• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Sunday - April 18, 2021
tight weight loss pills k3 diet pills once a day diet pills where to buy fastin diet pills fen phen diet pills for sale keto friendly pasta sauce oxyelite pro diet pills review hummus keto friendly sensa diet pills reviews over the counter diet pills that suppress appetite rapid weight loss pills organic keto meal delivery 2000 calorie keto meal plan cvs pharmacy diet pills do lipozene diet pills work mediterranean diet macros tight diet pills orovo diet pills medical weight loss center in phoenix arizona mango diet pills

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

fx iii plus male enhancement pill.

do male enhancement pills cause premature ejaculation

natural male enhancement pistachios.

male enhancement pills private label maker california

neproxen male enhancement.

reviews for epic male enhancement.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

g6 male enhancement

free trial male enhancement

male enhancement creams

male nipple enhancement

black mamba male enhancement pill

triple x male enhancement

viagra substitute cvs

virectin gnc

revatio rxlist

prosolution plus pills cheap ebay

power testro gnc

semenax gnc

blue pill male enhancement

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Marawi

Pinas at China sanib-pwersa sa WPS

September 13, 2018 by Pinas News

Sa kabila ng pag-angkin at militarisasyon ng China sa West Philippine Sea, makikipagtulungan ang Pinas sa nasabing bansa para sa paghanap ng natural gas sa naturang karagatan.

 

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

Ang West Philippine Sea (WPS) ay isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng iba’t-ibang mga lamang dagat ng ating mga mangingisda para sa suplay ng pagkain ng bansa. Subalit mula noong 2013, humina ang kontrol ng Pilipinas doon dahil sa agresibong pag-angkin ng China at patuloy na militarisasyon sa naturang rehiyon. At marami nang mga pagkakataong napaulat ang umano’y pangbu-bully at pangha-harass ng hukbong dagat ng China sa ating mga mangingisda at maging sa Philippine Navy.

Kung tatanungin ang kasaysayan at ang United Nations, Pilipinas ang siyang tunay na may-ari ng WPS, na sakop ng ating Exclusive Economic Zone na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea. Sa katunayan nga ay naipanalo na ng Pilipinas ang pagmamay-ari nito sa Permanent Court of Arbitration noong 2016, subalitpinagmamatigasan talaga ng China ang kanilang pag-angkin, na batay sa  “Nine-Dash Line” (kung minsan pa ay nagiging “Ten-Dash Line” at “Eleven-Dash Line), na hindi naman kinikilala ng UN.

Hindi naman kataka-taka kung bakit gayon na lamang ka-agresibo ang China sa pag-angkin sa WPS. Sa ilalim ng tone-toneladang mga isda at sari-saring mga yamang dagat na malalambat dito, sinasabing nakabaon ang tinatayang 190 trillion feet ng natural gas, isang uri ng malinis na enerhiya.

Samantala, marami naman ang pumupuna sa tila malambot na posisyon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng WPS sa kabila ng pagpabor ng Permanent Court of Arbitration sa Pilipinas sa naturang isyu. Sa paningin ng ilan, sa halip na igiit ang karapatan ng bansa, kinakaibigan pa ng Pangulo ang nangangamkam sa teritoryo at likas na yamang totoong pagmamay-ari ng mga Pinoy.

 

Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano

 

FRIENDSHIP WITH BENEFITS

Ipinaliwanag naman ng Pangulo sa ilang pagkakataon na minabuti niyang makipagkaibigan, sa halip na lumaban sa China para sa mas ikabubuti ng bayan. Isang bunga nga nito ay ang joint exploration ng dalawang bansa sa WPS.

“Ngayon, offer nila, eh di joint exploration. Eh di parang co-ownership, parang dalawa tayong may-ari niyan, eh di mas maganda ‘yan kaysa away,” wika ni Duterte sa isang talumpati sa Marawi.

“Kita mo, eh kung inasar ko noon, pinagpu-p***ng ina ko sila, wala nangyari,” dagdag ng Chief Executive.

