YNA MORTEL
HINDI nakakuha ng pwesto ang mga manlalaro ng team philippines sa katatapos lang na Bowling Women’s Singles event ng 30th SEA Games.
Nagkasya lang sa 8th, 13th, 18th at 19th place ang apat na manlalaro ng Pilipinas na sina Liza del Rosario, Alexis Sy, Bea Hernandez at Lara Posadas Wong.
Maganda ang nilaro ng Team Philippines sa unang set ng laban ngunit nahabol ito ng ibang koponan.
Itinanghal na bronze medalist ang pambato ng Singapore na si shayna ng, silver medalist naman si Tannya Roumimper, habang ang gold medalist ay si New Hui Fen ng Singapore.
Kabilang naman sa mga personalidad na sumaksi sa laro ay si Pinoy Bowling Legend Paeng Nepomuceno at Bong Co at si Senate President Tito Sotto.