• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Louie C. Montemar

Mga Propesyonal na “Tambay”

February 27, 2020 by Pinas News

 

Louie C. Montemar

 

HANGGANG hindi malinaw kung saan natin nais dalhin ang ating ekonomiya — kung anong mga sektor at industriya ang ating unang bubuhayin o tunay na bibigyang-diin at kung bakit — paano natin tunay na maililinaw para sa ating sistemang pang-edukasyon kung anong klaseng mga magsisipagtapos (at kung ilan) ang ating kinakailangang hubugin at mapatapos?

May dalawang dekada na nang una kong marinig ang katagang “manufacturing workers for the world.”  Wika ng isang maikling sanaysay sa pag-unlad na nilimbag ng Education Forum (EF) noon pang 1990s, tila lumilikha lamang ang ating mga paaralan ng mga manggagawa para sa pangangailangan ng ibang bansa at hindi para sa ating pangmatagalang pag-unlad.

Ayon sa EF, kung susuriin, wala naman talagang “job mismatch.” Ito iyong katagang pinapangalan sa pagkakaroon daw natin ng napakaraming nagsipagtapos—college graduate pa nga ang iba—na wala namang makuhang trabaho sa ating bansa.  Mas tumindi pa raw ito ngayong maraming trabaho na naghihintay, subalit wala namang babagay na mga nagsipagtapos para sa mga nasabing hanapbuhay.

Job mismatch daw, para iba.  Para naman sa EF at ibang manunuri, kung tutuusin, hindi raw ito job mismatch. Bakit? Kapag tinignan daw ito sa konteksto ng promosyon ng pangingibang bayan o OFW work ng pamahalaan natin mismo, lilinaw ang tila wala sa ayos na pagkiling ng ating mga naging pambansang pamumuno sa mga pangangailangan ng global na ekonomiya, kahit pa laban sa mismong interes ng ating mga kababayan.

Sino ba naman kasi ang tunay na may nais mangibang bayan pa at iwanan ang kanilang pamilya?  Sinong propesyunal ba ang nais na sa ibang bansa pa maghanapbuhay upang matiyak lamang na nagagamit nila ang kanilang pinag-aralan?

At sa malas, hindi lahat sa kanila nagagamit ang kanilang pinag-aralan kahit higit na mas mataas ang kanilang sinasahod. Nandiyan ang inhinyero na tumatanggap ng trabaho bilang construction supervisor, ang doktor na kumuha ng nursing upang makapasok sa ospital sa Amerika o sa ibang bansa sa kanluran; ang inhinyero na nag ooperate ng forklift sa isang giant supermarket sa ibang bansa, at maraming pang nakalulungkot na halimbawa. Huwag na natin isalaysay pa ang di mabilang na guro na nagtatrabaho bilang domestic worker sa Hong Kong, Singapore at iba pang maalwang kapitbahay natin sa Asya.

Ito ang tunay na nangyayari.  Napakaganda nga ng literacy rate ng ating bansa. Isa sa pinakamataas sa mundo.  Marunong magbasa at magsulat ang Filipino.  Sapat ang ating literasiya upang maunawaan ang utos ng isang amo, subalit hindi sapat upang maging entrepreneur na nagtutulak ng inobasyon.  Ayos lamang na walang sapat na trabaho sa bansa dahil maitutulak nito ang mas marami na lumikas at maghanapbuhay sa labas.  Kapalit nito ang limpak-limpak na dolyar para ma-sustain ang lokal na ekonomiya.

Halimbawa, ayon nga sa isang pag-aaral na aking ginagawa sa ngayon kasama ang ilang pang researchers sa kaso ng isang isla sa Visayas (hindi ko na tutukuyin kung ano) kung saan walang State College at University (SCU) ngunit may tatlong pribadong pamantasan, labis-labis ang nagtapos sa criminology, nursing, at maritime studies sa naturang isla subalit wala naman silang makuhang lokal na hanapbuhay na akma sa kanilang pinag-aralang kurso.  Criminology ang isa sa tatlong pinakasikat na kurso sa nasabing isla subalit napakababa ng tala ng mga krimen sa nasabing isla.  Isa pa sa tatlong pinakasikat ang Nursing subalit wala halos ospital at medical clinics sa lugar.  Edukasyon ang ikatlong sikat na kurso, pero puno na ang mga pwesto sa lokal na public schools.