Nilinaw naman ng Malacañang na hindi nangangahulugang ang WPS ay pag-aari na nga ng dalawang bansa.

“The President just wanted to explain that joint exploration and exploitation will be undertaken by both Philippine and Chinese nationals,” paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon naman kay Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na kung matuloy man ang joint exploration, ay hindi nangangahulugang isinasantabi na ng Pilipinas ang usapin sa WPS.

Sa pakikipagpulong kamakailan ni Cayetano kay China State Counsellor Wang Yi sa Beijing, pinag-usapan nila ang mga detalye ng proyekto, na inaasahang masimulan bago magtapos ang termino ni Pangulong Duterte.

“We talked about some of the details. We agreed not to have a deadline but we agreed to work on it with an ASAP mentality so that we can get it done. Of course, I explained to them that in the Philippines, we have a six-year term. It’s difficult when you have projects that will last more than three or four, five years to do it at the end of an administration because we want the people to feel the benefit as soon as possible,” sabi ni Cayetano.

Senior Associate Justice Antonio Carpio

 

BAKIT KAILANGAN ANG WPS JOINT EXPLORATION?

Isa ang Malampaya gas field, na matatagpuan sa hilagang kanluran ng Palawan, sa mga pinagkukunan ng malaking porsyento ng enerhiya ng Luzon. Ito ang nagbibigay ng 2,700 megawatts ng kuryente para sa 50 porsyento na kailangang enrhiya ng pinakamalaking isla ng bansa.

Subali’t ang liquefied natural gas (LNG) ng Malampaya ay tatagal na lang ng 12 taon kaya kailangan nang makapaghanap ng panibagong mapagkukunan ng enerhiyang katumbas o higit pa sa isinusuplay nito upang maiwasan ang napipintong krisis sa enerhiya sa bansa, lalo na’t kaakibat ng paglago ng ekonomiya ng bansa ang pagtaas ng demand sa enerhiya.

Isang solusyon na nakikita ng gobyerno ay ang paghahanap ng panibagong makukunan ng LNG sa WPS. Subali’t walang sapat na kakayahan ang Pilipinas upang maisulong ang hakbangin kaya ang napipisil na estratehiya ng kasalukuyang administrasyon ay ang makipagkasundo sa China dahil sila ang may teknolohiya at kapital para sa exploration at pagkuha ng LNG sa ilalim ng pinagtatalunang karagatan, na umano’y mahigit 50 porsyento ang dami kumpara sa Malampaya.

Ayon sa 1987 Constitution, pinapayagan naman ang ganitong klase ng kasunduan. Nakasaad sa Section 2, paragraph 4 ng Article XII ng Saligang-Batas: “The President may enter into agreements with foreign-owned corporations involving either technical or financial assistance for large-scale exploration, development, and utilization of minerals, petroleum, and other mineral oils according to the general terms and conditions provided by law, based on real contributions to the economic growth and general welfare of the country. In such agreements, the State shall promote the development and use of local scientific and technical resources.”

Dagdag pa ng Konstitusyon, “the exploration, development, and utilization of natural resources should be under the full control and supervision of the State.”

Tiniyak ng Malacañang na mas mananaig ang interest ng bansa kung matutuloy man ang joint exploration.

“We are following the specific provision in the Constitution that foreigners can participate on a 60-40 basis, meaning 60-percent Filipino-owned, 40 percent foreign-owned,” wika ni Roque.

DAPAT MAG-INGAT PA RIN ANG PINAS

Sang-ayon naman si Senior Associate Justice Antonio Carpio sa WPS joint exploration basta hindi makokompromiso ang nararapat na hatian.

“As long as the joint development complies with the Philippine Constitution and there is no waiver of our sovereign rights under the arbitral ruling, I have no objection,” aniya.

