JHOMEL SANTOS
KINUMPIRMA ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ulat ng AFP Western Mindanao Command na may pumasok na Chinese warships sa teritoryo ng Pilipinas nang walang abiso.
Ayon kay Lorenzana, tanging ang Chinese lang ang tumatangging sumunod sa internationally accepted norms sa pamamagitan ng pagbabaliwa rito.
Ani Lorenzana, lahat ng warships mula sa ibang bansa ay nagpapaalam sa kanila tuwing dadaan maliban sa China.
Patutsada pa ng Defense Sec. na tila pag-aari ng mga ito ang Sibutu at Balabac Strait.
Nauna nang nangako si Chinese Ambassador Zhao Jianhua na ipaaalam muna sa gobyerno kung pupunta ang mga Chinese vessel sa teritoryo ng Pilipinas.
Matatandaang naglabas ang AFP Western Mindanao Command ng larawan ng limang Chinese warships na namataan sa karagatan ng Tawi-Tawi noong Hulyo at nito lamang buwan.
Dumaan aniya ito sa Philippine territorial waters na walang permiso mula sa pamahalaan.