• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Lebron James

Heat ireretiro na ang jersey ni Dwyane Wade

January 21, 2020 by PINAS

 

 

EUGENE FLORES

 

IAANGAT na sa taas ng American Airlines Arena ang jersey ni Dwyane Wade matapos magretiro last season.

Nakatakda itong ganapin sa Pebrero 22 sa laban ng Heat kontra sa Cleveland Cavaliers.

Magkakaroon ng maikling programa sa halftime para sa pagreretiro ng numero ni Wade sa Heat. Ibig sabihin nito ay wala nang ibang pwede pang magsuot ng numero tres sa Miami at isa na si Wade sa itinuturing na “greatest to ever wear a Heat uniform.”

Mayroong tatlong kampyeonato si Wade at isang Finals MVP mula rito. Taong 2008 nang makuha niya ang unang titulo katuwang si NBA great Shaquille O’Neal at dalawang magkasunod naman (2012-2013) kasama sina LeBron James at Chris Bosh.

Halos ginugol nito ang 16 na NBA seasons kasama ang Heat kung kaya’t siya ang leader sa puntos, assists, laro, steals, shot made at shot taken ng Miami.

Naging 13-time NBA All-Star din si Wade at isang first ballot future Hall of Famer kung kaya’t nararapat lamang na iretiro ang kanyang numero.

Parte rin ng USA gold medalist team si Wade sa Olympics at marami pang ibang achievement sa kanyang makulay na karera.

Nauna nang nairetiro ng Miami ang jersey ni Bosh bagamat hindi na muling nakabalik sa basketball dahil sa pagkakaroon ng blood clot.

Slider Sports Ticker American Airlines Arena Chris Bosh Eugene Flores Lebron James

Longest NBA Commissioner Emeritus David Stern, pumanaw na

January 14, 2020 by PINAS

 

 

JAMES LUIS

 

KASABAY ng pagsalubong sa bagong taon ay ang pagluluksa din ng buong NBA community sa pumanaw na pinakamatagal na Commissioner Emeritus na si David Stern.

Pumanaw na sa edad na pitumpu’t-pito ang Commissioner sa unang araw ng bagong taon.

Buong buwan ng Disyembre nakipaglaban si Stern sa natamo nitong brain hemorrhage.

Nagpaabot naman ng pakikiramay sa pamilya ni Stern ang incumbent chief executive ng NBA na si Adam Silver na binalikan ang tatlumpung taong pagseserbisyo ni David sa liga.

Ilang beterano at kasalukuyang NBA stars din ang nagbigay pugay sa pumayapang commissioner tulad nina Michael Jordan, Bill Russel Magic Johnson, Shaquille O’neal, Steve Nash, Kobe Bryant, LeBron James, Stephen Curry, James Harden, Dwyane Wade at Dirk Nowitzki.

Slider Sports Ticker Dirk Nowitzki Dwyane Wade James Harden JAMES LUIS Lebron James Michael Jordan Stephen Curry

Manny Pacquiao kasama sa pinakamayayamang Sports Icon ng Forbes

January 6, 2020 by PINAS

Ni: Jonnalyn Cortez

 

MULING pinatunayan ni Manny Pacquiao na isa siya sa pinakamayayamang sports icons sa buong mundo. Napabilang ang Filipino boxing legend sa listahan ng 10 pangunahing pinakamayayamang atleta ng dekada ng international magazine na Forbes.

Nakapagtala ang People’s Champ ng $435 milyon na kita mula 2010 hanggang 2019, na naglagay sa kanya sa No. 8 spot sa listahan ng Forbes magazine. Sinasabing kalahati ng kanyang naipon ay nagmula sa laban nila ni Floyd Mayweather Jr. noong 2015.

Itinuturing na “Fight of the Century,” nakapag-uwi si Pacquiao ng $150 milyon mula sa kanilang labas sa kabila ng kanyang pagkatalo. Nakakakuha naman ng tig-iisang milyon ang eight-division world boxing champion mula sa kanyang mga laban kina Timothy Bradley, Jeff Horn at Adrien Broner.

Inaasahan namang mas malaki pa ang maiuuwi ni Pacquiao sa pagdepensa nito sa kasalukuyang hawak na titulo na World Boxing Association welterweight.

Sa kabilang dako, nakuha naman ni Mayweather ang top spot sa listahan ng Forbes dahil sa kanyang net worth na $915 milyon. Sa kabila ng kanyang pagreretiro, kumita ang boxing promoter ng $10 milyon sa kanyang exhibition match laban kay Tenshin Nasukawa noong 2018.

Sinundan naman ito ng mga football icons na sina Cristiano Ronaldo ($800 milyon) at Lionel Messi ($750 milyon), NBA star na si LeBron James ($680 milyon), tennis legend na si Roger Federer ($640 milyon), golf players na sina Tiger Woods ($615 milyon) at Phil Mickelson ($480 milyon), isa pang NBA star na si Kevin Durant ($425 milyon) at Formula 1 world champion Lewis Hamilton ($400 milyon).