Ang kinababagsakan ng mga nakapag-aral? Ang maging mga “propesyunal na tambay” wika nga ng isang nakapanayam namin sa nasabing pag-aaral.  O maging “workers (o maids) for the world.”

Ano ang dapat gawin?  Unti-unting magpasulpot ng mga hanapbuhay na akma sa kasanayan ng ating mga mamamayan o pangangailangan ng ating bansa.  Linawin ang oryentasyon ng ating ekonomiya.  Itigil na natin ang pangangarap na mas mainam ang lumabas ng bansa dahil ang totoo, para sa marami, ang naturang pangarap ay nagiging isang bangungot.  Gising, bangon, “workers of/for the world”!

Ticker Louie C. Montemar

Hinggil sa Presyo ng Kuryente

February 11, 2020 by PINAS

 

Louie C. Montemar

MAY tinutukoy na limang pinakamalalaking dahilan kung bakit napakamahal ng presyo ng kuryente sa Pilipinas o kung bakit isa ito sa pinakamahal sa buong mundo.

Una, limitado ang suplay ng fossil fuel.  Halimbawa, nakakakuha tayo ng 20,000 barrel ng langis bawat araw mula sa lokal na suplay, subalit kumukonsumo tayo ng 310,000 barrel bawat araw—kapos ng 290,000 barrel. Kailangan natin kung gayon na umangkat ng karagdagang langis maliban pa sa uling at gasolina. Malinaw na nagpapataas ito ng halaga ng enerhiya.

Ikalawa, mayroon tayong tinatawag na Feed-in Tariff (FIT). Upang simulang mabawasan sana ang paggamit natin ng fossil fuels, nilikha ng dating administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino ang FIT upang hikayatin at pondohan ang pagpapausbong ng alternatibong enerhiya o green energy. Ang taripang ito ay ipinapasa sa mga mamimili. Sa ngayon, imbis na makagaan, pabigat pa ito sa ating mga konsyumer.

Ikatlo ang systems loss. Ito ang pagkawala ng kuryente o pagkasayang nito habang pinapadala at pinamamahagi mula sa mga mapagkukunan hanggang sa mga gumagamit ng pagtatapos. Sa Pilipinas, ang average ay halos 10.29%, bahagyang mas mababa kaysa sa average ng Asyano na 11.52%. Ang mga pagkalugi ng system ay isinalin sa dagdag na gastos para sa mga kagamitan sa pamamahagi, na pagkatapos ay ipinasa sa mga mamimili. Sa kabutihang palad, ang gobyerno ay nagtatakda ng isang cap para rito sa 8.5%.

Mabigat na buwis sa industriya ng enerhiya sa bansa. Itinakda ng gobyerno ang mga sumusunod na buwis at iba’t ibang singil, na ipinapasa sa mga mamimili: Universal Charge, Lokal na Franchise Tax, Missionary Electrification Charge, Environmental Charge, Value-Added Tax, Indigenous Fuel Royalties, Imported Fuel Duties, Real Property Tax, at iba pa.

Bukod pa sa mga nabanggit na, marami pang kaganapan at salik na tumutulak pataas o humihila pababa at nagbibigay kahulugan sa presyo ng kuryente.  Halimbawa na lamang, ang Consumer Price Index o CPI.

Ang CPI ay isang sukat ng average na presyo ng mga bilihin at serbisyo para sa mga mamimili, tulad ng transportasyon, pagkain, edukasyon, at medisina. Ito ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagkuha ng mga pagbabago sa presyo para sa bawat kalakal at pag-average ng mga ito. Ang CPI ay isa sa mga madalas na ginagamit na istatistika upang tukuyin ang panahon ng inflation.

Kung susuriin ang CPI ng Pilipinas mula 2012 hanggang 2019, lumalabas na ang pangkalahatang presyo ng iba pang mga bilihin ay tumaas ng 20 porsyento habang ang presyo ng kuryente ng Meralco ay bumaba pa nga ng 10 porsyento.  Nangangahulugan ito na, sa mga nakaraang taon, ang mga rate ng kuryente ng Meralco ay nanatiling mas mababa kahit na ang mga presyo ng iba pang mga kalakal ay tumaas.

