• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Tuesday - January 26, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

London

Facebook, du-doblehin ang opisina sa London

August 20, 2018 by Pinas News

FACEBOOK CEO Mark Zuckerberg kasama ang mga empleyado sa Menlo Park headquarters.

Ni:Kristine Joy Labadan

SINABI ng social networking company na Facebook na handa na itong higit na palawakin ang kanilang kumpanya sa tinatawag na Silicon Valley sa London kung saan nakatalaga ang maraming kilala sa industriya ng teknolihiya.

Magtatayo ang FB ng mga bagong gusali para sa napipintong pagbubukas nila ng trabaho para sa karagdagang anim na libong mga tauhan at manggagawa mula sa UK. Sa ngayon, wala pang kumpirmadong tiyak na bilang ang kumpanya kung ilang bagong trabaho ang kanilang bubuksan bagamat sinabi na nito na sa taong 2021 bubuksan ang mga gusali.

KASAYSAYAN NG FACEBOOK

Ang Facebook ay isa sa pinaka popular na social media site. Inilunsad noong Pebrero 4, 2004, ito ay naka-base sa Menlo Park, California. Sa labing-apat na taong pamamalagi nito, kinahumalingan na itong gamitin ng milyon-milyong tao sa buong mundo. At dahil sa sikat na sikat ito sa mga gumagamit nito maging bata man o matanda, sinabayan din ito ng pag-angkop ng mga kurikulum sa eskwelahan  sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa Facebook sa mga estudyante.

Itinatag ang Facebook nina Mark Zuckerberg at ng kanyang mga ka-eskuwela sa Harvard College na sina Eduardo Saverin, Andrew McCollum, Dustin Moskovitz, at Chris Hughes.

Noong bagong tatag ang Facebook, nilimitahan ng mga naglunsad nito ang hanay ng mga miyembro sa kapwa lamang nilang mga estudyante sa Harvard.

Di kalaunan pinalawak na ang paggamit ng FB sa mga mataas na institusyon ng kaalaman sa Boston, sa mga eskuwelahang parte ng Ivy League, at sa unibersidad ng Stanford. Dahan-dahang nagdagdag ng suporta ang Facebook sa iba’t-ibang unibersidad hanggang ito’y umabot sa mga estudyante sa high school. Nang sumapit ang taong 2006, ang kahit na sinong nasa labing-tatlong taong gulang ay pinapahintulutan ng Facebook na maging rehistradong gumagamit nito bagamat may ilang lokal na batas ang dapat isaalang-alang.

Sa planong pagpapalawak pa nito ng presence sa UK, sinabi ring sa pagtatapos ng 2018, ang bilang ng tauhan ng FB sa UK ay aabot na sa 2,300

486,183 ang karaniwang dami ng gumagamit ng Facebook bawat minuto gamit ang mobile phones.

ILANG BENEPISYO NG FACEBOOK

Ang Facebook ay maaaring magamit ng kahit sinuman na may aparatong may koneksyon sa Internet tulad ng mga computers, laptops, tablet computers, maski smartphones. Kailangan lang magrehistro at gumawa ng sariling profile na maguugnay sa marami pang gumagamit nitong social netwok site na ito.

Maliban sa mga nabanggit ay maaari ding magdagdag ng mga kaibigan na posible mong makapalitan ng mga mensahe, makapag-paskil ng iyong iniisip, makapag-bahagi ng mga larawan o bidyo at makatanggap ng notipikasyon sa iba pang gumagamit ng Facebook tungkol sa kanilang aktibidad.

Ilan sa mga pakikipagsapalaran sa negosyo ng Facebook ay naisakatuparan sa UK, kabilang ang Workplace, isang human resources tool at sa kabilang banda naman ay ang dibisyon ng Facebook sa London na tinatatrabaho ang virtual reality na Oculus headset.

Ang mga bagong opisina ay may kasamang 600,000 kuwadradong talampakan na espasyo sa King’s Cross na makakatabi ang higanteng search engine na Google. Ang Google ay nakatanggap rin ng permiso para sa isang metro kuwadradong talapampakan na espasyo ng opisina na nakalaan sa mga bago nitong £1bn headquarters sa UK.

Ayon sa isang panayam mula sa Digital secretary na si Jeremy Wright QC, ang pagpapalawak na isinasakatuparan ng Facebook ay isang “panibagong boto ng tiwala mula sa ekonomiya” at tutulungang mabantayan ang pagtataguyod ng “matataas na sahod at de-kalibreng mga trabaho para sa kinabukasan” ng UK.

