MANILA Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
MARGOT GONZALES
NAGBABALA sa publiko ang ilang telecommunications company sa bansa hinggil sa isang scam na ginagamit ang pangalan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Nagpadala na ng advisory ang globe at touch mobile sa mga subscribers nito bilang babala sa mga kumakalat na text na nagsasabing humihingi ng donasyong pera para kay Cardinal Tagle.
Nilinaw ng TELCO companies na modus mula sa isang pekeng donation drive ang kumakalat na text message.
Si Cardinal Tagle ay nakatakdang tumulak patungong Vatican City sa Pebrero para sa kanyang bagong tungkulin bilang prefect of the congregation for the evangelization of peoples.