Ni: Jonnalyn Cortez
MANGIYAK-ngiyak na inalala ni Annabelle Rama ang ginawang pagtulong sa kanila ni Ruffa Gutierrez pagkatapos nitong manalo bilang 2nd Princess sa Miss World noong 1993.
“Actually si Ruffa maraming naitulong sa pamilya namin. Nung araw kasi, sikat siya nung araw eh,” sabi ni Annabelle sa guesting nito sa Magandang Gabi Vice kasama si Ruffa at Richard Gutierrez.
“After Miss World, grabe, sobra talaga ang grasya na galing sa taas talaga, kaya lahat kami nakatikim ng masarap dahil sa kanya.”
Inalala rin nito ang pagdiriwang nilang buong pamilya ng New Year sa Florida na sinagot lahat ni Ruffa.
Kilalang away-bati ang mag-inang Annabelle at Ruffa, lalo na nga pagdating sa love life ng huli. Sa katunayan, inamin nitong ang nag-iisang anak na babae ang madalas n’yang masermonan.
“Syempre gusto ko pag mamatay ako Ruffa, maayos ang buhay mo,” paliwanag nito sa anak kung bakit nakikielam ito hanggang ngayon sa kaniyang love life. “I’m just telling the truth, Ruffa, masyado akong worried ang mangyari sa buhay mo pag wala na ako diba?”
Sa kabila ng kanilang mga pag-aaway, makikitang nanatili ang pagmamahal at pagpapahalaga ng mag-ina sa isa’t-isa.