Napapabalita ang Facebook na aktibong naghahanap ng mga personalidad na may talento sa larangan ng artipisyal na intelehente sa pagsisikap nitong makakuha ng mga lider sa London. Nitong nakaraang tag-init, ibinunyag ng kumpanya na nakuha nito ang panimulang AI na Bloomsbury na nagkakahalaga ng tumataginting na $30 milyon (£22 milyon).

OPISINA ng Facebook sa Kendall Square, Boston.

NANGUNGUNANG SOCIAL NETWORKING SITE

Ayon sa naging analitika ng comScore, Facebook ang nangungunang social networking site base sa buwanang mga natatanging mga gumagamit na nagpupunta sa site nito. Nalamangan nito ang pangunahin nitong katunggali na MySpace noong Abril ng taong 2008. Kasama pa sa ulat ng comScore ay ang 130 milyong taong naakit gumamit nito noong Mayo 2010.

Base naman sa ikatlong partido na analitiko ng tagapagtustos ng web na Alexa and SimilarWeb, ang Facebook ay nanguna sa buong mundo bilang may pinakamaraming social network na mambabasa sa Web na may 20 bilyong bisita kada buwan noong 2015.

Ang SimilarWeb, Quantcast, and Compete.com ay magkakapareho namang iniranggo ang website bilang ikalawa sa Amerika na pinakadinadayo. Ang website ang pinakasikat sa pag-a-upload ng mga larawan na sa kabuuan ay 50 bilyon.

Kung iisiping magwawakas din ang kasikatan ng Facebook sa masa ay marahil na matatagalan pa ito dahil ngayong taong 2018 ay umabot na sa 2.2 bilyong katao ang aktibong gumagamit nito kada buwan. Ang pagkakakilanlan ng Facebook ay nagresulta sa ilang kilalang media coverage para sa kumpanya kalakip ang matinik na pagsisiyasat patungkol sa seguridad nito sa mga impormasyong natatanggap nito gayundin ang saykolohiyang epekto nito sa mga gumagamit. Sa mga nakalipas na mga taon ay naharap ang kumpanya sa matinding pangangailangang masolusyunan ang pagdami ng mga pekeng balita, paninira, at ang pagpapahintulot ng paglalarawan sa karahasan sa plataporma nito na kaagad naman ding inagapan ng Facebook.

Sa kaliwa’t kanang mga pakana ng Facebook ay nagbigay ng kanyang saloobin ang managing director ng Northern Europe na si Steve Hatch: “Today’s news reflects our commitment to the UK and our desire to grow our business and the UK economy.”

Negosyo Slider Ticker Alexa Andrew McCollum Bloomsbury California Chris Hughes Dustin Moskovitz Eduardo Saverin Facebook FACEBOOK CEO Mark Zuckerberg Google Jeremy Wright QC London Menlo Park Northern Europe PINAS Silicon Valley teve Hatch UK UK economy

Kieran Behan, hindi papalumpo sa mga pagsubok

May 18, 2018 by Pinas News

Ni: Ana Paula A. Canua

Imbes na baseball at soccer na karaniwang nilalahukan ng mga batang kalalakihan, iba ang sports na nais pasukin ni Kieran Behan, ito ay ang gymnastics. Simula pa noon, buo na ang kanyang loob na ito na ang pangarap na kanyang nais simulan.

Para sa paslit na si Kieran, malinaw na sa kanya kung hanggang saan siya maaring dalhin ng tagumpay at husay. At upang marating ito gumugugol siya ng maraming oras para magsanay. Walang tigil sa pagsailalim sa routines si Kieiran upang mas mapalawak ang kanyang kakayahan, hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan.

Pagsubok sa batang atleta

Noong sampung taong gulang si Kieran ay nadiskubre ang lumalaking tumor sa kanyang binti. Pagkatapos ng operasyon ay ilang buwan na nakawheelchair ang batang atleta, sa puntong iyon hindi pa malinaw kung isangdaang porsyento na makakabalik siya sa dating lakas at husay.

Sumailalim sa therapy session si Kieran para manumbalik ang lakas ng kanyang binti at balanse sa pagtayo. Makalipas ang 15 buwan, sa unang pagkakataon muling tumapak sa gym si Kieran para magsanay ng paunti-unti.

Napuno muli ng saya at sigla si Kieran nang muling maipagpatuloy ang kanyang pangarap, ngunit tila hindi pa tapos ang kapalaran sa pagsubok sa kanya.

