MELODY NUÑEZ
MAKALIPAS ang dalawang taon, muling naiuwi ng pambato ng South Africa ang Miss Universe crown.
Ito ay matapos na koronahan bilang Miss Universe 2019 si Zozibini Tunzi sa katatapos lang na pageant na ginanap sa Atlanta, Georgia.
Natalbugan ng South African beauty ang 90 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Itinanghal naman bilang 1st runner up ang pambato ng Puerto Rico na si Madison Anderson habang 2nd runner up ang Mexican beauty queen na si Sofia Aragon.
2017 nang huling makuha ng bansang South African ang Miss Universe crown sa pamamagitan ni Demi-Leigh Nel-Peters.