• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - April 21, 2021
tight weight loss pills k3 diet pills once a day diet pills where to buy fastin diet pills fen phen diet pills for sale keto friendly pasta sauce oxyelite pro diet pills review hummus keto friendly sensa diet pills reviews over the counter diet pills that suppress appetite rapid weight loss pills organic keto meal delivery 2000 calorie keto meal plan cvs pharmacy diet pills do lipozene diet pills work mediterranean diet macros tight diet pills orovo diet pills medical weight loss center in phoenix arizona mango diet pills

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

fx iii plus male enhancement pill.

do male enhancement pills cause premature ejaculation

natural male enhancement pistachios.

male enhancement pills private label maker california

neproxen male enhancement.

reviews for epic male enhancement.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

g6 male enhancement

free trial male enhancement

male enhancement creams

male nipple enhancement

black mamba male enhancement pill

triple x male enhancement

viagra substitute cvs

virectin gnc

revatio rxlist

prosolution plus pills cheap ebay

power testro gnc

semenax gnc

blue pill male enhancement

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Manny Pacquiao

Jerwin Ancajas naghahanda na para sa laban sa Marso

January 13, 2020 by PINAS

Ni: Jonnalyn Cortez

 

Handa na si Jerwin Ancajas na sungkitin ang International Boxing Federation super flyweight crown ngayong taon. Tatlong beses susubukan ng 28-taong-gulang na manlalaro na panalunan ang naturang titulo na magsisimula sa Marso sa Estados Unidos.

Hindi pa naman tiyak kung sino ang makakalaban ni Ancajas. Ayon sa mga ulat, naghahanap pa si MP (Manny Pacquiao) Promotions President Sean Gibbons, na isa ring international matchmaker, ng pinaka-mahusay na katunggali.

Sa kabila ng nagdaan na Pasko at Bagong Taon, hindi naman hinayaan ni Ancajas na mapabayaan ang kanyang sarili. Matapos ang holiday season, agad nitong inihanda ang kanyang jogging suit at sinimulang tumakbo upang umpisahan ang kaniyang pisikal na preperasyon para sa mga darating na laban.

Kung matatandaan, tinalo ni Ancajas ang kanyang katunggaling Chilean na si Miguel Gonzales noong Disyembre 7, Disyembre 8 naman ito sa oras sa Pilipinas, sa Puebla City, Mexico. Matapos nito, sinamantala ng boksingero ang holiday season upang makasama ang kanyang pamilya sa Survival Camp sa Barangay Rodqiguez, Magallanes, Cavite.

Bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang mga taga-suporta,  nagsagawa si Ancajas at ang kanyang chief trainer na si Joven Jimenez ng isang boxing tournament para sa mga boksingero sa Survival Camp sa Rodriguez covered basketball court, kung saan namigay din s’ya ng mga pagkain at regalo.

 

Slider Sports Ticker Jerwin Ancajas Jonnalyn Cortez Manny Pacquiao Promotions President Sean Gibbons

Manny Pacquiao kasama sa pinakamayayamang Sports Icon ng Forbes

January 6, 2020 by PINAS

Ni: Jonnalyn Cortez

 

MULING pinatunayan ni Manny Pacquiao na isa siya sa pinakamayayamang sports icons sa buong mundo. Napabilang ang Filipino boxing legend sa listahan ng 10 pangunahing pinakamayayamang atleta ng dekada ng international magazine na Forbes.

Nakapagtala ang People’s Champ ng $435 milyon na kita mula 2010 hanggang 2019, na naglagay sa kanya sa No. 8 spot sa listahan ng Forbes magazine. Sinasabing kalahati ng kanyang naipon ay nagmula sa laban nila ni Floyd Mayweather Jr. noong 2015.

Itinuturing na “Fight of the Century,” nakapag-uwi si Pacquiao ng $150 milyon mula sa kanilang labas sa kabila ng kanyang pagkatalo. Nakakakuha naman ng tig-iisang milyon ang eight-division world boxing champion mula sa kanyang mga laban kina Timothy Bradley, Jeff Horn at Adrien Broner.