“Freak Accident”

Pagtungtong ng 12 taong gulang, sa kasagsagan ng kanyang training sa high bar, nangyari ang isang ‘freak accident’. Tumama ang likod ng kanyang ulo sa apparatus habang ginagawa ang routine. Nagdulot ito ng matinding damage sa kanyang utak na nakakaapekto sa kanyang pagbalanse at paggalaw.

Labis na kalungkutan at pagkabigo ang naramdaman ni Kieran dahil kahit simpleng pag-upo at paglingon ay hirap miyang magawa. Alintana ng pasilit na unti-unting nilumpo ng kanyang kondisyon ang kanyang pangarap.

Sa unti-unting pagsuko ni Kieran, hindi naman tumigil ang kanyang pamilya na gawin ang lahat ng paraan para muling manumbalik ang kakayahan ng kanilang anak. Sinailalim nila si Kieran sa maraming therapy sessions at tinutukan ang pagpapabuti sa kalusugan ng anak.

Mahirap mang tanggapin ang sinapit ng anak, ginawa ng kanyang magulang ang lahat para muling makalakad at mapagpatuloy ng anak ang kanyang buhay at pangarap.

Tumigil sa pagtatrabaho ang ina ni Kieran na si Bernie Behan upang ibuhos ang kanyang atensyon sa recovery ng anak.

“He kept telling the doctors, ‘I can walk — tell them, Mom, that I can walk, I’d go to the car park and cry my eyes out, then walk back and say: ‘Yes, Kieran, you can do this. We can do this. I believe you, son,’” kwento ni Bernie.  Dagdag niya wala pang mas sasakit pa sa makita ang anak na nagdudusa. Makalipas ng dalawang taon, namumbalik ang eye at hand coordination  ni Kieran, kinagulat naman ito ng mga doktor at binansagan siyang “miracle boy”.

Nagtuloy-tuloy ang recovery ni Kieran, habang patuloy din sa paghahanap ng pantus-tos ang kanyang magulang, pinagsabay-sabay nila ang pagbebenta ng pastries, candies at pagpasok sa car wash business para mairaos ang  recovery expenses ng anak.

Pagbalik sa pangarap

Matapos nakatanggap ng go signal sa doktor na maari na muli sumabak sa gym si Kieran, hindi na muli pinalampas ng atleta ang pagkakataon na muling magpahagis-hagis sa ere at liparin ang kanyang pangarap.

At noong 22 gulang siya,0 sumabak ito sa Gymnast World Cup at nag-uwi ng tatlong medalya, isa dito ang gintong medalya na kauna-unahang nasungkit ng Ireland sa larangan ng gymnastics.

Naging daan din ang kanyang pagkapanalo para marating ang London Summer Olympics.

“I felt like I was in a fairy tale when I got here, all I could think about was: ‘Is this a dream? Tell me this really happening.’ ”

Inuwi ni Kieran ang gold medal sa category ng vault, the horizontal bar at floor exercise. Hindi lamang ‘yon dahil walang kaalam-alam si Kieran na umukit siya sa kasaysayan ng sports ng gymnastics bilang pangalawang Irish gymnast na nakapasok sa Olympic games.

“To think years and years ago I was told ‘you’re never going to be able to walk again let alone do gymnastics’ to find out I’m going to the Olympic Games is something that dreams are made of. To come from all that and everything that’s happened with injuries I’ve got the luck of the Irish on my side most definitely.”

“I wouldn’t be here now if it wasn’t for my friends and family and coaches and everyone who has stuck around and been there supporting me,” pahayag ni Kieran na walang pagsidlan ang kasiyahan.

“I think it’s probably just in my blood, of this astounding resiliency. I was just born to do this.”

Slider Sports Ticker Ana Paula A. Canua Freak Accident Kieran Behan London Olympic games PINAS

Andre, Kobe at Jackie, reunited

May 10, 2018 by Pinas News

Ni: Melrose Manuel

Laking pasasalamat ni Jackie Forster at nagkaroon na ng katuparan ang kaniyang panalangin na muling makapiling ang mga anak na sina Andre at Kobe Paras.

Instrumento ang pagkakaroon ng regular na kumunikasyon sa viber at facebook ng mag-iina dahil naging tulay ito sa pangarap ni Jackie na makasama at makita ang kanyang mga anak.

Nangyari ang pagtatagpo ng mag-iina nitong kamakailan lang sa isang hotel sa Mandaluyong.

Malaking tulong ang pagtatawagan nila ni Kobe noong nakaraang Enero habang siya ay nasa London at ang ka-nyang anak naman ay nasa California.