Tila kakatwa ito, ngunit pwede pa ngang ituring na kapuri-puri sa kabila ng maraming pagpuna na nababato sa Meralco bilang ang pinakakilalang maniningil ng mga bayad sa kuryente.

Kung nais natin na tunay na bumaba pa ang presyo ng enerhiya sa bansa, tignan din natin ang iba pang salik na nagpapataas sa mga presyo ng kuryente at kilalanin din naman ang mga tumutulong sa pagpapababa ng presyo nito. #

Ticker Feed-in Tariff (FIT) Louie C. Montemar

Kumpas sa Taas

January 28, 2020 by PINAS

 

Louie C. Montemar

 

MAY ilang buwan na ring inaabisuhan ng PHIVOLCS na maghanda o kaya ay lumikas na ang mga naninirahan sa mga lugar na malapit sa bunganga ng bulkang Taal.  Hindi naman nagkulang ang Phivolcs —na isa lamang sa mga ahensiya sa ilalim ng Department of Science and Technology—sa pagbibigay ng babala at mahalagang kaalaman, lalo na para sa mga local government units (LGUs).

Makinig po sana tayo. Maaring maging mas malala pa ang sitwasyon natin bago ito bumuti. Posibleng pumutok nang napakatindi ang Taal at walang makatitiyak kung alin-aling lugar ang pinakamaaapektuhan at kung kailan.

Hindi po ako nananakot.  Ibinabahagi ko lamang sa Tagalog at karaniwang salita ang mga iniuulat ng mga eksperto sa Ingles.

Maghanda po tayong lahat. Wala po talaga sa kapangyarihan ng sinoman, lalo’t nag-iisa, ang labanan ang kalikasan. Gawin nating lahat ang kaya natin.

Ang mahalaga, makinig tayo sa abiso ng mga nakapag-aral sa kilos ng bulkan. Ang mga sapilitang pinalikas na ay di na dapat pang umasang basta makababalik sa kanilang dating lugar. Diretsuhan na: Malamang, wala na po kayong babalikan; malupit po ang katotohanan.

Unang-una na, hindi naman po dapat pagbahayan ang mga lugar na pinanggalingan ninyo. Natulog lamang si Taal. Maiksi lamang talaga ang alaala nating mga tao, at mahilig pa tayong sumugal sa buhay. Ang tanong, paano ngayong gising na muli si Taal?

Kaya nga sana nariyan ang pambansang pamahalaan. Hindi ito lokal na usapin lamang. Mabubura nga ang ilang bayan (mabubura posisyon mo Mayor, Oo!), kung sakaling pumutok nang matindi ang Taal. Hindi gagalangin ng bulkan ang mga hurisdiksyon ng tao.

Nangyari na ang ganito noon, subalit parang hindi tayo natuto. Ayun, may nagtatayo pa nga ng mga condo malapit sa bunganga ng bulkan. Hindi ba?

Anong magagawa ni Mayor o Gobernador ngayon?  Tanong ng marami.  Subalit ang mas mahalagang tanong: Nasaan ang pamumunong pambansa? Nasaan ang plano para sa mga napwersang lumikas? Nasaan ang plano para sa mga mabuburang bayan? Nasaan ang pangmatagalang plano para sa mga mamamayan ng mga bayang malulusaw?

Mas matindi pa nga ito sa Marawi. Dito, walang tunay na babalikan ang marami.

Hindi po sasapat ang mga local calamity funds ng LGUs.  Ayon sa isang mungkahi at pagtatantiya mula sa kinatawan ng Albay na si Joey Salceda, kailangan nga raw ng mga 100 bilyong piso para ayusin ang mga lugar na tatamaan ng sakuna.  Sanay sina Congressman Salceda sa usaping ito sa karanasan nila sa Mayon.

Iyon nga lamang, sa buong taon ng 2020, wala pa sa 20 bilyong budget ang nakalaan para sa mga pambansang sakuna na pondo ng National Disaster Management and Risk Reduction Council.  Mas kailangan po ngayon ang pambansang liderato.