Inaasahan namang mas malaki pa ang maiuuwi ni Pacquiao sa pagdepensa nito sa kasalukuyang hawak na titulo na World Boxing Association welterweight.

Sa kabilang dako, nakuha naman ni Mayweather ang top spot sa listahan ng Forbes dahil sa kanyang net worth na $915 milyon. Sa kabila ng kanyang pagreretiro, kumita ang boxing promoter ng $10 milyon sa kanyang exhibition match laban kay Tenshin Nasukawa noong 2018.

Sinundan naman ito ng mga football icons na sina Cristiano Ronaldo ($800 milyon) at Lionel Messi ($750 milyon), NBA star na si LeBron James ($680 milyon), tennis legend na si Roger Federer ($640 milyon), golf players na sina Tiger Woods ($615 milyon) at Phil Mickelson ($480 milyon), isa pang NBA star na si Kevin Durant ($425 milyon) at Formula 1 world champion Lewis Hamilton ($400 milyon).

 

Slider Sports Ticker Cristiano Ronaldo Floyd Mayweather Jr. Lebron James Lewis Hamilton Lionel Messi Manny Pacquiao Roger Federer Tiger Woods v World Boxing Association welterweight

Manny Pacquiao: Panalo sa puso ng mga Pinoy

August 13, 2019 by PINAS

MELROSE MANUEL

 

“I LOVE to help people not because I have plenty, but because I know exactly how it feels to have nothing.” Ito ang isang makabagbag-damdamin na mensahe ni Emmanuel Dapidran Pacquiao, mas kilala bilang si Manny Pacquiao na nagpapatunay na siya ay hindi lamang isang magiting na boksingero kundi isang tunay na may pusong Pilipino.

 

Marami ang nagmamahal kay Pacquiao dahil bukod sa pagiging World Boxing Champion nito na nakapagbigay ng maraming karangalan sa bansa, marami ring tulong ang naibibigay niya sa kapwa niya Pinoy at maging mga kapwa boksingero ay ini-idolo at pinupuri ang kanyang personalidad.

 

Ayon sa professional boxer na si Suki Keo sa super lightweight division, “You guys are blessed to have a man like Manny, representing your country and influencing so many people. I wanted to do the same with my friends and my community. That’s why I’m putting my money into amateur boxing and fight to raise money and I want to be a positive influence on people as well.”

 

 

Ang malaking puso ni Pacman

 

  •  Nagbigay si Pacman ng 1,000 bahay para sa kanyang mga nasasakupan sa Sarangani Province galing sa sarili niyang bulsa. Mahigit na isang libong pamilya ang benepisyaryo nito.

 

  •  Siya ang Founder ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Malaki ang tulong ng liga para magkaroon ng dagdag na trabaho sa mga kasaping local government units. Ayon kay Pacquiao “Hindi naman kami nakikipag-compete sa ibang liga, kundi ito ay ambag, tulong din sa pag-promote ng basketball dito sa Pilipinas.”

 

  •  Tumutulong din ito sa pagbuhay ng larong bilyar at sinusuportahan din ang larong chess sa pagpapa-tournament at pagbisita sa mga malalaking chess tournament dahil naging malapit sa kanya ang mga manlalaro ng bansa.

 

  •  Nag file rin si Senator Manny ng apat na batas na makakatulong sa mga kababayang Pilipino at maging sa kapwa nito mga manlalaro. Ito ay ang: Republic Act No. 10777, Republic Act No. 10679, Republic Act No. 10699, at Republic Act No. 9064.

 

  •  Nagsimula noong 2014 ang Manny Pacquiao Foundation at nakapagbigay na ng mga scholarship at medical assistance sa mga nangangailangan. Sa pamamagitan ng donate.pacquiaofoundation.orgay dumarami ang nagiging benepisyaryo nito sa bansa at maging sa abroad.

It helps a lot to know that people actually want to help,” sabi ni Josh Gabazon, isang stage four cancer patient sa Southern California.

 

Phenomenal na boksingero 

 

Itinuturing ang world boxing champion  na isa sa pinakamagiting na boksingero dahil siya ang una at bukod tanging eight-division world champion na nanalo ng 12 major world titles. Kasali rin siya sa mga Hall of Famer ng Philippine Sportswriters Association.

