Ni: Jannette Africano
Ala dyes y media ng umaga nang magsimula ang ikatlong pagdinig ng senado sa P6.4-B halaga ng smuggled shabu na mula sa China.
Pinangunahan pa rin ni Sen. Richard Gordon ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig.
Mula sa pagkakahospital dahil sa heart diseas ay muling humarap sa senado si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon upang sagutin ang mga akusasyon ng korapsyon sa loob ng Customs.
Sa unang pagkakataon rin ay dumalo si Sen. Antonio Trillanes IV mula sa tatlong pagdinig ng senado sa usapin ng smuggled shabu mula sa China.
Sa umpisa pa lamang ay naging mainit na ang sagutan nina Faeldon at Trillanes.
Ito ay dahil sa unang tanong ni Trillanes na kung may korapsyon ba sa Custom of wala.
Ngunit tinanngihan ni Faeldon na sagutin ang tanong ni Trillanes.
Sa katunayan nagging emosyunal pa si Faeldon sa napaluha dahil naakusahan na umano sya sa mata ng publiko at maging ang ilang inosenteng worker ng Customs dahil sa isyu ng iligla na droga mula sa China.
Ayon kay Faeldon, sasagutin nito ang lahat ng tanong ng senador maliban lamang kay Trillanes na unan nang inakusahan na sya ang nasa sentro ng pagpasok nang iligal na droga mula sa China.
Bagay na hindi pinayagan naman ni Trillanes at sinabing mapipilitan itong ipa-contempt kung tatangihan nitong sagutin ang kanyang mga tanong ni Faeldon.
Kaya naman pumagitan na itong si Sen. Gordon at humiling ng recess upang kausapin ni Gordon si Faeldon na sagutin ang mga tanong ni Trillanes.
Matapos ngang kausapin ni Gordon si Faeldon ay napapayag itong sagutin ang mga tanong ni Trillanes.
Samantala muling dumalo sa pagdinig ang dalawang Chinese businessman na ipinacontempt ng senado na sina Richard Tan at Manny Li.
Narito rin sina Mark Taguba ang pekeng brooker at Irene Tatad na consignee for hire.