• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - February 25, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

LTFRB

Angkas naman?

December 30, 2019 by PINAS

 

Louie C. Montemar

 

Libu-libong bike rider ng Angkas.ph ang pumarada at nagtipon kamakailan lamang at nananawagang suportahan sila sa nakaambang pagkatanggal nila sa nasabing platform. Anong mayroon sa Land Transporation and Regulatory Board (LTFRB) at sa halip na makatulong, tila pinahihirapan pa nito ang mga biyahero o komyuter at mga namamasadang Pinoy?  Natatanong natin ito dahail itinakda kasi ng nasabing ahensiya na bawasan ng 17,000 ang 27,000 bilang ng mga Angkas rider. Bakit?

Walang malinaw na dahilan. Ang lumalabas sa mga ulat, may isang Inter-agency Technical Working Group na pinangungunahan ng isang LTFRB board member—si retired Police Major General Antonio Gardiola Jr.—ang nagtakda na bawasan ang bilang ng Angkas rider para maging 39,000 lamang ang bilang ng mga motor na nagseserbisyo gaya ng Angkas.

Mayroon daw dalawang bagong serbisyo gaya ng Angkas—ang JoyRide at Move It. Maganda raw na may kompetisyon.  Kung gayon, tila sinasabi ng LTFRB na mas mainam daw na gawing patas ang kompetisyon sa serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga slots at babawasan dapat ang sa Angkas.  Ano raw?  Paano iyan nakatulong?  Kulang pa ang bilang ng driver at motor ng dalawa at hindi hamak na maganda ang safety record ng Angkas drivers. Nasa 99.99 % ang safety record ng Angkas! Ilipat daw sa dalawa ang mga driver ng Angkas na maaalis rito.  Ha?

Saan ba nag-aral ng economics ang mga nagtakda ng desisyong nakukwestyon ngayon?  Makatarungan ba ang hatol na ito?  Saan kukuha ngayon ng kagyat na ikabubuhay ang 17,000 pamilyang apektado ng hatol ng LTFRB-TWG na ito? Nakakatulog ka pa ba Heneral?  Higit sa lahat, nasubukan na po ba ninyong mag-Angkas?

Aaminin ko, noong una, medyo maganit sa aking tanggapin ang ideya ng isang ride-hailing service na binubuo ng mga motorsiklo.  Tingin ko, hindi ligtas at maaksaya sa gas,  dagdag sa polusyon at bilang ng mga traffic violations.  Kalaunan, sa dami ng mga nakilala kong gumagamit ng serbisyo, napabilib din ako. Nang mabasa ko ang isang sulatin sa naging kasaysayan ng pagbuo ng Angkas, mas lalo pa ang humanga rito.  Hindi man ako gumagamit halos ng Angkas, alam kong napakalaking tulong nito sa lahat.

Ngayon, kung kailann magpapasko pa man din, may banta sa serbisyo ng Angkas.  Kung maaalala natin, hindi ba may kawangis na karanasan tayo sa maling pagtrato sa Uber at sa mga kawangis nitong serbisyo?

Noong 2016, nang una akong gumamit ng serbisyong Uber, mula sa amin sa Malate sa Maynila patungong Sta. Mesa ay mga 80 piso lamang ang singilan. Uber na ito—maganda at malinis ang mga kotse at magalang ang mga tsuper.  Nagbukas ang LTFRB ng slots para sa ibang serbisyo gaya ng Uber at Grab. Wala ring silbi ang mga ito at ngayon Grab na lamang halos ang natira. Magkano na ang Grab mula sa amin sa Malate patungong Sta. Mesa? Tatlong daang piso kadalasan, minsan higit pa. Pero kung mag-Angkas ka, nasa higit 100 piso lamang, higit na mapabibilis ka pa sa pagbiyahe.

Ticker Louie C. Montemar LTFRB retired Police Major General Antonio Gardiola Jr. Uber

Fixed rate sa bus drivers wala nang atrasan

October 15, 2018 by Pinas News

Fixed rate

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

KAAGAPAY ng libu-libong mga Pinoy komyuter sa Metro Manila at sa mga probinsiya ang bus. Bukod sa jeep at tren, ito pa rin ang pangunahing mass transportation system na nagdadala ng mga tao tungo sa iba’t-ibang destinasyon, lalo na sa mahabaang pagbiyahe.

