Ni: Vick Aquino Tanes
INihayag ng Department of Education (DepEd) na aabot sa 4,000 pampublikong paaralan sa Luzon at Mindanao na walang kuryente ang nakaranas na ngayon ng solar power at may Information and Communications Technology (ICT) packages pa.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, tinatayang nasa 600,000 mag-aaral mula sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) ang nakagagamit na ng computer laptop na mula sa solar energy.
Panibagong kaalaman ang matututunan ng mga mag-aaral sa teknolohiya kaya mainam ang pagkakaroon ng computers kasabay ng solar power system na makatutulong pa sa ekonomiya ng kuryente at bawas pa sa gastusin sa bayarin ng bawat paaralan.
Sinimulan ang programa upang matuto ang mga mag-aaral ng teknolohiya matapos ang matagumpay na paglulunsad ng computerization and solar power project sa Basilan, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Kaugnay nito, panibagong mag-aaral mula sa Bagong Bayan Elementary School sa El Nido, Palawan ang nabiyayaan ng proyekto ng DepEd at United Nations Development Programme (UNDP).
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng DepEd na palawakin ang kaalaman sa ICT upang maisulong ang kalidad ng edukasyon na kabilang sa target ng ahensya na madagdagan ang technical and vocational skills ng kabataan pagsapit ng 2030.
Paliwanag naman ni DepEd Undersecretary for Administration Alain Del B. Pascua, na ang karagdagang kaalaman sa teknolohiya ay magpapahusay sa kalidad ng edukasyon at nag-aalok ng malawak na posibilidad para sa kinabukasan ng mga kabataan.
“If used correctly, ICT will improve our teaching methods. It will create new learning opportunities and develop critical thinking, making our students more innovative not only in solving community problems but also in facing global challenges,” ayon pa kay Pascua.
Samantala, inihayag naman ni UNDP Programme Manager Caroline Belisario na nakikita niya ang programa na mayroong malaking oportunidad sa mga mag-aaral at sa komunidad.
Malaki ang maitutulong ng technology sa kinabukasan ng mga mag-aaral, bukod pa rito ang paggamit nila ng solar power na makakatulong pa sa pag-conserve ng enerhiya.
Bukod sa pamamahagi ng ICT packages, sinusuportahan din ng UNDP ang pagpapatupad ng DepEd ng mga public financial ma-nagement reforms at pagsasagawa ng diagnostic studies para sa development ng government and civil society partners.
Sang-ayon naman si DepEd ICT Services Director Abram Y. C. Abanil, na kailangang mapataas ang antas ng teknolohiya sa bansa para sa kaalaman ng kabataan na nasa 21st century.
Umaasa sila na mabibigyan ng mas malaking oportunidad ang lahat ng kabataan sa bansa sa pamamagitan ng teknolohiya.
“We hope this program will give equal opportunity for all students across the country. Technology will allow learners to access relevant knowledge. Our goal, though, is to improve ICT skills and application which are needed in various industries. With these global skills, our kids will become self-reliant and productive citizens,” paliwanag nito.
Dagdag pa nito, pumasok ang DepEd sa isang kasunduan sa pagitan ng UNDP Philippine Country Office na naglalayong makatulong sa pagpapaunlad ng ICT packages sa lahat ng public schools, kabilang na ang mga nasa GIDA areas.
DepEd: e-classrooms
Nais ng (DepEd) na mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga mag-aaral kaya naman pabor ang ahensya sa ipatutupad na internet connectivity sa bansa.
Ayon kay Undersecretary for Administration Alain Pascua, malaki ang maitutulong ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga kabataan.
“We are eyeing the implementation of the DepEd Internet Connectivity Program which will be first implemented in five pilot regions. We have allotted P1 billion fund for the said program and we’ll be trying all platforms and devices to deliver internet connectivity to schools such as broadband, satellite, etc”, paliwanag ni Usec Pascua.
Patuloy na isinusulong ng DepEd ang pagkakaroon ng “e-classrooms” sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa kapalit ng nakasana-yang traditional blackboards na magiging digital boards.
Layunin nito na maiangat ang kaalaman ng mga mag-aaral at maging ang mga guro at school heads sa pamamagitan ng Information Techno-logy (IT).
“Yung computers na idi-distribute, mayroon na yang nakapasok sa hard disk na offline version nung portal ng DepEd, may mga learning materials na rin po na naka-save doon. So kahit walang internet, mayroon na siyang resources kaagad na maa-access,” paliwanag ng DepEd.
Kahalagahan ng IT
Napapanahon na umano para matuto ang mga kabataan partikular na ang nasa liblib na lugar na malaman ang paggamit ng teknolohiya, ayon pa kay Briones.
“This will further sharpen their analytical capacities, help them in solving problems, and keep them up with the demands of the world outside—whether it is university studies or the world of work,” ayon pa rito.
Kasabay ng pagsuporta sa mga guro, mag-aaral, DepEd partners, civil society groups, at private sector na nakiisa sa layunin ng DepEd na mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga kabataan at ang pagtulong sa kanilang kinabukasan.