Ganito rin ang pananaw ni Senate President Vicente Sotto III: “Yes, it is acceptable. It means China is accepting the fact na lamang tayo. “

Subalit babala ng isang eksperto, kailangan pa rin mag-ingat na huwag maisahan ng China ang Pilipinas sa kasunduang ito.

“Entering into a joint exploration agreement with China is a slippery slope. Done right, we can enjoy the resources of our territories without compromising our claims over it. Done wrong, the joint exploration can be construed as a cessation of territory. This is why we must follow the constitutional provisions to a tee,” ayon sa ekonomistang si Andrew Masigan.

“What is ours, is ours. No entity should prevent us from benefitting from our own natural resources. Engaging in joint exploration with China, or any other nation for that matter, works to our best interest so long as constitutional safeguards are satisfied,” dagdag niya

Pambansa Slider Ticker Andrew Masigan Beijing China China State Counsellor Wang Yi Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano Exclusive Economic Zone liquefied natural gas (LNG) Marawi Pangulong Rodrigo Duterte Pilipinas PINAS Senate President Vicente Sotto III Senior Associate Justice Antonio Carpio West Philippine Sea (WPS)

 KC Concepcion namigay ng food sa mga bata sa Marawi

March 26, 2018 by Pinas News

Ni: Beth Gelena      

WALANG takot na pumunta ng Marawi si KC Concepcion para mamigay ng food sa mga bata. Ang pagpunta ni KC sa Marawi ay bahagi ng World Food Programme kung saan siya ang ambassadress.

Masayang nag-share si KC ng kanyang expe-rience kasama ang mga masasayang bata na hindi alintana ang kinasusuungang problema sa kanilang lugar.

Ani KC sa kanyang Istagram: “Some of our problems are nothing compared to what these people have gone through. And yet, they choose to be happy. Keep your circle positive and always choose to be happy.”

Showbiz Slider Ticker Beth Gelena KC Concepcion Marawi World Food Programme

PCSO, tuloy sa pagtulong at pag-asa: Mahigit P49-M nadale ng 2 solong Lotto winner

December 28, 2017 by Pinas News

SI Chairman Corpuz, GM Balutan at HRD Manager Ramirez, kasama ang mga empleyado ng PCSO na dalawampu’t limang taon nang nagtataguyod ng mandato ng tanggapan para sa kawanggawa.

 

Pinas News

Masayang ibinalita ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na umabot sa mahigit P49-Milyong pisong halaga ang na-dale ng dalawang masuwerteng mananaya ng Lotto sa dalawang magkahiwalay na raffle draw sa dalawang magkahiwalay na jackpot prize.

Kabilang na dito ang P7,902,953.00 Lotto 6/42 na na-dale ng taga-Leyte na binola noong Martes ng gabi, Disyembre 12, 2017 habang isang player naman na taga-Makati City ang masuwerteng nakabinggit ng solong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na umabot sa P41,251,012.00 noong Nobyembre 30, 2017.

Nakapanayam mismo ng PINAS si PCSO General Manager Alexander F. Balutan, na kung saan ay sinabi nito na malaki ang naitutulong ng mga players sa programa ng PCSO dahil bukod sa nalilibang nila sa pamamagitan ng pagtaya ng paborito at inaalagaang numero ay nakatutulong pa sila sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong, partikular na dito ang mga mahihirap at may sakit.

Dagdag pa ni Balutan, “Blessing para sa ating dalawang lone winner ang pagkakapanalo nila ng Lotto at tiyak na isang masaya at masaganang Pasko ang ise-celebrate ng kanilang mga pamilya.”

Nabatid na isang masuwerteng mananaya na taga-National Highway, Purok 3, Valencia, Ormoc City, Leyte ang nakadale ng masuwerteng number combinations na 40 17 20 18 24 15.

Habang ang napanalunang ticket ay nabili ng hindi pa nakikilalang tumatangkilik sa lotto sa outlet ng Colortek na matatagpuan sa 1053 A.P. Reyes Avenue, Makati City. Ang Super Lotto 6/49 winning combination ay 28-03-23-32-29-02, habang may 53 mananaya rin ang nanalo ng P15,300 para sa number combination.