Sa kabila nito, tinukoy ng awtoridad na kabilang ang mga bus sa mga sanhi ng maraming aksidente sa daan. Base sa datos ng Metro Manila Development Authority (MMDA), nasa 434 ang namatay at 19,374 ang nasaktan sa National Capital Region (NCR) sanhi ng mga aksidente sa kalsada noong nakaraang taon.

Iniinspeksyon ni LTFRB Chairman Martin Delgra III ang Dimple Star bus na nahulog sa bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro nitong Marso na kumitil sa buhay ng 19 na pasahero.

Bagama’t mas mababa ang naturang bilang kumpara noong 2016, kung saan 446 ang namatay at 20,876 ang nasaktan, masasabing marami pa rin ang mga nadisgrasya noong 2017.

Isa sa mga nakikitang dahilan ng pagkakasangkot ng mga pampublikong bus sa mga sakuna ay ang commission basis na sistema ng pasweldo sa mga bus driver at kundoktor, na nagtutulak sa mga ito na mag-agawan sa mga pasahero at paspasan ang pagmamaneho upang maka boundary, na di alintana kung nalalabag na ba nila ang mga batas sa kalsada, para lamang may maiuwing sweldo pantugon sa mga pangangailangan nila at ng kanilang pamilya.

Land Transportation Franchising and Regulatory Board member Atty. Aileen Lizada

 

Ang sistemang ito rin ang sinisisi ni Atty. Aileen Lizada, board member ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB), sa pabalagbag na estilo ng pagmamaneho ng maraming bus driver para  masigurong may sapat na kikitain araw-araw. Bukod dito, nalalagay din aniya sa alanganin ang kalusugan ng mga driver at konduktor dahil sa mahabang oras ng pagtatrabaho. Isipin mo na lang kung gaano kahirap sa katawan at pag-iisip ang mabababad sa mala-pagong na trapiko sa Metro Manila.

“Their commission is based on the number of riders they pick up. Kaya ang mga driver gustong mas marami silang riders at mas maraming trips. Because of this, buses are no longer safe and convenient for the riding public. In the long run talo rito ang mga bus drivers lalo na ang mga pasahero,” saad ni Lizada.

Noong Enero 2012, ibinaba ng LTFRB ang Memorandum Circular No. 2012-001 na nag-oobliga sa mga operators ng public utility buses na kumuha ng Labor Standards Compliance Certificates. Ang hindi makakatugon dito ay maaring bawian o hindi mapagkakalooban ng panibagong certificate of public convenience para ituloy ang pagbibiyahe ng kanilang mga bus.

Kasunod nito, nag-isyu naman ang DOLE ng Department Order No.118-12 patungkol sa memorandum circular ng LTFRB na nagbibigay ng computation para sa fixed at performance-based na pagpapasweldo sa driver at kundoktor.

Noong Pebrero 2012, nag-isyu ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) ng operational guidelines na susundin para ipatupad ang naturang panibagong wage system, alinsunod sa department order ng DOLE.

Subalit hindi agad naipatupad ang mga naturang memo dahil naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang mga samahan ng PUB operators, ang Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP), ang Southern Luzon Bus Operators Association, Inc. (SO-LUBOA), ang Inter City Bus Operators Association (Interboa), at ang City of San Jose del Monte Bus Operators Association (CSJDMBOA). Giit nila, labag sa karapatang ibinibigay ng Saligang Batas sa mga operators ang mga ibinabang order ng LTFRB at DOLE.

HATOL NG KORTE: ITIGIL NA ANG BOUNDARY

Pagkatapos ng mga hearing sa loob ng anim na taon, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng mga operators. Base sa ruling ng pinakamataas na hukuman, na inakda ni Associate Justice Marvic Leonen, nabigong patunayan ng mga petitioners o bus operators sa korte na kontra sa Saligang Batas ang department order ng DOLE at ang memorandum circular ng LTFRB.