 

Kinilala rin si Pacquiao na oldest Welterweight World Champion sa edad na 40 matapos nitong talunin si Keith Thurman noong July 2019.

 

Paglahok sa politika

 

Bilang miyembro ng House of Representatives sa 15th Congress, nagsilbi si Pacquiao na kinatawan ng Sarangani. Ito ang kaniyang unang paglahok sa politika. At noong 2013 at 2016 eleksiyon, nanalo siy bilang senador at manunungkulan hanggang sa 2022.

 

Military reservist

 

Si Pacquiao ay isang military reservist na may ranggong lieutenant colonel sa Reserve Force ng Philippine Army. Unang nasama si Pacquiao sa hanay ng mga reservist noong Abril 27, 2006 bilang sarhento. Na-promote siyang technical sergeant, master sergeant, at senior master sergeant hanggang maabot ang kasalukuyang ranggo.

 

Artista at singer

 

Pinasok din ni Pacman ang show business. Lumabas ito sa pelikulang Lisensyadong Kamao, Anak ng Kumander at Wapakman at nag guest din ito sa ilang show sa telebisyon.

 

Nagkaroon din ng singing career si Pacquiao at ang unang album nito ay Laban Nating Lahat na sinundan ng Pac-Man Punch at Lalaban Ako Para Sa Filipino, na naging popular nang patugtugin tuwing lalabas o paakyat sa boxing ring.

 

Tunay na proud Pinoy

 

Halos nasa 20 naman ang mga titulong ibinigay na kay Pacquiao. Kasama rito ang The People’s Champ, The Mexicutioner, Pambansang Kamao, The Fighting Pride of the Philippines, The Fighting Congressman at The Destroyer.

 

Tinatawag din siyang Kid Kulafu, Ninong Manny ,The Fighting Senator, The Mexican Killer, MP, The Living Legend, The Legendary, 8-Division Champ at  The Ageless Warrior.

 

Isa pang panalo 

 

Hindi  umubra kay Pacman ang mga pasaring at yabang ng dating undefeated American champion na si Keith Thurman. Tinalo niya via split decision ang 30-anyos na boksingero sa kanilang WBA Welterweight Super World Championship bout nito lamang buwan ng Hulyo.

 

Slider Sports Ticker Josh Gabazon Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Manny Pacquiao Melrose Manuel WBA

Bayan, prayoridad; boxing career, makapaghihintay

November 2, 2017 by Pinas News

Ni: Noli Liwanag

AYON sa Top Rank, ‘waiting’ pa rin sa magiging takbo ng boxing career ni Pinoy boxing champ Sen. Manny Pacquiao.
Sa ngayon ay tahimik pa rin ang kampo ni Pacquiao kung muli ba itong sasabak sa boxing.

Ayon kay Top Rank President Todd DuBoef, wala umano silang ideya kung may balak pa ba si Pacquiao na tumungtong muli sa boxing ring.

Alam din ng opisyal na abala si Pacquiao sa trabaho nito bilang mambabatas.
Una rito, sinabi ni Top Rank CEO Bob Arum na hadlang umano ang pagiging tutok ng “Fighting Senator” sa kanyang pagiging pulitiko.

Magugunitang umatras si Pacquiao sa dapat sana’y rematch nito kay Horn dahil may mga conflict umano sa kanyang trabaho bilang senador.

Slider Sports Ticker Bob Arum Jeff HorN Manny Pacquiao Noli Liwanag Todd DuBoef

Ana “The hurricane” Julaton: Ang tunay na laban ng isang babaeng atleta

October 24, 2017 by Pinas News

Ni: Ana Paula Canua

LUMAKI sa San Francisco, California at nakilala bilang kauna-unahang Pilipina na nagkamit ng dalawang international title sa larangan ng boksing.

Taong 2009 nang magsimulang makikila sa loob ng ring si Ana “The Hurricane” Julaton. Ito ay matapos nitong matalo ang isa sa mga pound for pound boxer na si Kelsey Jeffries at maiuwi ang titulong IBA super bantamweight. Sumunod na taon naman noong kanyang angkinin ang WBO female super bantamweight nang matalo niya si Maria Elena Villalobos.

