Ni: MELODY NUÑEZ
INALIS na ng Pilipinas ang travel ban sa Mainland China maliban sa probinsya ng Hubei na sentro ng coronavirus disease (COVID-19) outbreak.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-alis ng ban ay batay sa naging rekumendasyon ng inter-agency task force on management of emerging diseases noong Marso a-12.
Kaugnay nito nilinaw ng DFA na hindi lahat ay kasama sa lifting ng travel ban.
Ayon sa ahensya, tanging ang mga nagbabalik ng OFWs na makakapag-present ng kanilang valid IDs o work permits, Overseas Employment Certificate, notarized at iba pang mahahalagang dokumento na kailangan ng awtoridad ang papayagang makabiyahe patungong China.
Gayundin ang mga government officials na may official duty ang papayagan.
Hindi naman papayagan sa pagbawi ng travel ban patungong China ang mga OFWs na first-timer, students, dependents of OFW’s at mga turista.