Binigyang diin din ng Korte Suprema sa en banc desisyon nito na may “quasi-legislative powers” o kapangyarihang magbalangkas ng rules and regulations ang mga nasabing ahensya, kabilang dito ang pagpapatupad ng fixed rate salary para sa mga bus driver at kundoktor.

Ipinaliwanag din ng Korte Suprema na hindi labag sa due process ang mga hakbang na DOLE at LTFRB dahil layunin nitong iangat ang kabuhayan ng mga driver at kundoktor, at para rin ito sa kaligtasan ng mga commuters.

“The boundary system puts drivers in a ‘scarcity mindset’ that creates a tunnel vision where bus drivers are nothing but focused on meeting the boundary required and will do so by any means possible and regardless of risks… This scarcity mindset is eliminated by providing drivers with a fixed income plus variable income based on performance,” nakasaad sa desisyon.

“The fixed income equalizes the playing field, so to speak, so that competition and racing among bus drivers are prevented. The variable pay provided in Department Order No. 118-12 is based on safety parameters, incentivizing prudent driving,” dagdag pa nito.

KITA NG MGA TSUPER, TIYAK SA BAGONG WAGE SCHEME

Base sa ipapatupad na part-fixed-part-performance-based scheme, ang fixed wage ay pagkakasunduan ng bus operator at ng driver at kundoktor, at hindi ito dapat bababa sa mimimum wage na itinakda sa bawa’t rehiyon. Sa kasalukuyan, ang minimum wage sa Metro Manila ay ₱512.

Bukod dito, makakatanggap na din ang mga driver at kundoktor ng overtime pay, night shift differential, service incentive leave, premium pay, 13th-month pay, holiday at service incentive leave.

Magkakaroon na rin ng performance-based wage component, na magbabase sa iba’t-ibang performance tulad ng laki ng kita, sa pagiging ligtas ng pagbiyahe, at kung gaano kaunti ang traffic violations.

DOLE, MAHIGPIT NA MAGBABANTAY

Isa sa mga pangunahing mass transport system sa bansa ang bus, na tinatangkilik ng libu-libong mga komyuter araw-araw.

 

Ayon kay Director Teresita Cucueco, tututukan ng DOLE ang pagpapatupad ng bagong sistema ng pagpapasweldo ng bus operators para tiyakin na gaganda nga ang kundisyon ng pagtatrabaho para sa mga driver at kundoktor.

“The department order ensures income security for the bus drivers and conductors, as well as improves the working conditions in the bus transport sector. We will continue our monitoring on the implementation and compliance, as mandated,” sabi ni Cucueco.

Aniya, bibigyan din sila ng mga social benefits, kaya maiiwasan na ang mga disgrasya sa kalsada na dulot ng habulan at agawan sa pasahero.

Dagdag ni Cucueco, nakatakda silang makipagpulong sa mga regional directors ng ahensya upang pag-usapan ang pagpapatupad ng Department Order 118-12.

”We plan to meet with the regional directors and we will raise the Supreme Court decision implementing the fixed and performance-based pay,” aniya.

Samantala, sa kabila ng patuloy na pagtaas ng gasoline at maintenance costs, sinabi ni Alex Yague, executive director ng PBOAP na susunod sila sa desisyon ng Korte Suprema.

Ngunit, sinabi rin ni Yague sa isang panayam, “Wala po tayong magagawa kundi sumunod, pero ang magiging epekto po niyan, maraming magsasara na bus company.”

Pambansa Slider Ticker Alex Yague executive director PBOAP Associate Justice Marvic Leonen Atty. Aileen Lizada City of San Jose del Monte Bus Operators Association (CSJDMBOA) Department Order 118-12 DOLE Inc. (SO-LUBOA) Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) LTFRB Metro Manila Metro Manila Development Authority (MMDA) National Capital Region (NCR) National Wages and Productivity Commission (NWPC) PINAS PUB operators ang Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) Quincy Joel V. Cahilig Southern Luzon Bus Operators Association

Publiko makikinabang sa bagong TNCs – LTFRB

May 8, 2018 by Pinas News

Ni: Ana Paula A. Canua

NArangkada na sa kalsada ang bagong Transport Network Companies (TNCs) na Hype,  Hirna , at U-Hop, ito ay matapos maglabas ang  Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng   kanilang Certificate of Accreditation at  permit to operate sa loob ng dalawang taon.