Paliwanag pa ni GM Balutan, hindi pa man nakukuha ng dalawang winner ang premyo ay tiyak na masigabong pagdiriwang ang ihahanda nila ngayong Kapaskuhan.

Kasabay nito, nagpapasalamat ang pamunuan ng PCSO sa milyon-milyong tumatangkilik na lotto players nationwide at sa iba pang PCSO lotto games at dahil sa suporta ay nagagawang makatulong ng PCSO sa pamamagitan ng pagbibigay ng Charity services sa ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang Lotto ay binobola araw-araw at mapapanood ng live sa PTV-4 tuwing 9:00 ng gabi. Para sa iba pang impormasyon kaugnay sa winning combinations at schedule ng iba pang PCSO gaming products, maaaring bisitahin ang PCSO official website na www.pcso.gov.ph 

Ang PCSO ay isang government-owned and controlled corporation ng Pilipinas sa ilalim ng pamunuan ng Office of the President na nagsimula noon  pang 1935 at nagsimula bilang state lottery company.

Layunin nito na makatulong sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangan at sa mahihirap na mamamayan.

Kamakailan lamang ay kinilala at pinarangalan ng PCSO, sa pangunguna nina PCSO Chairman Jose Jorge E. Corpuz at General Manager Alexander F. Balutan ang mga empleyado ng ahensiya na higit dekada na ang tapat na serbisyo sa publiko.

Samantala, naging matunog sa bansa ang pag-upo sa puwesto ng isang kilalang ‘whistle blower’ na hayagang ipinuwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Board of Directors ng PCSO.

Ito ay si Sandra Cam. Ang kilalang bata ng gambling operator na si Atong Ang. Ang babaeng bumulabog sa bansa dahil sa pagputok ng talamak na sugalan na pinagkakitaan ng nakararaming pulitiko.

Kasabay ng mga alegasyon sa kanya, tahasang itinatanggi ni Cam na ‘political accommodation’ ang puwestong ibinigay sa kanya ni Pangulong Duterte.

“I don’t think so. The President has given me the trust, I’ve been wor­king so hard to help the less fortunate and for the OFWs. This is not a political position, at makikita po ninyo, give me at least three months, I will prove to those detractors that they are wrong,” pahayag ni Cam.

Kilalang magkaibigan sina Cam at Ang. Hindi rin itinatanggi ni Cam na kaibigan niya ang kilalang gambling operator. Dahil dito, may mga nagdududa kung nararapat bang ipuwesto si Cam sa PCSO.

Sa kaugnay na balita, malaki naman ang naipamahaging tulong ng pamunuan ng PCSO sa mga residente ng Marawi City na inatake ng matinding krisis ng karahasan sa Mindanao.

Malaki ang naitulong ng PCSO sa mga apektadong sibilyan at nasugatang sundalo sa patuloy na krisis sa lungsod ng Marawi.

Paliwanang ni PCSO GM Alexander Balutan, nagbigay na siya ng direktiba sa kanilang branch sa Iligan City para paliwigin ang tulong na maibibigay sa mga pamilya at mga sundalong apektado ng sagupaan ng gobyerno at ng mga rebeldeng Maute group sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods at tulong medikal.

“Pagtulong at pagsagip ang direktiba ng PCSO sa mga nangangailangan ng tulong sa Marawi,” sabi pa ni Balutan.

Ipinahayag din ni Balutan ang suporta niya sa deklarasyon ni Pangulong Duterte sa Batas Militar sa lalawigan ng Mindanao upang sugpuin ang sino mang lumabag sa batas para masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Matatandaang nagpalabas si Balutan ng isang memorandum na may direktiba sa lahat ng empleyado ng PCSO sa buong bansa kabilang na ang mga Small Town Lottery Authorized Agent Corporations (AACs) na obserbahan at makilahok sa pagpapatupad ng hakbang sa pangseguridad sa Mindanao.

