SENATE President Tito Sotto
TROY GOMEZ
IMPOSIBLE na umano para sa bansang Pilipinas na tuluyang maging malaya sa ipinagbabawal na droga.
Ito ang pahayag ni Senate President Tito Sotto sa talakayan sa Manila Hotel matapos tanungin kaugnay sa direksyon ng kampanya ng pamahalaan laban sa droga.
Ayon kay Sotto, dapat tutukan na lamang ng pamahalaan na maging drug resistant ang bansa matapos nitong bigong pigilan ang paglaganap ng illegal na droga sa likod ng mas pinalakas na kampanya kontra droga.
Sinabi pa ng senador na kahit hulihin pa ng mga otoridad ang lahat ng mga drug pusher ay babalik pa rin ang problema hangga’t may mga nananatiling gumagamit ng illegal na droga.