Paliwanag ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, parehas ang business model ng Hype sa Grab na magsisimulang magbigay serbisyo sa Mayo 26. Samantala ang HirNa ay isang taxi-hailing app na magsisimulang mag-operate sa Davao City. At ang U-Hop naman ay ang kauna-unahang TNC na nag-aalok ng shuttle services.

Ayon sa pamunuan ng Hype, kumpara sa ibang Transport Network Vehicle Service (TNVS) maaring hindi gumamit ng internet upang makapag-book ng byahe, paliwanag ng Chief Operating Officer ng Hype na si  Jen Silan, maaring sa pamamagitan ng text na lamang mag-book ang pasahero.

“SMS booking or texting is much cheaper. So we want to address that and cater to those other classes,” wika ni Silan.

Sa ngayon ay nasa 30,000 na mga drayber ang nagpahayag ng interes na pumasok sa kanilang kompanya.

Paliwanag din ni Silan, maaring kumita ng mas ma-laki ang mga drayber nila dahil papayagan na magpaskil ng advertisement sa sasakyan kung saan maghahati ng ba-yad sa patalastas ang drayber at ang kompanya.

Tiniyak din ni Silan na magiging mas mura ang kanilang serbisyo dahil hindi sila magpapatupad ng per-minute charge.

LTFRB titiyakin na hindi maabuso ang mga pasahero

Nagsagawa ng pagpupulong ang LTFRB sa lahat ng TNCs upang ipaliwanag ang polisiya sa pagtakda ng singil sa pasahe.

“One of the reasons why we have this meeting is precisely to upgrade the service insofar as the TNVS denomination is concerned,” paliwanag ni LTFRB Chairman Martin Delgra.

Bukod sa mga accredited TNCs nagpahayag ang LTFRB na maari pang madagdagan ito dahil sa nakabinbing  application mula sa TNCs na GOLag o Go Laguna na nakatakdang mag-operate sa Laguna, Owto at isa pang taxi service na Micab na aarangkada naman sa Metro Manila.

Nagpaalala rin ang LTFRB na kailangang ianunsyu sa publiko ang balak na pagtaas sa pasahe, ito ay upang bigyan ng proteksyon ang mga consumers na patuloy na tinatangkilik ang kanilang serbisyo.

Hinikayat din ng pamunuan na iulat agad kapag nakaranas ng nakakadismayang serbisyo sa mga TNVs drayber.

Isyu ng grab

Kamakailan lamang nagpahatid ng hinaing ang ilang commuters hinggil sa hindi makatarungang pagtaas ng singil ng Grab sa kanilang mga pasahero, at ilang buwan lamang nasundan  muli ng panibagong isyu, hinggil naman sa pagdami ng mga  hindi makatwirang pagkansela ng mga drayber ng bookings. Reklamo ng ilang pasahero, nagsimulang magkaproblema sa serbisyo ng Grab matapos nito masolo ng kompanya ang Transport Network Services sa bansa. Ito ay matapos tuluyang magdeklara ng company merge ang Uber sa Grab.

Upang solusyunan ang problema, umaksyon naman agad ang pamunuan ng Grab at nagsagawa ng internal investigation sa humigit-kumulang 500 na mga drayber nito  dahil sa masamang reviews hinggil sa pagkakansela ng bookings at sa hindi kaaya-ayang pag-uugali. Tiniyak naman ng pamunuan na mahaharap sa kaukulang parusa ang mga natukoy na mga drayber.

Kasunod nito, humingi ng tawad ang Grab Country, Head Brian Cu hinggil sa serye ng nakakadismayang insidente.

“We will never tolerate any behavior that compromises the quality of our service. We see every post and complaint. We apologize that our services fell short. However, we will move forward,” pahayag ni Cu.

“We have rolled out additional and stricter measures to address issues on cancellations and this is just the start. We promise to improve to provide the quality of service our passengers deserve,” dagdag niya.

Upang masigurado na hindi na ito mauulit muli, nagpatupad ng bagong alituntunin ang Grab sa mga drayber nila na may record ng  mababang acceptance rate  kung saan nakatago na ang pupuntahang destinasyon ng kanilang mga pasahero, at tanging distansya lamang ng pupuntahan ang makikita sa booking info.

