Inaresto ang isang Dutch man matapos na matagpuang nagmamaneho na may dalang dalawang ninakaw na lamp posts na ipinatong sa ibabaw ng sasakyan nito.
Pinara ng pulis ang naturang drayber na nagbibiyahe patungong Lelystad mula sa Almere at natagpuang ito ay nagkasala ng maraming paglabag kabilang ang hindi tamang pagkarga ng ninanakaw na mga poste, ang hindi pagka-insured sa sasakyan, nawawalang APK o periodic motor vehicle test, pagmamaneho na lasing, at hindi pagbabayad ng gasolina nang imbestigahan ito.
Kasalukuyang nakadetina ang naturang drayber at kinumpiska ang sasakyan nito.