AGRICULTURE secretary William Dar
POL MONTIBON
Nais paigtingin ng bagong kalihim ng Department of Agriculture ang partnership ng mga private sectors at LGUs sa bawat rehiyon sa bansa para sa pagpapalago ng antas ng sektor ng pagsasaka at pangingisda sa bansa.
Sa ginanap na turn over ceremony sa pagitan ni dating Sec. Manny Piñol at bagong kalihim na si William Dar kamakailan, sinabi ng bagong agriculture secretary na magkakaroon ng massive communication campaign para sa partnership ng mga private sectors sa kagawaran ng agrikultura.
Sinabi ni Dar, sa pamamagitan ng pakikipagkaisa ng mga private sectors na siyang mga kapitalista at mayroong mga kagamitang pangteknolihiya ay madali ng madadala sa merkado ang mga produkto sa agrikultura gaya ng palay, isda, poultry at livestock.
Kaugnay nito, nais din ng bagong kalihim na kunin ang mga summa cum laude at magna cum luade graduates sa bawat unibersidad sa bansa para magamit ang kanilang talino sa agri sector.
Samantala, ipatutupad naman ni Dar ang one strike policy sa usapin ng kurapsyon.
CAPTION: