayong pasahero dahil na rin sa mas malayo at matagal ang mga dadaanan at byahe nito.

INTERIM SERVICE 

Dahil sa hindi naman lahat ng operator ay may kakayanang sundin ang lahat ng nasa ilalim ng PUV modernization program, mayroon ding mga probisyon na nakasaad sa MC 2019-005 para sa isang Interim Service.

Sa ilalim nito, ang mga napiling aplikante ay kinakailangang may 2/3 ng kinakailangang bilang ng sasakyan 15 araw mula mabigay ang Notice of Selection.

May karagdagang pamantayan para sa mga PUB sa ilalim nito, tulad ng hindi dapat mas tatanda pa sa limang taon ang edad ng sasakyan, habang hindi naman dapat hihigit pa sa tatlong taon ang mga UV Express vans.

Ang mapipiling operator ay kinakailangang may 25 porsyento ng kinakailangang bilang ng sasakyan sa loob ng tatlong buwan pagkatapos mabigyan ng Notice of Selection. Kailangan naman ay 50 porsyento na ang bilang ng sasakyan na hawak nito sa loob ng anim na buwan at makumpleto na lahat ang bilang pagkatapos ng siyam na buwan.

Bunga ng masusing pag-aaral ng mga ahensya ng transportasyon ang MC 2019-005 upang solusyunan ang pangangailangan ng mga commuters na gumagamit ng PITX.

Alinsunod din ito sa kagustuhan ng administrasyon na magkaroon ng PUV modernization program upang makapag-provide ng ligtas at maasahang paraan ng transportasyon na hindi lamang nangangalaga sa mga commuters kundi maging sa kapaligiran.

Ang PITX ang kauna-unahang integrated at multi-modal terminal sa southwestern part ng Metro Manila. Nagsisilbi itong transfer point sa pagitan ng mga provincial buses ng Cavite at Batangas, maging ng mga transportasyong in-city mode. Nagsisilbi rin itong interconnectivity sa pagitan ng mga iba’t-ibang paraan at serbisyo ng transportasyon upang siguruhin ang mahusay at tuluy-tuloy na biyahe ng mga commuter.

“As the first integrated and multi-modal terminal in the southwestern part of Metro Manila, the PITX is a landmark project, a landport that feels and functions like an airport,” pagmamalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon nito.

Nagbukas ang PITX noong Nobyembre 2018. Bukod sa pagiging transportation bay ng mga bus, jeepney at UV Express, meron din itong commercial spaces at office buildings.

Pambansa Slider Ticker Alabang Batangas Bicutan Cavite Department of Transportation (DOTr) Imus Jonnalyn Cortez Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular (MC) Metro Manila Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) PINAS public utility buses (PUB) public utility jeepneys (PUJ) public utility vehicles (PUV) Tanza West Service Road Sucat

Mga commuter umalma sa pagtataas pasahe sa jeep, bus

November 5, 2018 by Pinas News

Ni: Maynard Delfin

MARIING tinututulan ng libu-libong commuter sa Metro Manila ang agarang pagpapatupad ng pagtaas ng pamasahe sa mga jeep at bus na orihinal na itinakda sa unang linggo ng Nobyembre.

Dahil dito, inaasahang maaantala ang dagdag singil sa pasahe habang dinidinig ang kanilang apela.

 Nagsumite ang ilang commuter ng isang motion for reconsideration upang mapatigil ang pagpapatupad ng bagong naaprubahang pasahe sa mga jeepney at mga bus sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.

Bagong pasanin sa mga mahihirap

Ayon sa isang petisyon na isinumite kamakailan ng dalawang concerned citizen na sina Arlis Acao at Rodolfo Javellana ng United Filipino Consumers and Commuters, malaking epekto ang pagtaas ng pasahe sa mga mahihirap.

Nakasaad sa kanilang petisyon na maigting nilang pinagdarasal, tinututulan, at ninanais na pigilan o huwag nang ipatupad ang pagtaas na ito para sa kapakanan ng mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.

Di napapanahong pagtaas ng pasahe

Isinaad nila na nakakakuha na ng magandang kita ang mga operator ng mga jeepney at bus higit sa minimum na sahod na P512 sa Metro Manila.

Binigyang diin ng nagpetisyon na di makatarungan sa milyon-milyong Pilipino na habang nakararanas ng paghihigpit ng sinturon sa kahirapan dulot ng inflation ay sasabayan pa ng pagtaas ng pamasahe.