Matapos pasukin ang mundo ng sports kung saan kalalakihan ang dominanteng  manlalaro, nais muling patunayan ni Ana Julaton na kaya rin ng mga kababaihan makisabayan sa bakbakan.  “Male fighters aren’t expected to do all the other things female fighters are expected to do aside from boxing,” ani Julaton “And we’re also supposed to look good after doing everything.”

Bilang boksingero, hindi lang ito laban sa loob ng ring

Inamin ni Ana Julaton sa isang sports interview na noong una ay wala siyang interes sa boxing, “I wasn’t a fan of boxing before I started learning it. When I was practicing kenpo karate, I was also teaching full-time, spending 12 to 14 hours a day, five to six days a week, and when boxing was incorporated into the system, I had to learn it to teach it.”  Matapos ang ilang linggo sumali si Julaton sa Golden Gloves tournament, isang amateur boxing competition kung saan niya nakamit ang silver medal—ang kanyang kauna-unahang medalya sa boksing. Simula noon ‘di na napigilan si Julaton na sumali sa amateur boxing challenges, “Boxing sparked my competitive edge.”

Katulad ng anumang sports, hindi naging madali kay Julaton ang naging training, “My first lesson was stepping in the ring with another guy who was bigger than me and who was told to really’ fight me. I went through a lot of punishment but I knew that I wasn’t going to quit, so I came back the next day and the next day after and the next day after that. Without realising it at the time, my teacher was actually teaching me something, not just about boxing, but about myself. I learnt how to put things into perspective.

 

Naging hamon din kay Julaton hindi lang matalo ang kalaban sa loob ng ring kung ‘di patunayan din ang lugar ng kababaihan sa boksing. “My competitive edge surfaced and when I experienced unequal opportunities in the sport as a woman, fighting became more than just capturing a win. It became a fight to make a change,” wika pa ng female boxer. “There is really a double standard, not only in boxing, but in life. I feel like that is just part of the responsibilities of being a female boxer,” dagdag niya.

Taong 2008 ng magsimulang maging trainer ni Julaton si coach Freddie Roach, kasabay ni Pambansang kamao Manny Pacquiao. Pinasok ni Julaton ang international boxing competitions at pinatunayan na bilang babae kaya rin niyang magwagi sa patimpalak ng suntukan at bakbakan.

Mayroon siyang record na 14 Wins (2 knockouts, 12 decisions), 4 Loss, at 1 draw.

Bilang Mixed martial arts (MMA) fighter

Matapos mapatunayan ang sarili sa boksing, pinasok naman ni Julaton ang MMA noong 2013. ‘Di tulad ng boxing ang MMA ay hinaluan ng suntok, sipa at wrestling, mas mahirap at mas pisikal ito kumpara sa boxing. “What makes MMA so exciting are the many ways to defeat your opponent. The options are limitless and that’s what makes the sport so interesting,”

Sa katunayan bago maging kampeon sa boxing, naunang minahal ni Julaton ang MMA, “My earliest memories are of my father calling out commands of basic martial-arts stances to demonstrate in front of my late grandfather”.

Ang kanyang pagpasok sa MMA ay tila pagkabuhay ng kanyang dating pangarap, “I felt my inner child was shining through. Being able to throw kicks, knees, elbows, and wrestle and grapple, I felt like I was in the [classroom] all over again. It’s like a playground. Don’t get me wrong, the training is tough and challenging, but I think that’s why I enjoy it so much.”

Sa ngayon siya ay mayroong 2 panalo kabilang ang isang knock-out win laban kay Aya Saber ng kanya  itong pabagsakin sa loob lang ng apat na minuto; at isang panalo  sa pamamagitan ng desisyon.  Mayroon naman siyang dalawang talo sa pamamagita ng desisyon.

Hindi pa rin tatalikuran ang boxing

Sa kabila ng bagong sport na pinasok, sinabi ni Julaton na hinding-hindi niya tatalikuran ang boxing “I have always been a fan of the martial arts and I’ve been kicking and punching since I was a child, so when ONE FC gave me the opportunity to sign an exclusive MMA deal with them, while still having the ability to continue boxing, I knew it was something I didn’t want to pass up.”