Kailangang ilikas ang higit kalahating milyong tao at matiyak ang kanilang pagpapanibagong buhay sa ibang lugar. Hindi sasapat ang kanya-kanya at kahit pa nga ang mahusay na lideratong lokal gaya ng pinamamalas ng mga apektadong LGUs sa ngayon gaya ng Batangas.

Kailangan higit sa lahat ng kumpas sa taas!

 

Ticker Louie C. Montemar PHIVOLCS

Mga Prayoridad sa Budget 2020: Katanggap-tanggap?

January 22, 2020 by PINAS

 

Louie C. Montemar



KUNG kapos na kapos na ang badyet ng isang pamilya, ano kaya ang uunahin ng mga magulang na pagkagastahan para mabuhay ang pamilya?  Anu-ano nga ba ang prayoridad ng pamilyang Filipino?

Bilang halimbawa, ayon sa mga datos mula sa pamahalaan, unang-una sa listahan ng pinagkakagastusan ng isang pamilyang Filipino ang pagkain at mga inuming di-nakalalasing.  Ikalawa ang “Samu’t saring mga bilihin at serbisyo,” at ikatlo ang “Pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang panggatong.”  Pang-apat naman ang transportasyon at ikalima ang komunikasyon.  Malinaw naman marahil kung bakit ang mga ito ang nagiging prayoridad—ang pangangailangang mabuhay at kagyat na kabuhayan ang punto.

Sa usaping pambansa naman, gaya ng 4.1 trilyong pambansang badyet ng Pilipinas sa kasalukuyang taon, mas komplikado ang pagsusuri at pag-unawang kinakailangan para mabigyang dahilan ang mga prayoridad sa badyet.

Halimbawa na lamang, kung hihimayin ang itong 4.1 trilyong piso, maraming tanong na maibabato hinggil sa mga prayoridad.

Una at ikalawa sa prayoridad sa badyet ang edukasyon at pampublikong imprastruktura.  May 654.6 bilyong piso para sa Departament of Education at 580.8 bilyon para sa Departament of Public Works and Highways.  Sa Departament of Interior and Local Government, may 239.8 bilyon, at ang Departament of National Defense ay may 191.7 bilyong piso.  May 163 bilyon naman ang Social Welfare at Development, at may 101 bilyon ang Departament of Health.  Nasa 99.3 bilyon ang para sa Departament of Transportation, habang ang Agrikultura ay may 62.3 bilyon.  Pangsiyam sa listahan ang Departament of Justice na may 40.1 bilyong piso at pangsampung prayoridad na may 25.5 bilyong pisong badyet ang Departament of Environment and Natural Resources.

Sa unang tingin at sa pangkalahatan, tila katanggap-tanggap ang ganitong mga prayoridad at pagtatakda ng badyet.  Sino ba namang ayaw makitang ang edukasyon ang unang prayoridad natin sa bansa?  Sa pamilya nga, sabi nating mga Pilipino, marami sa atin ang wala naman talagang maipapamana sa ating mga anak kundi edukasyon.

Subalit kailangan talaga ng mas masinop na pagsusuri.  Matagal at masalimuot na proseso ang pagbabadyet sa isang bansa at hindi biro ang mga debate at negosasyong nagaganap sa loob ng prosesong ito.  Sana lamang ay mas marami ang nabibigyang tinig at naririnig sa proseso. Mahalagang nababantayan ang susing prosesong ito sa ating sistema ng demokrasya.  Masasabi pa nga marahil na ito ang puso ng proseso ng pambansang pamamahala.

Tignan na lamang natin ang kaso ng edukasyon.  Una ito sa mga prayoridad.  Napakalaking halaga ng 654.6 bilyong piso ng Departamento ng Edukasyon o DepEd at nakakalula na ito para sa iba. Datapwa, sa karanasan at pag-aaral ng mga bansang naging pinakamabilis ang pag-unlad, kapos pa nga ito upang suportahan ang ating kinakailangang pagbabago.

Sa pandaigdigang istandard, sinasabing dapat ay hindi bababa sa anim (6) na porsiyento ng halaga ng Gross Domestic Product o GDP ang inilalaan sa batayang sistemang pampaaralan ng isang bansa.  Sa kaso ng ating bansa, ang 654 bilyong iyan at 0.77% lamang. Malayo sa mungkahing tantos na 6%.

