MARGOT GONZALES
DISMAYADO si Manila Manila City Mayor Isko Moreno sa nakitang tambak-tambak na basura sa Divisoria sa kanyang pag-iikot sa lugar kamakailan.
Ayon sa alkade dismayado siya sa nakita niyang tambak na mga basura.
Aniya, matapos bigyan ng pagkakataong mamuhay ng maayos ang mga vendor sa Divisoria, tambak-tambak na basura naman ang isinukli nito sa lokal na pamahalaan ng Metro Manila.
Dagdag ng alkalde, na tatanggalin na nito ang lahat ng vendor sa Ylaya Street (sa may bahagi ng Binondo) dahil sa kapabayaan ng mga ito na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran.
Personal na binisita ni Mayor Isko ang lugar matapos makarating sa kanya ang mga sumbong kaugnay sa mga tambak na basurang nagkakalat sa naturang lugar.
Nakatakda namang ipatatawag ng alkade ang barangay chairman ng nasasakupang lugar at maging ang station commander ng Manila Police District.