BOXER at MMA FIGHTER

Sa edad na 37, ‘di nagpapapigil si Julaton na pinagsasabay ang boxing at MMA, buong tapang niyang sinabi na nais  niyang  makaharap si Heather Hardy na hawak ang WBC International Female Super Bantamweight title. Katulad ni Julaton isa ring boksingero si Hardy. “She got some titles in boxing, I’ve won some world titles in boxing and I think a lot of people would like to see some knockouts, so you put us in the cage,” sabi ni Julaton.

Slider Sports Ticker Ana “The Hurricane” Julaton Aya Saber California Freddie Roach Heather Hardy IBA super bantamweight Kelsey Jeffries Manny Pacquiao Maria Elena Villalobos Mixed martial arts MMA fighter San Francisco WBC International Female Super Bantamweight title WBO female super bantamweight

Pilipinas ready ka na ba? Calling the next president

October 24, 2017 by Pinas News

Ni: Edmund C. Gallanosa

BINANSAGAN ‘Man of the People’ at ‘The Punisher’ –nangakong papatayin ang lahat ng lalabag sa batas at maghahasik ng lagim kabilang na ang pagtutulak ng droga sa bansa, wala pa man dalawang taon sa panunungkulan, samu’t saring haka-haka na ang kumakalat na marahil, hindi siya makatapos ng kaniyang responibilidad bilang pangulo ng bansa.   Minsan nang napabalita na may sakit ang pangulo, at bagama’t siya ang pinaka-matandang presidente ng Pilipinas na naluklok sa kapangyarihan sa edad ng 71, hindi malayong pag-isipan nila nang ganoon ang presidente, lalo na ng mga kritiko niya.

“It’s either you like him, or you hate him.  Natural lang pag-isipan nila nang ganyan ang pangulo, syempre gusto nilang makuha uli ang control of the government, sa panig nila.  Pero marami kasi ang nakaka-relate sa kaniya, kaya mahal siya ng mga tao.” Sabi ng isang supporter ni Duterte mula sa kanilang kampo na PDP-LABAN.

Hindi pa man nakakahinga nang maluwag ang Pangulong Digong sa mga puna na baka may karamdaman siya, dumagdag pa ang isang kontrobersyang pilit inuusisa at hinahalungkat ni Sen. Antonio Trillanes IV na may sikreto umanong P2.4 bilyong milyon bank account ng pangulo, na maaaring ika-impeach ni Digong.

Sino sa kanila ayon sa Pangulo

Sino ang maaaring pumalit sa kaniyang pamumuno, may makakapantay kaya sa mga nagawa niya sa maikling panahon, o mas makakahigit pa sa kaniyang popularidad at makuha ang ‘amore’ ng mga mamamayan?

Sino kaya ang napipisil ng pangulo?   Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, si Sara Duterte ang napipisil ng pangulo na pumalit sa kaniya.  “This is not official of course, but I think the issue here is he trusts the capability of Sara.  It’s like she is an effective person and mayor and politician who happens to be his daughter.”  Pahayag ni Abella.

Manok niya, manok mo, kani-kaniyang manok  

Sinubukan namin kumuha ng pahayag mula sa miyembro ng akademya at ng ilang religious groups.   Subalit ang karamihan sa kanila, bagama’t nagbanggit ng ilang personalidad bilang pamalit kay Digong, nangingibabaw ang kanilang sentimyento na masyado pang maaga upang masabi ang papalit sa pangulo.

“It’s too early to say.  Nagbabago ang tao.  Kahit na sabihin nating ang taong ito ay maaari nang pumalit sa iiwanan ni Pres. Duterte, hindi natin alam kung worth pa din ‘yung personality ng tao not until the right comes.  When something happens to the president, there is a law na dictates, sinong papalit.  As a citizen naman, we could only pick the right person if and when there is another election coming.   Right now, I personally cannot see the fittest person for the job, not right now, not yet.”  Sagot naman ng isang miyembro ng Roman Catholic Archdiocese ng Antipolo na ayaw magpabanggit ng kaniyang pangalan.