Kailangan pa ng mas malalim na pagtingin sa mga kinakailangang pagbabago sa bansa.  Hindi lahat ng lumaki, o lumiit, ay nagbago na tungo sa kung ano ang nararapat at katanggap-tanggap. #

Editorial Opinyon Slider Ticker Departament of Environment and Natural Resources Departament of National Defense Gross Domestic Product Louie C. Montemar

Angkas naman?

December 30, 2019 by PINAS

 

Louie C. Montemar

 

Libu-libong bike rider ng Angkas.ph ang pumarada at nagtipon kamakailan lamang at nananawagang suportahan sila sa nakaambang pagkatanggal nila sa nasabing platform. Anong mayroon sa Land Transporation and Regulatory Board (LTFRB) at sa halip na makatulong, tila pinahihirapan pa nito ang mga biyahero o komyuter at mga namamasadang Pinoy?  Natatanong natin ito dahail itinakda kasi ng nasabing ahensiya na bawasan ng 17,000 ang 27,000 bilang ng mga Angkas rider. Bakit?

Walang malinaw na dahilan. Ang lumalabas sa mga ulat, may isang Inter-agency Technical Working Group na pinangungunahan ng isang LTFRB board member—si retired Police Major General Antonio Gardiola Jr.—ang nagtakda na bawasan ang bilang ng Angkas rider para maging 39,000 lamang ang bilang ng mga motor na nagseserbisyo gaya ng Angkas.

Mayroon daw dalawang bagong serbisyo gaya ng Angkas—ang JoyRide at Move It. Maganda raw na may kompetisyon.  Kung gayon, tila sinasabi ng LTFRB na mas mainam daw na gawing patas ang kompetisyon sa serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga slots at babawasan dapat ang sa Angkas.  Ano raw?  Paano iyan nakatulong?  Kulang pa ang bilang ng driver at motor ng dalawa at hindi hamak na maganda ang safety record ng Angkas drivers. Nasa 99.99 % ang safety record ng Angkas! Ilipat daw sa dalawa ang mga driver ng Angkas na maaalis rito.  Ha?

Saan ba nag-aral ng economics ang mga nagtakda ng desisyong nakukwestyon ngayon?  Makatarungan ba ang hatol na ito?  Saan kukuha ngayon ng kagyat na ikabubuhay ang 17,000 pamilyang apektado ng hatol ng LTFRB-TWG na ito? Nakakatulog ka pa ba Heneral?  Higit sa lahat, nasubukan na po ba ninyong mag-Angkas?

Aaminin ko, noong una, medyo maganit sa aking tanggapin ang ideya ng isang ride-hailing service na binubuo ng mga motorsiklo.  Tingin ko, hindi ligtas at maaksaya sa gas,  dagdag sa polusyon at bilang ng mga traffic violations.  Kalaunan, sa dami ng mga nakilala kong gumagamit ng serbisyo, napabilib din ako. Nang mabasa ko ang isang sulatin sa naging kasaysayan ng pagbuo ng Angkas, mas lalo pa ang humanga rito.  Hindi man ako gumagamit halos ng Angkas, alam kong napakalaking tulong nito sa lahat.

Ngayon, kung kailann magpapasko pa man din, may banta sa serbisyo ng Angkas.  Kung maaalala natin, hindi ba may kawangis na karanasan tayo sa maling pagtrato sa Uber at sa mga kawangis nitong serbisyo?

Noong 2016, nang una akong gumamit ng serbisyong Uber, mula sa amin sa Malate sa Maynila patungong Sta. Mesa ay mga 80 piso lamang ang singilan. Uber na ito—maganda at malinis ang mga kotse at magalang ang mga tsuper.  Nagbukas ang LTFRB ng slots para sa ibang serbisyo gaya ng Uber at Grab. Wala ring silbi ang mga ito at ngayon Grab na lamang halos ang natira. Magkano na ang Grab mula sa amin sa Malate patungong Sta. Mesa? Tatlong daang piso kadalasan, minsan higit pa. Pero kung mag-Angkas ka, nasa higit 100 piso lamang, higit na mapabibilis ka pa sa pagbiyahe.

