EYESHA ENDAR
PINATIKIM na ni Lea Salonga ang maikling video clips ng theme song para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa bansa sa darating na Nobyembre.
Si Lea ang napiling aawit sa official theme song ng pinakamalaking international sports event.
Sa kaniyang social media account, nag-post ito ng maikling video clip ng SEA Games soundtrack na pinamagatang “We Win as One.”
Ang composer ng kanta ay ang national artist na si Ryan Cayabyab habang ang video ay sinulat ng writer/director na si Floy Quintos.
Inaasahan na magtatanghal sa opening ceremony si Lea kasama ang Fil-American singer na si Apl.De.Ap.