Sa tala ng Grab ay nasa 25 porsyento lamang ang mga drayber na mababa ang acceptance rate.

“We will implement non-showing of passenger information before ride acceptance, as it is a major source of complaints,” paliwanag ni Cu.

Kasabay nito nagpatupad na rin ng auto-accept feature sa booking ng mga Grab sa kanilang mga drayber upang maiwasan ang pagpili ng pasahero. Ngunit sa kabila ng paghihigpit sa kanilang mga drayber, pinarating din ng pamunuan na mananatili ang pagbibigay nila ng proteksyon sa kanilang mga drayber, at sinabing mahaharap din sa sanctions ang mga mapang-abusong pasahero.

Nagpahayag naman ng positibong reaksyon ang LTFRB dahil sa agarang aksyon ng Grab upang maayos ang kanilang serbisyo.

“We appreciate the move unilaterally done by Grab. Hindi na ho sila naghintay ng order ng LTFRB. Magandang hakbang, magandang measure ang ginagawa nila. At least, it’s all geared towards the riding public,” pahayag ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada.

Epekto ng bagong TNCs

Ayon sa LTFRB dapat na ikatuwa ng publiko ang pagpasok ng mga bagong TNVS, dahil hindi lamang sa madagdagan ang pagpipilian kundi magbubunga rin ito ng kompetisyon sa pagandahan ng serbisyo.

“So if you say that there is no competition, soon there will be, and any competition is good for any industry because it benefits the riding public,” paliwanag ni Lizada.

Dahil mas maraming TNVS, asahan din ang pagbaba ng surge rate o matataas na presyo ng pasahe tuwing rush hour.

Magiging pabor din ito sa mga nagmamay-ari ng mga sasakyan na subukan na maging bahagi ng transport network services dahil sa mas pinaigting na polisiya at alituntunin ng LTFRB at mga TNCs na proteksyunan ang kanilang mga consumers gayundin ang kanilang mga drayber.n

Pambansa Slider Ticker Aileen Lizada Ana Paula A. Canua Brian Cu Davao City Go Laguna GRAB LTFRB TNCs TNVS Transport Network Companies Transport Network Vehicle Service Transportation Franchising and Regulatory Board Uber

Walang monopolyo para sa Grab – LTFRB

April 11, 2018 by Pinas News

Ni: Kristin Mariano

GINARANTIYA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang monopolyo ang Grab sa ride-hailing industry.

Ikinabigla ng ilan ang pagbili ng Grab sa Uber kamakailan lamang.

Kinumpirma ni LTFRB board member Aileen Lizada na may tatlong kompanya na nag-aantay ng kumpirmasyon sa kanilang opisina. Sa kasalukuyan ay kinukumpleto ng mga nasabing kompanya ang mga requirements na hinihiling ng LTFRB.

“Any competition is good for any industry because it benefits the riding-public,” sabi ni Lizada. Ang tatlong TNCs (Transport Network Companies) na kakalaban sa Grab ay Lag-go, OWTO at HYPE.

Ang pagpasok ng mga bagong kompetisyon ay magbibigay ng options sa mga pasahero at magpapanatili sa mababang presyo ng pasahe.

Paglago ng Grab Philippines

Pinal na nga ang pagbili ng Grab sa Uber at ito ay ang isa sa pinakamalaking deal sa Timog-Silangang Asya. Noong April 8 ang huling biyahe ng mga drayber ng Uber. Matapos nito ay lilipat na sila sa Grab.

Ayon kay Brian Cu ng Grab Philippines, inaasahan nila na lilipat ang 20,000-24,000 na mga drayber mula Uber base sa masters list sa tala ng LTFRB.

Mula sa transportasyon, nais rin ng Grab na palawigin ang kanilang serbisyo sa publiko. Una, may plano ang Grab na lumipat mula online-to-offline mobile platform upang mapagsilbihan ang mas maraming pasahero na walang mobile data o access sa internet.

Nais rin pasukin o paigtingin ng Grab ang kanilang serbisyo sa food and package delivery, mobile payments, at financial services.