Ticker Louie C. Montemar LTFRB retired Police Major General Antonio Gardiola Jr. Uber

Sino ang mananagot?  

December 11, 2019 by PINAS

 

Louie C. Montemar

 

NAKADISENYO ang isang demokratikong pamahalaan upang tiyakin na may mananagot sa kung anumang usapin na sumulpot sa pamamahala ng lipunan.

Mananagot? Managot? Oo, salitang ugat: Sagot.  Sino ang mananagot sa pagkaubos ng puno sa ating mga bundok? Sino ba ang sasagot sa usapin ng mataas na tantos ng buwis? Sino ang mananagot sa kalagayan ng trapiko sa Kalakhang Maynila? Sino ang mananagot sa paglaganap muli ng polio, measles, at dengue?

Sa ating Konstitusyon, malinaw na dapat managot ang bawat sangay ng pamahalaan sa iba pang sangay.  Ang mga natalagang opisyal ay mananagot sa nagtalaga sa kanila at sa taong-bayan, samantalang ang mga nahalal na opisyal ay mananagot sa taong-bayan.  Kung gayon, sa huling pagtutuos, mananagot ang lahat ng nasa pamahalaan sa taong-bayan.

Hindi ba mainam na malinaw kung sino ang mananagot kapag may mga bagay na dapat kaharapin sa ating mga pamayanan o bayan?  Kung malinaw kung sino ang mananagot sa isang suliranin o alalahanin, mas madali tayong makatutugon bilang isang grupo—may pokus ang pagkilos at may direksiyon ang galaw.

Dagdag pa rito, kung hindi umuusad ang pagkilos sa isang usapin o kung hindi epektibo ang nagiging pagtugon sa isang suliranin, mababago agad ang pagkilos at pagtugon, o kung kinakailangan pa nga, palitan kung sino ang responsable sa maling pagkilos o pagtugon.

Hindi naman natin nais na magsayang ng oras at yaman sa mga mali o tiwaling pagkilos.  Ayaw natin ng palpak at tiwaling pamumuno, hindi po ba?

Kaya nga napakahalaga ng ideya ng pananagutan o pananagot—sa Ingles, accountability.

Itinutulak nga ng marami ang transparency sa pamahalaan dahil dito. Transparent—nakikita o naaaninag.  Mahalaga sa isang demokrasiya ang nakikita o nalalaman ng taong-bayan kung sino ang gumagawa ng anuman para maiwasan ang palakasan, pagnanakaw o pagpabor sa mga piling tao, at iba pang uri ng katiwalian. Halimbawa ng transparency ang simpleng pagpapaalam sa lahat ng impormasyon tungkol sa badyet ng gobyerno o ng mga yunit nito, maging ng mga lokal na gobyerno.

Sa mga tanggapan ng pamahalaan, makikita nga natin ang mga pagpapaskil ng mga alituntunin hinggil sa proseso ng pagseserbisyo sa tao.  Malinaw na may mga takdang oras dapat sa paggawa at pagsagot sa mga tanong at kahilingan.  Pananagot ito.

Sa paggamit ng yaman ng bayan, may mga takdang paper work at may mga mahigpit na limitasyon sa pondo.  Kapag naglabas ka ng pera, marami kang lalagdaan. Kailangan ng resibo.  Pananagot ito.

Sa kahit anong programa at proyekto ng pamahalaan, mayroong responsableng opisyal ay may dapat na managot.  Halimbawa, sa paghahanda sa SEA Games, sino ba ang dapat na managot kung may mga pagkukulang at katiwalian man?  Naging matagumpay man ang pagpapatupad nito sa kalakhan, kung may mag kwestiyon sa paggamit ng bilyun-bilyong pondo para rito, sino ba ang dapat na managot?

Dahil dito, huwag natin basta tuligsain ang mga pumupuna sa mga gawain ng pamahalaan. Kailangan ng isang malusog na demokrasya ang mga pagtuligsa. Ang demokratikong pamamahala ay nakatuntong sa pananagutan. Ang demokratikong pamamahalaan ay nakatuntong sa pangangalaga sa interes ng publiko — ng lahat, at hindi ng iilan.

 

Ticker Louie C. Montemar

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • …
  • Page 9
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.