Isang dekadang paghihiwalay

Magulo at masakit ang nangyaring paghihiwalay ng mag-iina, labindalawang taon na ang nakalilipas kung saan bata palang ang magkapatid noon.

“It was almost twelve years” sabi ni Jackie.

Si Andre ay 22 taong gulang na at 20 anyos naman si Kobe ngayon.

Masakit para kay Jackie ang nangyari at sinabi nito na “and even if the court said I was allowed to see them on weekends, hindi pa rin ipinapakita sa akin”.

Ayon sa post ni Jackie, naging miserable ito sa piling ni Benjie at isinalaysay nito ang kanyang naging buhay sa pi-ling ng dati niyang asawa.

“I’m starting off with these stories because it’s important to show where the deepest hurts and disrespect came from” ang paliwanag nito.

Positibo naman ito sa pagpapalabas ng kanyang saloobin na aniya matagal na raw nitong kinimkim dahil ayaw niyang lalong maguluhan at masaktan ang mga anak dahil musmos palang ang mga ito at hindi nila ka-yang intindihin ang mga pangyayari noon.

“After sharing these stories and they still don’t find it in their hearts to love me, then it will never happen. Anyhow, God bless your hearts and hoping those who have pain from their situations also find release” dagdag pa ng maganda pa ring si Jackie.

Sa paglaki ni Andre at Kobe

Malayo man sa kanilang biological mother naging maayos ang takbo ng buhay ng magkapatid.

Lumaking magalang, mabait, achiever at magandang halimbawa ang mga ito sa broken family dahil hindi sila naging rebelde sa mga magulang nila.

Parehong naglalaro ng basketball ang magkapatid ngunit mas pinagtuunan ni Kobe ang kanyang paglalaro at sa katunayan ay isa na siyang professional athlete. Dream come true ang naging achievements nito sa larangan ng basketball.

Kilala naman si Andre na isang Basketball player, mo-del, dancer at isang best actor.

The reconciliation

Naghilom ang sugat sa tamang panahon!

Napaaga ang Mother’s Day ng dating aktres matapos magkabatian sa kanyang dalawang anak.

Masaya at move on na ang lahat, hindi na mahalaga kung anong nakaraan at kapagsubukan sa kanilang pamilya dulot ng pagkahiwalay nilang mag-iina. Ang mahalaga magkakasama na sila ngayon.

Matagal naman umanong alam ni Benjie Paras ang pagkikita ng mag-inang si Kobe at Jackie dahil nagpaalam ito sa kanya.

Ayon kay Benjie, inaasa-han na niya ang araw na kaya nang makapag desisyun ng dalawa para sa sarili nila na hindi na kailangang pilitin pa ito.

“Alam ko naman yun, at least okay na, tapos na” dagdag ng aktor.

Sinabi naman ni Jackie sa kanyang post “No bashing please” at hiningi rin nito ang pagrespeto sa privacy ng ka-nyang mga anak.

Marami naman ang nag paabot ng pagbati kay Jac-kie mula sa mga kasabayan nito sa showbiz sa naganap na reconciliation nito sa ka-nyang mga anak.

Showbiz Slider Ticker Benjie Paras California Kobe Paras London Melrose Manuel Mother’s Day PINAS

Anne at Karylle absent sa kasal ni Billy

April 30, 2018 by Pinas News

 

Ni: Beth Gelena

WALA sa araw ng kasal nina Coleen Garcia at Billy Crawford ang dalawa niyang co-host sa It’s Showtime – Anne Curtis at Karylle. Sa Balesin Island Club, Polillo, Quezon ginanap ang kasal nina Coleen at Billy.

Given na kaya hindi naka-attend si Anne sa wedding ng dalawa dahil nasa London siya para sa kanyang London Marathon 2018 na gaganapin sa April 22. Tatakbo siya ng 42-kilometer kung saan parte ng tie-up niya sa UNICEF’s fundraising campaign para sa mga batang may kapansanan dito sa Pilipinas.

Si Karylle ay wala pang paliwanag kung bakit wala siya sa wedding. Nakita ang It’s Showtime host sa event ng Riverdale star na si Cole Sprouse sa SM Mall of Asia nu’ng araw ng kasal ni Billy.

Showbiz Slider Ticker Anne Curtis Balesin Island Club Billy Crawford Coleen Garcia It's Showtime Karylle London Polillo Quezon SM Mall of Asia UNICEF’s

Iza Calzado, super blessed

April 23, 2018 by Pinas News

Ni: Wally Peralta

WALA mang teleseryeng ginagawa ngayon ang Star Awards for Movies 2017 best actress na si Iza Calzado, para sa kanyang makatotohanan pagganap bilang isang babaeng nawawala sa sarili sa movie na “Bliss”, ay bisi-bisihan naman ang kanyang byuti sa dalawang pelikula.

