TJ BUMANLAG
INIHAYAG ng Land Transportation Office sa Central Visayas na mas magiging mahigpit na sila sa pagpapatupad ng batas trapiko.
Ito ay kasunod ng mas mataas na bilang ng mga traffic violators sa nagdaang 2019 kumpara sa taong 2018.
Base sa tala ng LTO, umakyat 40,000 ang naging apprehension nitong 2019 na mas mataas noong 2018 na mayroon lamang 18,000 apprehension.
Sa kabilang banda, naisip naman ng LTO kung dumadami na talaga ang hindi sumusunod sa batas trapiko o talagang mahigpit na ang kanilang enforcement kaya mas maraming nahuhuli.
Isa naman sa pangunahing problema na kanilang tutukan ngayong taon ay ang mga lasing na drayber.
Magiging mahigpit din ang ahensiya sa mga rules and regulations tulad ng pagbabantay sa mga nagmamaneho ng naka-tsinelas, hindi pagsusuot ng helmet, mga underage drivers, mga sasakyang hindi rehistrado o paso na ang registration at mga driver na walang lisensya o paso na ang lisensya.