Kamakailan inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P2 na dagdag-singil sa minimum fare ng jeepney sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon. Kasabay nito ang P1 taas-pasahe para sa minimum fare ng bus sa Metro Manila.

Panandaliang pagpapatigil 

Dahil sa mosyon na inihain, nangangahulugan ito na maaantala ang pagpapatupad ng pagtaas ng pasahe na orihinal na itinakda sa Nobyembre 5.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, isang hearing ang idadaos para pagdesisyunan ang petisyon.

Para kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, na may negatibong opinyon tungkol sa pagtaas pasahe sa jeep, siya ay nababahala sa pagtaas ng “mas mataas kaysa sa inaasahan” ng singil sa transportasyon na maaaring magdulot ng paglobo ng inflation sa mga darating na buwan batay sa mga data ng ilang economic managers.

Sumampa na ang inflation rate ng bansa sa average na 6.2 porsyento sa ikatlong bahagi ng 2018. Ito ay mas mataas kaysa sa binagong forecast ng 2018 na 4.8 hanggang 5.2 porsyento.

Aprubado ng LTFRB 

Sa isang order na pinalabas ng LTFRB noong Oktubre 18, sinang-ayunan ng ahensya ang petisyon ng mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan noong Setyembre 2017 na humihingi ng dalawang pisong dagdag singil sa minimum na pamasahe —na magiging P10 —bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ang LTFRB order na ito ay magiging epektibo pagkatapos ng 15 araw makaraan ang paglathala nito sa mga pahayagan. Una nang ipinag-utos ng LTFRB noong Hulyo ang pansamantalang pagtaas ang minimum fare sa P9.

Ang tatlong miyembro ng regulatory board ay pumirma at sumang-ayon sa order; si Lizada, na may kasalungat na opinyon sa karamihan ang di pumirma. 

Binasurang kahilingan ng mga drayber

Una nang hiniling ng mga jeepney driver sa LTFRB ang P2 dagdag pasahe para sa susunod na kilometro subalit tinanggihan ito ng board dahil sa “lack of factual and reasonable basis.”

Inaprubahan din ng LTFRB kamakailan ang P1 dagdag sa minimum na pamasahe ng bus sa Metro Manila bilang pagsang-ayon sa petisyon noong Pebrero 2018 ng mga bus operator ng SOLUBOA, PBOAP, at Stop, Inc.

Sa unang limang kilometro, ang pasahe sa mga bus na ordinaryo at air conditioned ay magiging P11 mula sa dating P10; wala nang pagtaas sa mga susunod na kilometro.

Maging ang mga provincial buses ay walang pagtaas pasahe sa minimum fare maliban sa P0.15 na dagdag sa mga susunod na kilometro.  Dahil dito, magkaroon ng kabuuang P1.55 pagtaas kada kilometro mula sa orihinal na P1.40. Inaasahan din sana na ipatutupad ito sa Nobyembre 5.

Pagtaas ng presyo ng gastusin sa transportasyon

 Di pa man tumataas ang pamasahe, walong porsyento na ang dagdag gastos sa transportasyon bunsod ng pabago-bagong presyo ng gasolina, diesel at iba pang mga produktong petrolyo. Ang mga ito ang tatlong pinakamabilis na tumaas sa consumer price index, kasunod sa mga inuming nakalalasing at tabako, pagkain, at di-alkohol na inumin.

Pinaniniwalaang ang pagpapatupad ng dagdag pasahe na inaprubahan ng LTFRB ay hindi lamang magtataas ng gastos sa pagsakay sa jeep at bus kundi magreresulta pa sa paglubha ng inflation na may direktang epekto sa presyo ng mga bilihin.

Bagaman ang transportasyon ay maliit na bahagi lamang sa consumer price basket, makakaapekto ito sa mga presyo ng pinamiling tingi o retail price ng mga pagkain at iba pang mga kalakal na kailangang gamitan ng transportasyon.

Ang sakop sa naaprubahang probisyonal na rate sa LTFRB order ay mga bus sa Metro Manila at mga lalawigan, kasama na rin ang mga jeepney sa NCR, Region 3 at Region 4.

Pambansa Slider Ticker CALABARZON Central Luzon Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) LTFRB Chairman Martin Delgra III Maynard Delfin Metro Manila Mga commuter umalma sa pagtataas pasahe sa jeep bus PBOAP PINAS SOLUBOA Stop Inc.

PUV modernization ipatutupad sa 2019  

October 30, 2018 by Pinas News

Inaasahang magiging ligtas, maginhawa at environment-friendly ang mga modernong sasakyan gamit ang Euro-4, solar o di ginagamitan ng kuryente na mga dyip at bus. 