Sa ngayon ay isang malaking hamon naman sa kakayahan ni Iza ang bagong pelikulang ginagawa may tentative working title na “Sa Pagitan ng Dito at Doon”. Isang lesbian na may anak ang role ni Iza, at intended for this coming Cinemalaya ang naturang bagong movie na ginagawa ni Iza.

“Kakaiba ito para sa akin,” ang bungad ni Iza.

“First time kong gaganap na isang tomboy na may anak pa, na kailangan gampanan ko ang pagiging isang ina ng aking anak pero may gusto rin akong gawin sa aking buhay bilang isang tibo.”

“Challenging siya, lalo pa, nga’t hindi pa naman ganun ka-open ang viewing public sa mga istoryang may temang tungkol sa katomboyon.”

“Hindi tulad sa gay role, na kahit paano ay tanggap na ng masa. Pero napakaganda kasi ng istorya at isang eye opener ito,” ang pagmamalaking say ni Iza sa bagong pelikulang ginagawa.

Bagong kalaban

Bukod sa pelikulang ito ay may isa pa rin daw na pelikulang gagawin si Iza bago matapos ang taon. Tsikang siya ang napipisil na bagong magiging kalaban ni Liza Soberano sa makontrobersyal na pelikulang ginagawa ni Liza sa kasalukuyan, ang “Darna”. Wala pa nga raw tukoy na karakter si Iza sa naturang Darna movie maliban sa magiging kalaban siya ni Darna.

“Ay, si Liza na lang ang tanungin nyo about that.”

“Ang movie na siguradong gagawin ko is our reunion ng co-stars as the Sanggres in ‘Encantadia’, sina Sunshine Dizon, Karylle and Diana Zubiri, to be directed by our Enca director, Mark Reyes.”

“Noon pa pinaplano ang reunion namin, but since magkakaiba na kami ng networks ngayon, sa pelikula lang kami pwedeng magkasama as of now.”

“Inaayos pa ang script and our schedules.”

Napurnada

Mukhang tutok muna ang byuti ni Iza sa mga pelikula. Halos isang taon na rin naman siyang hindi napapanood ng kanyang mga followers sa teleserye. Huling teleseryeng ginawa ni Iza ay yung sa kanilang tatlo nina Ian Veneracion at Bea Alonzo, ang “A Love To Last”. Ano kaya ang latest sa dapat sanang gagawin ni Iza sa Dos na teleserye kung saan ay makakasama diumano niya ang papainit na loveteam nina Joshua Garcia at Julia Barretto?

“Yes, but it’s currently on hold. So we don’t know kung kailan matutuloy.”

“Basta ako, waiting lang kung kalian kami magsisi-mula.”

Kalma lang sa pagpapakasal

Super bisi-bisihan nga si Iza ngayon sa kanyang showbiz career. Kailangan kasi na matapos niya lahat ang mga naunang commitments na natanguhan na niya this year. Eh kasi nga naman, ngayong taon din gagawin ang pagpapakasal ni Iza sa kanyang long time non-showbiz boyfriend na si Ben Wintle. Kung matatandaan ay last October 2017 nag-propose ng kasal si Ben kay Iza sa isang garden sa London, kung saan naroroon ang mga kamag-anak at magulang ni Ben.

“Baka end of this year! And it’s a ber month.  May tinatarget na kaming date, inaayos lang ang mga schedules!”

 “End of the year pa, kalma kalma pa.”

“But wala pang details. Basta we plan it to be a destination wedding, hindi ko lang pwede pang sabihin kung saang bansa.”

Double time

Saan naman kaya humuhugot ng lakas itong si Iza, bukod kasi sa napakarami niyang mga commitments na dapat tapusin ngayong taon ay abala rin siya sa pag-aayos ng kanyang kasal. May time na kailangan gawin ni Iza na pagsabayin ang shooting ng kanyang movie at saka ang pag-aayos ng kasal nila ni Ben na kasalukuyan naman na nasa kanyang hometown, sa London.

May ilang detalye na ka-yang pwedeng ibigay si Iza sa kanyang dream wedding?

“Ang isa sa makakasam sa entourage ng kasal ko ay ang aking friend na si Karylle.”

“Actually sa dami ng mga friends namin ni Ben, yan ang nagiging problema kung sinu-sino ang isasama sa entourage. I have a lot of friends kasi.”