“We are humbled that a company born in SEA has built one of the largest platforms that millions of consumers use daily and provides income opportunities to over 5 million people. Today’s acquisition marks the beginning of a new era. The combined business is the leader in platform and cost efficiency in the region. Together with Uber, we are now in an even better position to fulfill our promise to outserve our customers. Their trust in us as a transport brand allows us to look towards the next step as a company: improving people’s lives through food, payments and financial services,” ayon sa pahayag ni Grab CEO and co-founder Anthony Tan.

Food delivery – Nais ng Grab na palawakin ng kompanya ang GrabFood hindi lamang sa Indonesia at Thailand kundi pati sa iba’t-ibang bansa sa Asya simula sa Singapore at Malaysia.

Transportasyon – Patuloy na pagbubutihin ng Grab ang kanilang mala-king ambag sa transportasyon sa bansa at nangangakong makikipagtulungan sa gobyerno sa pagbibigay ng mga tunay na solusyon sa lumalalang problema sa trapiko. Bukod sa GrabCar, GrabTaxi, at GrabShare, ilulunsad din ng kompanya ang GrabCycle para sa mga bisikleta at GrabShuttle Plus para sa mga bus.

Payments at financial services – Pagtutuunan din ng pansin ng kompanya ang Grab Financial na kanilang sangay sa mobile payments, micro-financing, insurance, at iba pang serbisyong pampinansiyal upang maserbisyuhan ang milyon-milyong maliliit na negosyo sa SouthEast Asia. Ilulunsad din ang GrabPay bilang mobile wallet sa mga bansa sa rehiyon bago matapos ang taon.

May paglabag ba sa batas?

Umalma ang Singapore at Malaysia sa pagbili ng Grab sa Uber. Ayon sa dalawang bansa, maaaring may paglabag ang pagsasanib puwersang ito ng dalawa sa pinakamalaking kompanya  sa industriya. Ang Competition Commission of Singapore (CCS) ay pinag-aaralan na ang merger dahil sa pangamba na maaaring tumaas ang rates ng Grab.

Nagpalabas ang CCS ng direktiba na kailangan ng Grab at Uber na panatilihin ang presyo, pricing policies, at product options. Iniutos din ng CCS sa Grab na huwag kuhain ang mga confidential information mula sa Uber at huwag pilitin ang mga drayber na lumipat sa Grab. Subalit ito ay limitado lamang sa Singapore.

Sa Malaysia, magpupulong ang Land Public Transport Commission (SPAD) at Competition Commission (MyCC) upang pag-aralan kung may nilabag nga bang batas ang deal sa pagitan ng Grab at Uber.

Sa Pilipinas, sinigurado rin ni Lizada na walang pagbabago sa rates ng pamasahe sa Grab sa kabila ng pag-pull out ng Uber sa Timog-Sila-ngang Asya.

“The x2 surge stays, two per minute running time stays,” ayon kay Lizada.

Paliwanag ni Lizada na ang mga Grab cars ay public utility vehicles at hindi maaaring magtaas ng pamasahe basta-basta ng walang pag-apruba ng LTFRB. Dagdag ni Lizada na tulad ng pamasahe sa jeep, bus, at taxi, may hearing muna na gaganapin bago makapagtaas ng pamasahe.

Mino-monitor din ng LTFRB ang mga presyo at mga reklamo sa social media upang maaksyunan agad ang mga ito.

Pambansa Slider Ticker Aileen Lizada Anthony Tan Brian Cu Indonesia Kristin Mariano Land Transportation Franchising and Regulatory Board LTFRB Malaysia Monopolyo Grab PINAS Singapore Thailand TNCs Transport Network Companies Uber

P2P bus, muling umarangkada; City buses na nasa ilalim ng number coding, bibigyan ng special permits

February 5, 2018 by Pinas News

Pinas News

NAG-DEPLOY ng mga bus ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga pasaherong apektado ng mga aberya ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Magmumula ang mga bus sa North Avenue at Quezon Avenue patungo sa mga drop-off points sa Ortigas at Ayala.

Ayon sa LTFRB, P15.00 ang pamasahe sa nasabing P2P bus.