Ni: Maynard Delfin

HINDI ipagpapaliban ng Department of Transportation (DOTr) ang napipintong public utility vehicle (PUV) modernization program ng ahensya sa Marso 2019.

Ito ay sa kabila ng alinlangan ng ilang kongresista at senador sa kahandaan ng DOtr na ipatupad ang planong ito para sa transportation sector na matagal na rin namang nabibinbin.

Nais ng DOTr na palitan ang mga lumang dyip at bus na bumabagtas sa mga pangunahing kalsada sa buong bansa para maging environment-friendly ang mga ito kahit maraming mga drayber at operator ang umaangal sa kamahalan ng proyektong ito.

Mariing sinabi ni Transport Secretary Arthur Tugade sa isang panayam na wala nang makakapigil sa pag rollout ng mga bagong sasakyan sa ilalim ng programa, sa itinakdang panahon.

Sinabi ito ni Tugade matapos lumabas sa hearing sa Senado ang maraming tanong at naipahayag din ng mga mambabatas ang kanilang mga alinlangan tungkol sa PUV modernization program. Tila minamadali ng DOTr at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang programa, saad nila.

ANG pangunahing layunin ng PUV Modernization Program ay maging ligtas ang mga commuter at makasunod ang lahat sa 1999 Clean Air Act.

 

Handa na nga ba?

 Ayon kay Senador Grace Poe, chair ng Senate transportation committee, tila hindi pa handa para sa phase out ng mga jeep ang pamahalaan dahil hindi pa malinaw ang mga panuntunan na dapat masunod ng lahat ng sektor na maapektuhan.

Aniya ang pangunahing layunin ng PUV modernization program ay maging ligtas ang mga commuter at makasunod ang lahat sa 1999 Clean Air Act. Ngunit, hindi rin maaaring ipagwalang bahala ang kapakanan ng mga driver at operator na mahaharap sa malaking gastusin para makasunod sa programa.

Tinanong ni Poe kung bakit minamadali ito ng DOTr kahit malaki ang posibilidad na magdulot ito ng kawalan ng kabuhayan sa libu-libong mga driver sa buong bansa.

AYON kay Transport Sec. Arthur Tugade, Malaking kaginhawahan para sa lahat ang inaasahan sa pagpapatupad ng Public Utility Modernization Program sa Marso 2019.  

 

Planong PUV modernization

Noong Hulyo 2017 inilunsad ng DOTr ang PUV modernization program na may pangunahing layunin na alisin sa lansangan ang mga jeepney, bus at UV Express van na may edad 15 taon pataas at palitan ang mga ito ng mas modernong sasakyan na aprubado ng pamahalaan at alinsunod sa Euro-4 emission standards.

Layunin ng programa na ang mga PUV ay gawing mas ligtas, maginhawa para sa mga commuter at environment-friendly. Kasabay din sa mga pagbabagong maaasahan sa pagsulong ng programa ang pagpapatupad ng Omnibus Franchising Guidelines (OFG).

Binabalangkas ng OFG ang mga bagong regulasyon para sa mga PUV franchise na naglalayong baguhin ang kanilang mga nakasanayang ginagawa na nakakapinsala sa kalikasan at mapabuti rin ang kanilang kapakanan sa bandang huli.

Sa bagong patakaran, ang mga local government units (LGUs) ay inaasahang bubuo ng local transport plan na may nakapaloob na traffic management measures, plano ng ruta base sa kasalukuyang road networks, at passenger demand.

Sa kasalukuyan, ang mga may PUV franchise ay nakikipag-ugnayan sa pagbalangkas ng mga route proposal para sa mga operator.

Dagdag pahirap sa mga mahihirap

Malakas na tinututulan ng iba’t ibang grupo ng mga driver at operator ng jeepney ang PUV modernization program. Tinawag nila itong isa na namang anti-poor program ng rehimeng Duterte dahil magbibigay ito ng panibagong mabigat na pasaning pinansiyal sa kanila.

Sa gitna ng sunod-sunod na na pagtaas ng presyo ng gasolina, nananawagan sila sa pamahalaan na maglaan ng sapat na pondo na maari nilang mautang upang makabili ng mga bagong sasakyan na nagkakahalaga sa ngayon ng P1.8 milyon bawat isa.

 DOtr handang tumulong

Ayon kay Assistant Transport Secretary Mark de Leon, ang ahensya ay may nakalaang pondo para makapagbigay sa mga jeepney driver ng kinakailangang suporta at subsidies upang matulungan sila sa transition period.