 

Slider Sports Ticker Cristiano Ronaldo Floyd Mayweather Jr. Lebron James Lewis Hamilton Lionel Messi Manny Pacquiao Roger Federer Tiger Woods v World Boxing Association welterweight

LeBron James, ipinasilip ang bagong tayong court sa kanyang paaralan

August 26, 2019 by PINAS

 MELROSE MANUEL

 

ESPESYAL na ipinasilip ng NBA star na si LeBron James ang bagong basketball court na itinayo sa kaniyang sariling paaralan na ‘I Promise School.’

 

Sinamahan naman ang Lakers forward ng kaniyang mga kaibigan at former teammates sa St. Vincent-St. Mary High School sa pagbubukas ng multi-colored outdoor court.

Naglaro rin ang 4-time MVP kasama ang kaniyang high school buddies at ilang mag-aaral ng kaniyang paaralan.

Hindi naman naging madamot si James at nagpakitang Gilas pa ito sa pamamagitan ng isang dunk.

Ang I Promise School ay itinayo noong nakaraang July 30, 2018 sa hometown ni James sa Akron, Ohio at kasalukuyang nasa ikalawang academic year na.

Sa ngayon ay nasa 300 underprivileged students ang naka-enroll sa naturang paaralan mula Grade 3 to Grade 5.

Samantala, plano pa ng NBA Superstar na gumastos ng 1 million US dollar para magkaroon pa ng various upgrades sa I Promise School.

Slider Sports Ticker Gilas Lebron James Melrose Manuel NBA Superstar

Lebron James Jersey No. 23, ibibigay sa newly-traded na si Anthony Davis

July 8, 2019 by PINAS

SMNI NEWS

 

NAPAGDESISYUNAN ng NBA superstar na si LeBron James na ibigay sa newly-traded Lakers player na si Anthony Davis ang kaniyang Jersey No. 23 na ginamit nito sa katatapos na NBA Season.

Ito ang naging pahayag ng Lakers star na si James sa mga report.

Ang naturang jersey number ay ginamit ni Davis sa kanyang pitong taong pananatili sa New Orleans Pelicans.

Muli namang isusuot at ibabandera ni LeBron ang kaniyang Jersey Number 6 na ginamit nito noong nasa koponan pa siya ng Miami Heat.

Opisyal namang magiging parte ng Los Angeles Lakers si Anthony Davis kapag nagsimula na muli ang liga sa July 6.

Matatandaang na-trade si Anthony Davis ng Lakers sa dati nitong team na Pelicans at matapos din ang naging reworked deal sa Washington.

Slider Sports Ticker Anthony Davis Lebron James NBA Season

UNANG KAMPEONATO SA NBA NAKUHA NG TORONTO RAPTORS 

June 24, 2019 by PINAS

MARINGAL na nagbubunyi ang bansang tinaguriang “The Great White North” dahil nakuha ng Toronto Raptors ang kampeonato sa 73rd season ng National Basketball Association (2018–2019 NBA).

Kinikilala ang Toronto sa Ontario, Canada bilang “The Megacity” dahil ito ang isa sa pinakamalaking lungsod sa North America.
Mahusay ang ginawa ng Toronto, nang talunin ang defending champion na Golden State Warriors sa Game 6 ng championship series, 114-110.

Ito na ang unang kampeonato ng Raptors mula noong makakuha ito ng NBA franchise noong 1995.

Tinuldukan ng Toronto ang kampanya ng Warriors para sa ika-7 nitong kampeonato sa NBA. May 6 championships records ang warriors na nakamit noong 1947, 1956, 1975, 2015, 2017, 2018.

Kinilala bilang 2019 NBA Finals Most Valuable Player si Kawhi Leonard, ang kaniyang 2nd MVP sa professional basketball career; nagtala siya ng average na 28.5 points per game na may 43% shooting sa 2019 NBA Finals.

Unang nakamit ni Leonard ang Bill Russell Trophy noong 2014 nang siya ay nasa San Antonio Spurs, na tinalo noon ang Miami Heat na pinamunuan ni LeBron James.

Napabilang ang three-time NBA All-Star sa grupo ng mga players na nakakuha ng Russell Trophy sa dalawang magkaibang team, na katulad nina Kareem Abdul-Jabbar (Bucks at Lakers) at James (Cavs at Heat).

Si Leonard din ang ikaapat na player na pinangalanang Finals MVP sa kanyang unang season sa isang team, gaya nina Magic Johnson sa Lakers noong 1980; Moses Malone sa Philadelphia 76ers noong 1983; at Kevin Durant sa Warriors noong 2017.

Umiskor ng kabuuang 732 points si Leonard sa postseason, na ikatlong pinakamalaki sa kasaysayan ng NBA na sumusunod kina Michael Jordan (759 noong 1992) at James (748 noong 2018).

Ticker Bill Russell Trophy Buck Cavs Heat Kawhi Leonard Lakers Lebron James Michael Jordan Toronto Raptors

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.