Samantala, bibigyan din ng special permits ang mga city buses na nasa ilalim ng number coding.

Ito ang magiging alternatibong sakayan ng mga pasaherong apektado ng kampanyang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” laban sa mga jeepney.

P10.00 ang pasahe sa mga regular buses habang P12.00 naman sa mga air conditioned buses.

Ide-deploy ang mga city buses sa Quiapo, Commonwealth Ave, Novaliches, Masinag sa Antipolo, Baclaran at Guadalupe.

Metro News Slider Ticker "Tanggal Bulok Tanggal Usok" Ayala Baclaran Commonwealth Ave Guadalupe Land Transportation Franchising and Regulatory Board LTFRB Masinag Antipolo Metro Rail Transit Metropolitan Manila Development Authority MMDA MRT-3 North Avenue Novaliches Ortigas P2P Bus Quezon Avenue Quiapo SMNI News

Pagsibak sa mga matataas na opisyal ng gobyerno, katiwalian ang sanhi

January 16, 2018 by Pinas News

Ni: Beng Samson

KORAPSYON,  ang isa sa mga malalaking dahilan ng kahirapan ng mga ‘Pinoy. Malaking suliranin ito ng bansa na matagal ng pasan ni Juan dela Cruz. Ang mga may kagagawan ay mismong ang mga opisyales na dapat sana ay ating nasasandalan sa ating mga pangangailangan at kahirapan.

Ano ang solusyon? Sabi nga nila, kapag may ilang pirasong bulok na kamatis na nakahalo sa isang buslo, makahahawa ito ng iba kaya’t kailangan itong alisin.

Buena manong sibak sa puwesto sa 2018

Disyembre noong nakaraang taon, inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagsibak sa pinakahuling mataas na opisyal para sa taong 2017. Pagpasok pa lamang ng bagong taong 2018, Enero 4, pinangalanan na ito at inanunsyong si Maritime Industry Authority (Marina) Administrator Marcial Amaro III.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque Jr., kinakitaan ito ng pangulo ng labis na paglalakbay sa ibang bansa. Umabot ito sa bilang na 24 simula nang maupo si Amaro sa kanyang tanggapan – anim dito ang isinagawa noong 2016 samantalang 18 naman noong 2017.

Ikinumpara ng tagapagsalita ang naitalang pitong biyahe ni dating Presidential Commission for the Urban Poor chair Terry Ridon na naging sanhi din ng pagkatanggal sa posisyon ng huli. Aniya kung naging pamantayan ng pangulo ang bilang na ito para tawaging “excessive foreign trips”, higit na asahang mapupuna ang bilang na 24.

Paglilinis sa hanay ng mga empleyado at opisyal ng gobyerno

Matatandaang inanunsiyo ni Digong noong Marso 2017 na kanyang sinibak sa puwesto ang 92 empleyado sa gobyerno dahil sa graft o iyong pagnanakaw sa gobyerno. Kabilang na dito ang mga kawani sa Bureau of Customs (BuCor), Bureau of Internal Revenue (BIR), Land Transportation Franchising and Regulation Board (LTFRB), Energy Regulatory Commission (ERC), Land Transportation Office (LTO), at iba pa.

Hindi lamang maliliit na empleyado ang nabibilang sa nasabing tanggalan kung di pati mga matataas na opisyal ng bansa ay hindi rin nakaligtas sa pagbabantay ng grupo ni DU30 kaugnay sa diumano’y usaping korapsyon.

Ilan lamang sina Secretary Ismael “Mike” Sueno ng Department of the Interior and Local Government, Peter Laviña, hepe ng National Irrigation Administration (tumanggi sa paratang na korapsiyon at nagsabing hindi siya tinanggal kundi kusang nagbitiw sa tungkulin), Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles, Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez, Office of the Cabinet Secretary.

Pagtupad sa pangako

Hindi kaila sa lahat ang paulit-ulit na pagsasabi ng pangulo na hindi siya mangingiming sibakin sa puwesto ang mga tiwaling kawani ng gobyerno pati ang mga matataas na opisyal, “Even whiff, or a whisper of corruption, and you’re out”, “I fired a high government official today. I will not mention his name because I do not want to shame the family”, “I will not promise you heaven but I will try to stop corruption”. Ilan lamang ito sa mga nasambit ni Pangulong Digong sa tuwing may tatanggalin itong opisyal sa puwesto.