“Ang isa pang mahirap sa wedding, ay yung paghahanda rin ng mga wedding list, yung mga listahan ng magiging bisita.”

“Para iwas sakit ng ulo, relax lang sa ngayon ang byuti ko. Ha ha ha ha”

“Meron naman kaming wedding planner na mag-aasikaso ng mga kaganapan sa aking kasal.”

Maghahatid sa altar

At dahil parehong pumanaw na ang kanyang ama at ina, sino naman kaya ang maghahatid kay Iza sa altar?

“I have a kuya na maghahatid sa akin.”

Learning process

First time para kay Iza na magpapakasal. Ngayon palang ay hinahanda na niya ang sarili sa panibagong buhay na tatahakin. At sa mga huling araw na ng kanyang pagiging isang single, ano kaya ang mga pumapasok ngayon sa kanyang kaisipan?

“Narealize ko this year nang ma-engage ako, na hindi pala ako ang klase ng babae na nag-iisip ng lahat ng detalye sa future dream wedding.”

“Hindi pala ako ganun.”

“Kahit pala noon iniisip ko dati kung anong party ang ibibigay ko before and after my wedding. Nagbago na rin.”

“Okey na sa akin kahit gaano kasimpleng party, basta kasama ko lang ang mga friends ko and family. Okey na sa akin yun’,” ang pagtatapos na sabi pa ni Iza.

Coming from yours truly and staffs ng Pinas, advance congratulation, Mr. and Mrs. Ben Wintle!

Showbiz Slider Ticker A Love To Last Bea Alonzo Ben Wintle Darna Diana Zubiri Encantadia Ian Veneracion Iza Calzado Joshua Garcia Julia Barretto Karylle London Mark Reyes PINAS Sunshine Dizon Wally Peralta

China’s New Silk Road: Matayog na Pangarap Lamang o Tunay na Daan sa Kapayapaan at Kasaganaan?

January 22, 2018 by Pinas News

Ni: Ernie Cifra

“The New Silk Road”, isang malawakang proyektong isinusulong ng Tsina, na tinawag na “pinaka-ambisyosong pangarap” na palawakin ang ekonomiya at impluwensiya ng nasabing bansa.  Tinagurian ito bilang isa sa pinaka-engrandeng plano sa kasaysayan ng daigdig.

 

Ano ang “New Silk Road”

Ang proyektong “Belt and Road Initiative” o BRI ay opisyal na inilunsad ni Xi Jinping, pangulo ng Tsina, noon pang taong 2013. Layunin nito na paigtingin ang ugnayang komersiyal at pagtutulungan ng mga bansa sa Asya, Timog Silangang Asya, Gitnang Silangan, at Europa.  Hangad ng BRI na magkaroon ng walang

humpay na palitan ng kapital, kalakal, at serbisyo sa Asia at iba pang panig ng mundo.                                                                                             

Ang salitang “Belt” ay ukol sa planong magkaroon ng ugnayan (link) sa ekonomiya at panlupang transportasyon mula Tsina hanggang Gitnang Asya at Europa.  Ang “Road” naman ay patungkol sa planong paigtingin ang kalakalang pandagat (maritime trade) na maglalapit sa iba’t ibang rehiyon ng mundo sa pamamagitan ng mga daungan ng Tsina.

Sa pamamagitan ng BRI, magkakaroon ng ugnayan ang mahigit sa 60% na populasyon ng buong mundo mula sa mahigit 60 bansa sa Asya, Europa, at hanggang sa kontinente ng Africa.

Tinatayang 30% ng Gross Domestic Product (GDP) ng buong mundo at 35% ng pandaigdigang kalakalan ang sasakupin ng BRI kapag ito ay naipatupad.

“Papalaganapin ng Tsina ang pakikipag-kaibigan at kooperasyon sa mga bansang sasama sa Belt and Road Initiative sa pamamagitan ng prinsipyo ng mapayapang pakikisalamuha. Handa kami na ibahagi ang kaalaman na magbubunga ng pag-unlad ng ibang mga bansa…ang aming hangad ay manalo tayong lahat (win-win) sa pamamagitan ng kooperasyon,” ani Jinping sa kanyang talumpati noong Mayo 2017 sa pagbubukas ng ‘The Belt and Road Forum for International Cooperation’ sa Beijing.

Dumalo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing forum kung saan niya inulit ang pagkilala sa Tsina bilang isang “global superpower”.