Minabuti naming magsagawa ng survey sa 300 katao upang magkaroon ng ideya kung sino ang napipisil ng mga mamamayan.  Ang 300 taong kinuha namin ay mula sa edad na 19 anyos pataas, may trabaho o wala, lalaki at babae.   Ayon sa aming naipong datos,  umabot sa 38% ang gustong si Bongbong Marcos ang pumalit kay Digong, o bilang na 114 sa bilang na 300 katao.  Tumala naman si General “Bato” dela Rosa na pumalo ng 32% o 96 na boto, at pangatlo naman ang anak niyang si Sara Duterte na tumala ng 18% na pagpili o 54 katao sa 300 lumahok.   Ang iba pang pangalan lumitaw ay ang sumusunod.

Bongbong Marcos                         114         38%

Gen. Bato dela Rosa                      96          32%

Sara Duterte                                   36          12%

Sen. Allan Peter Cayetano           27            9%

Sen. Manny Pacquiao                   18            6%

Sen. Antonio Trillanes IV              6            2%

Sen Risa Hontiveros                       3            1%

 

Total                                              300        100%

 

Maaaring masabing ‘insignificant’ ang mga datos na ito, nagpapakita lamang na sa pagdaan ng panahon na nais ng mga nakararaming Pilipino ang pagbabago.   Umaayaw na ang nakararami sa paikot-ikot lamang na pangako ng mga ‘traditional politicians’  at hanggat maaari, naghahanap sila ng mga bagong karakter na kinakikitaan nila ng talino, lakas ng loob, may political will at higit sa lahat, gusto ng mamamayan.

Magkaganunpaman, pahayag ni Pangulong Digong na huwag nang mag-alala ang mga tao kung matatapos man niya ang kaniyang tungkulin, o kung siya man ay may pangarap pang tumakbo sa pangalawang pagkakataon.

“Ako di na ako makatakbo.  Mayroon pa silang sinasabi hindi ko matapos ang six years.  If God wants me to be there only two years, He will find a reason to oust me.   Either He will kill me, babagsak ako, or ang military magsabi sila, ‘ayaw na namin.”

“What does that mean to me?   That is part of my destiny.   Huwag ninyo akong takutin kasi para sa akin bigay ng  Diyos ‘yan—ang buhay ko pati ang trabaho.   Ngayon, anytime niyang kunin ‘yan that is part of the history of my presidency.”

 

Si Senador Manny Pacquaio at Gen. Bato dela Rosa, ilan sa mga personalidad na napipisil ng mga mamamayan pumalit kay Presidente Rodrigo Duterte.  Magkaganunpaman, pahayag ni Pangulong Digong na huwag nang mag-alala ang mga tao kung matatapos man niya ang kaniyang tungkulin, o kung siya man ay may pangarap pang tumakbo sa pangalawang pagkakataon. Diyos na aniya ang bahala sa kaniyang pagiging pangulo.  Photo credits: www.news.abs-cbn.com

Minabuti naming magsagawa ng survey sa 300 katao upang magkaroon ng ideya kung sino ang napipisil ng mga mamamayan.  Ang 300 taong kinuha namin ay mula sa edad na 19 anyos pataas, may trabaho o wala, lalaki at babae.   Ayon sa aming naipong datos,  umabot sa 38% ang gustong si Bongbong Marcos ang pumalit kay Digong.  Photo credits: newsinfo.inquirer.net

 

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella,  si Sara Duterte ang napipisil ng pangulo na pumalit sa kaniya.  “This is not official of course, but I think the issue here is he trusts the capability of Sara.  It’s like she is an effective person and mayor and politician who happens to be his daughter.”  Photo credits: www.ilovepagadian.com

 

 

Pambansa Slider Ticker Allan Peter Cayetano Antipolo Antonio Trillanes IV Bato dela Rosa Bongbong Marcos Edmund C. Gallanosa Ernesto Abella Manny Pacquiao P2.4 bilyong milyon bank account PDP-Laban Risa Hontiveros Rodrigo Duterte Roman Catholic Archdiocese Sara Duterte

  • Page 1
  • Page 2
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.