Matatandaang isa sa mga pangako ni PDU30 ang pagtatanggal sa puwesto ng mga tiwaling ‘nakaupo’ sa puwesto noong panahon ng kampanya.

Pagbuo ng Anti-Corruption Commission

Upang mas lalong mapaigting ang kampanya laban sa korapsiyon, nagpalabas ng kautusan ang pangulo para sa pagbuo ng Presidential Anti-Corruption Commission noong nakaraang taon. Layon nitong palawakin pa ang pag-iimbestiga sa lahat ng presidential appointees, kabilang na ang mga nasa labas ng executive branch.

Nakasaad sa Executive Order No. 43 na nilagdaan ni Pang. Duterte noong Oktubre 4, 2017, na ang Komisyon ay binuo at dinesenyo upang asistehan ang pangulo sa pag-iimbestiga at pagdinig sa mga kasong administratibo ng graft at corruption.

“Pag hindi ka sumipot doon sa Commission na ‘yun, if I do not have the subpoena powers, then I will apply for a subpoena powers from the courts. Pag hindi kayo sumipot, aarestuhin. I will order the police and the military to arrest you. ‘Yan lang ang paraan eh,” babala ni Duterte matapos ang pagbuo ng Commission noong nakaraang taon.

Iba pang mga matataas na opisyal na tinanggal sa puwesto:

  1. Rodolfo Salalima, Secretary, Information and Communications Technology
  2. Peter Tiu Lavinia, Chief, National IrrigationAdministration
  3. Maia Chiara Halmen Valdez, Cabinet Undersecretary
  4. Benjamin Reyes, Chairman, Dangerous Drugs Board
  5. Jose Vicente Salazar, Energy Regulatory Commission
  6. Gertrudo de Leon, Undersecretary for Legal and Liaison Group, Department of Budget and Management
  7. Dionisio Santiago, Chief, Dangerous Drugs Board Consistent Warning

Bukod sa trapik, droga, edukasyon, trabaho, at iba pa, ang kahirapan ang pangunahing suliranin ng ating bansa. Hindi lamang ang pagiging kulang sa kaalaman, malaking pamilya o pagkakaroon ng sunod-sunod na anak, likas na mahirap o minanang kahirapan, ang mga dahilan kung bakit maraming mahihirap sa ating bansa. Kung nagagamit sana sa tama ang badyet o kaban ng bayan, mas marami sana ang matutulungang kababayan at maiaahon sa hirap. Subali’t dahil karamihan sa mga nabigyan ng kapangyarihan na mamuno, aminin man o itanggi ay mas binigyang prayoridad ang sariling bulsa.

Ang tuloy-tuloy na pag-iimbestiga at pagsibak sa puwesto ng mga kasalukuyang namumuno sa ating bayan ay nagsisimula nang maging babala o warning. Magsilbing halimbawa sana ito sa kanila na ang ‘pag-upo’ sa puwesto ay hindi panghabambuhay at hindi dapat gawing palabigasan mula sa mga maralitang nagbabayad ng buwis. Hindi nararapat na magpatangay sa agos ng nakagisnang sistema ng pulitika kung talagang naghahanap ng pagbabago. Ang kasiraan ng pangalan ay bitbit ng buong pamilya hanggang sa kaapu-apuhan.

Pambansa Slider Ticker Administrator Marcial Amaro III Al Argosino Beng Samson Benjamin Reyes BIR BuCor Bureau of Customs Bureau of Internal Revenue Dionisio Santiago Energy Regulatory Commission ERC Gertrudo de Leon Ismael “Mike” Sueno Jose Vicente Salazar Juan dela Cruz Land Transportation Franchising and Regulation Board Land Transportation Office LTFRB LTO Maia Chiara Halmen Valdez Marina Maritime Industry Authority Marso 2017 Michael Robles Pangulong Rodrigo Duterte Peter Laviña Presidential Anti-Corruption Commission Spokesperson Harry Roque Jr. Terry Ridon

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.