 

Pangulong Rodrigo Duterte at Xi Jinping, Pangulo ng Tsina 

Kung sasangguniin ang conceptual map ng Belt and Road Initiative na nilikha ng Hongkong Trade Development Council, limang oras lamang ang kailangan upang maabot ng tao’t mga kalakal ang mga bansang nasa Asya, Gitnang Silangan, at Europa.  Pinapakita ng mapa na hindi lamang daang panlupa ang konseptong nakapaloob sa BRI. Ang tinaguriang “Maritime Silk Road”

Ayon sa pamahalaan ng Tsina, may limang aspeto ng koordinasyon na kailangang gawin upang maging matagumpay ang BRI.  Kinakailangan daw ng mga sumusunod: Kultural na Ugnayan (Cultural Exchange), Koordinasyon sa Palisi (Policy Coordination), Koneksyon ng mga Pasilidad (Facilities Connectivity), Integrasyong Pampinansyal (Financial Integration), at Kalakalan at Pamumuhunan (Trade and Investment).

Ayon sa mga eksperto, sa pamamagitan ng imprastraktura kagaya ng pagtatayo ng mga daan para sa mga riles ng tren at iba pang sasakyan; paglalapat ng mga tulay; at iba pang pisikal na imprastraktura — maipaglalapit ng BRI ang mga iba’t ibang lahi ng tao, negosyo’t kalakalan, at kultura ng maraming bansa sa paraang hindi pa kailanman nakita sa kasaysayan.  Ang nakapalaking proyektong ito ay inaasahang magbunga ng libo-libong mga trabaho maliban pa sa mga bagong negosyong maaring umusbong upang suportahan ang BRI o di kaya’y magsilbi sa mga tao’t institusyong matatagpuan sa paglalatagan ng kilo-kilometrong “Belt” at ng “Road”.

Para sa bansang Tsina, ang BRI ay maghuhudyat ng kapayapaan sa iba’t ibang bansa. Sapagkat sa halip na sigalot ang mangyari, bubuti ang internasyunal na relasyon ng mga bansa sapagkat ang BRI ay susi sa pang-ekonomiyang kaunlaran ng lahat ng bansang lalahok rito.

 

 

Tren na nag-uugnay sa Yiwu, China at London, United Kingdom                                                                                       

Subalit hindi lamang isang plano o pangarap ang BRI. Sa katunayan, mayroon nang mga proyektong naisakatuparan at pinakikinabangan na ng libo-libong mga tao at negosyo.  Halimbawa rito ang mga pampasaherong tren na mula sa bayan ng Yiwu sa Tsina na umaabot sa siyudad ng London sa Ingglatera. Ang tren na ito ay naglalakbay ng 12,000 kilometro at literal na pinaglapit ang Tsina na nasa Asya at ang London na nasa Europa.  Sa ngayon, may 15 siyudad sa Europa na ang may direktang koneksyon sa Tsina sa pamamagitan ng mga tren at iba pang uri ng transportasyon.

 

Bakit Mahalaga sa Pilipinas ang New Silk Road?

Pero may pakinabang ba ang Pilipinas sa BRI?

Ayon kay George Siy, isang director ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry (FCCCII), ang proyektong ito ay nakatuon sa malakihang imprastrakturang na magdudulot ng benepisyo sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Siy, maliban sa mga investments at pautang (loans) na manggagaling sa Tsina, makikinabang ang Pilipinas sa pagdagsa na mga turista. Bilang halimbawa, sinabi ni Siy na may 350,000 turista na pumasok sa Pilipinas noong 2015, at 650,000 noong nakaraang taon, at maaring umabot ng isang milyon ang pumasyal sa bansa ngayong 2018.  Inaasahang lalakas ang turismo at iba pang mga negosyo’t industriya kung magkakaroon ng imprastrakturang maglalapit sa mga bansa ng Tsina, Timog Silangang Asya, Gitnang Silangan, at Europa.

Sa kasalukuyan, may 13 kasunduan na ang pamahalaan ng Tsina at Pilipinas na aabot sa US$24 bilyon (PhP 1.16 Trilyon) halaga ng negosyo’t kalakalan.

Sa isang pahayag na inilabas ng Hongkong and Shanghai Banking Corporation (HSBC), sinabi nito na, “…(ang Tsina) ay isang ‘superpower’ ng ika-21 siglo na may pinakamalaking reserba ng foreign currency na umaabot sa US$3.2 Trilyon. Sa pamamagitan ng ‘Belt and Road Initiative’, magkakaroon ng mga oportunidad ang Pilipinas para paunlarin ang kanyang sariling imprastraktura, kalakalan sa ibang bansa, turismo, at paramihin ang mga trabaho habang nilalabanan ang kahirapan at pinaghuhusay ang serbisyo sa mamamayan.”