Ilan sa mga ito ay ang P5,000 subsidy sa gasolina sa ilalim ng ibinalik na Pantawid Pasada Program at P80,000 subsidy para sa pagbili ng mga bagong sasakyan.

Wala nang atrasan 

Ipinaliwanag ni De Leon na ang PUV modernization program na magsisimula sa Marso 2019 ay “isang timeline at hindi deadline.”

Ang opisyal na pahayag na ito ay reaksyon ng DOtr assistant secretary sa mga balitang ipagpapaliban ang pagpapatupad ng PUV modernization program.

Pinagdiinan ni De Leon na dahil ito ay timeline at hindi deadline, dapat asahan na ito ay matutuloy na at ang transition period na magsisimula sa Marso 2019 ay matatapos sa Hunyo 2020. Ito ay tatlong taon mula sa paglulunsad ng PUV modernization program at ang pagpirma ng OFG.

Sinigundahan ni De Leon ang pahayag ni Martin Legara, chairman ng LTRFB, na walang franchise ang mapapaso o makakansela kung ang mga operator at driver ay hindi agad makakasunod sa LTFRB memorandum circular sa Marso 2019.

“Walang mga sasakyang papalitan at mga prankisang kakanselahin. Ang pinag-uusapan lang po natin dito ay ang pagpapatatag ng mga unit na kasalukuyan na po nating ginagawa,” saad ni Legara.

Mga pagbabagong inaasahan

Alinsunod ang mga ito sa mga nakasaad sa Memorandum Circular 2018-006 o Guidelines for the Public Utility Vehicle Modernization Program’s Initial Implementation, at MC 2018-008 o Consolidation of Franchise Holders in Compliance with the OFG.

Batay sa LTFRB memorandum circular, ang mga kasalukuyang ruta at prankisa ay ibibigay sa ibang mga kooperatiba kung ang mga driver at operator ay hindi susunod sa mga patakaran ng programa.

Inaatasan ang mga franchise operator ayon sa mga memorandum circular na bumuo ng kooperatiba at magpatupad ng fleet management para mapabuti ang kanilang pamamasada sa mga lansangan.

Kinakailangan din ng mga franchise holders na palitan ang kanilang mga sasakyan ng bagong Euro-4, solar o sasakyang di ginagamitan ng kuryente sa loob ng isang taon pagkatapos ang paglabas ng mga circular sa Marso 2019.

Benepisyo sa mga pasahero

Maaasahang higit na maseseguro ang kaligtasan ng mga commuter sa ilalim ng PUV modernization program. Lalagyan ang mga bagong sasakyan ng GPS at CCTV upang masubaybayan ang mga driver at pasahero habang binabagtas ang mga lansangan sa ano mang oras.  Ipatutupad din ang mga limitasyon sa bilis ng pagpapatakbo ng mga sasakyan gamit ang speed limiters. May mga itatalaga ring safety officer sa kalsada.

Masusing papalawakin at pag-iibayuhin ng programa ang public transport network. Kasabay dito ang paglalagay ng mas madaling access para sa mga PWD, matatanda, bata at mga taong may limitadong paggalaw.

Kapakinabangan sa mga namamasada

Di lingid sa lahat na maraming mga jeepney driver ang tutol sa PUV modernization program. Subalit dapat ipaalam din na marami ring nakalaang benepisyo para sa kanila ang pagbabagong ito.  Isa sa pinakamahalaga rito at ang pagkakaroon nila ng tiyak na buwanang sahod at iba pang benepisyo sa ilalim ng programa.

Di na nila kailangang pumarada gaya ng dati sa gitna ng kalsada o kung saan-saan para lamang makapuno ng sasakyan at makipag-agawan sa kapwa drayber para sa mga pasahero para makaseguro sa kikitain sa araw-araw.

Mababawasan na rin ang oras ng kanilang pagtratrabaho at magkakaroon na sila ng pagkakataong makasama sa mga government-sponsored driving training program. Higit sa lahat, makakaasa silang mas madaling imaneho ang mga modernong PUVs.

Pambansa Slider Ticker Assistant Transport Secretary Mark de Leon Department of Transportation (DOTr) Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) local government units (LGUs) Maynard Delfin Omnibus Franchising Guidelines (OFG) Pantawid Pasada Program PINAS public utility vehicle (PUV) Transport Secretary Arthur Tugade

  • Page 1
  • Page 2
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.