Isang konkretong epekto ng BRI ay ang lagdaang naganap sa gitna ng pamahalaang Tsina at Pilipinas para sa pag-aaral (feasibility studies) ukol sa pagsasagawa ng “Panay-Guimaras-Negros Bridges Project” at ang “Davao City Expressway Project”. Tinatayang P8 Trilyon ang gugugulin upang pondohan ang iba pang mga proyektong kaugnay ng tinaguriang “Golden Age of Infrastructure” sa Pilipinas.

 

Silk Road sa Lumang Kasaysayan

Ang terminong “Silk Road” ay unang ginamit patungkol sa panlupa at pandagat na mga ruta (routes) na nag-uugnay sa Asya, Gitnang Silangan, Europa, at Africa magmula pa noong 475 BCE kung saan inilatag ang mga daang pang-kalakalan sa ilalim ng pamamahala ng Imperyo ng Persia (Persia, sinaunang bansa na sa pangkalakuyan ay ang bansang Iran).  Pinahaba pa ang mga rutang ito sa panahon ng paglakas ng Imperyo ng Gresya sa ilalim ni Alexander the Great na naglakbay at nanakop sa maraming bansa hanggang sa Gitnang Asya.  Malaking bahagi ng naturang ‘Silk Road’ ay matatagpuan sa mga lupain ng Tsina.

Maliban sa kalakalan ng ‘silk’ o sutla, naging tanyag din ang Silk Road sa kalakalan ng iba’t ibang uri ng kabayo, na noong unang panahon, ay ang pinakamahusay na gamit sa transportasyon hindi lamang sa kalakalan, kundi sa pakikidigma.

Ang Silk Road din ay nasa sentro ng paglaganap ng relihiyong Islam, Budismo, at Kristiyanismo kaalinsabay ng paglaganap ng kalakalan sa buong heograpiyang napasakop dito mula pa noong unang panahon.

Sinasabing kabahagi sa Silk Road ang Mindanao, lalo na ang Sulu at Tawi-Tawi, kung kaya’t lumaganap ang Islam sa katimugan ng Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol noong 1521.  Ayon sa mga mananaliksik, kabahagi rin ng “Maritime Silk Road” ang tinatawag na “Manila-Acapulco Galleon Trade” na naganap mula 1565 hanggang 1815. Sa katunayan, ang mga ‘galleon’ o barkong Espanyol mula sa Manila ay tinaguriang ‘La Nao Dela China’ (The China Ship) sa Bagong Espanya dahil karaniwang laman nito ay mga kalakal mula sa Tsina.  Ang Bagong Espanya (New Spain) ay mga kolonya ng Espanya sa bansang Mexico at mga karatig nito.

 

Abangan ang Susunod na Kabanata

Maaaring napakatayog na pangarap at maraming taon ang gugugulin upang maisakatuparan ang Belt and Road Initiative. Sa kabilang banda, may mga proyektong natapos na at pinakikinabangan na ng Tsina at ibang mga bansa kagaya na lamang ng “Yiwu-London Train Network”.

May nagsasabing magiging suliranin ang mga isyu ng “right of way” at paghahanap ng mga “local partners” upang gawin ang iba’t ibang proyektong pang-imprastratura sa loob ng Pilipinas kung gagamit ito ng pinansyal na capital mula sa Tsina.

Subalit sa laki ng potensyal ng Belt and Road Initiative na magdulot ng kapayapaan at kasaganaan sa maraming bansa, lahat ay nag-aabang sa susunod na kabanata at sa mas kongkretong kaganapan kagaya ng paglagda ng mga kontrata at aktuwal na pagdami ng mga negosyo’t trabaho sa ruta nito mula sa Tsina hanggang sa Pilipinas at iba pang bansang umaasa sa pangako ng pag-unlad.

Negosyo Slider Ticker Africa BRI China China’s New Silk Road Davao City Expressway Project Europa FCCCII Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry GDP George Siy Golden Age of Infrastructure Gross Domestic Product Hongkong and Shanghai Banking Corporation Hongkong Trade Development Council HSBC La Nao Dela China London Mindanao Panay-Guimaras-Negros Bridges Project Pang. Xi Jinping Pangulong Rodrigo Duterte Pilipinas right of way Tawi-Tawi United Kingdom Yiwu Yiwu-London Train Network

  • Page 1
  • Page 2
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.