Iniutos din ni Balutan sa mga empleyado na agad isumbong at isumite sa kanyang tanggapan ang anumang impormasyon at insidente na makakaapekto sa kanilang kaligtasan at seguridad kasama ang lahat ng iba pang ari-arian ng PCSO at iba pang mga katangian para sa agarang aksyon at resolusyon.

Ayon pa kay Balutan, mahalaga ang papel ng mga local government units (LGUs) sa mga tuntuning pangkapayapaan at pag-unlad ng kanilang mga lugar, at iyon ay sa pamamagitan ng pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

“Dapat tingnan nila ang kalagayan ng kanilang mga nasasakupan. Marami ang mahihirap na tao diyan na nangangailangan ng tulong kaya siguro minsan naiisip ng ating mga kababayan diyan na gumawa ng mga alternatibo para lamang mabuhay sila. It is a matter of survival,” ayon kay Balutan.

“Violence will not exist in any area when the government is responsive to the needs of its constituents. Lahat tayo ay masisiyahan kung mayroon tayong gobyernong maaasahan,” idinagdag niya.

Kasabay nito ay nagbigay na ng direktiba sa PCSO branch sa Iligan City na paliwigin ang tulong na maibibigay sa mga pamilya at mga sundalong apektado ng sagupaan ng gobyerno at ng mga rebeldeng Maute group sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods at tulong medikal.

Ipinahayag din ni Balutan ang suporta niya sa deklarasyon ni Pangulong Duterte sa Batas Militar sa lalawigan ng Mindanao upang sugpuin ang sino mang lumabag sa batas para masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagtulong ng PCSO sa lahat ng Pilipinong nangangailangan at pagbibigay ng serbisyo sa bayan sa pamamagitan ng mga programa ng ahensya na Lotto at iba pa.

Pambansa Slider Ticker AACs Alexander F. Balutan Authorized Agent Corporations Batas Militar HRD Manager Ramirez Iligan City Jose Jorge E. Corpuz Leyte LGUs local government units Makati City Marawi Mindanao Ormoc City Pangulong Rodrigo Duterte PCSO Philippine Charity Sweepstakes Office Sandra Cam SI Chairman Corpuz SMNI News Valencia

Malaysian Terrorist na si Dr. Mahmud Ahmad, posibleng kabilang sa 13 nasawing Maute member sa Marawi

October 20, 2017 by Pinas News

Ticker Videos Mahmud Ahmad Malaysian Terrorist Marawi Maute SMNI News

Palasyo: US airstrike sa Marawi, unconstitutional

August 9, 2017 by PINAS

Ni: Hannah Jane Sancho

Hindi pinahihintulutan sa umiiral nating batas na  magkaroon ng anumang partisipasyon ang tropa ng Estados Unidos sa military operations ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nakasaad sa Mutual Defense Board Security Engagement Board sa ilalim ng Mutual Defense Treaty na nilagdaan noong 1951 na hindi dapat magkaroon ng papel ang pwersa ng Amerika sa anumang military operations sa bansa sa mga kalaban ng estado.

Ipinunto ng Malakanyang na ito ang protocol na dapat masunod.

Binigyang diin ni Abella na bagama’t nananatiling solid ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ay mananatiling limitado ang ayuda na pwede nitong ibigay sa armed forces tulad ng technical assistance at sharing of information.

Hindi din napag-usapan ang posibilidad na magsagawa ng airstrike ang Amerika sa Marawi nang bisitahin ng Pangulong Duterte ang Joint Special Operations Task Force trident sa Marawi noong nakaraang linggo.

Magugunitang napaulat na pinaplano ng Estados Unidos na magsagawa na ng air strike sa ISIS group sa Marawi.

Pambansa Slider Ticker Marawi Mutual Defense Board Security Engagement Board Mutual Defense Treaty

City hall, kapitolyo sa Marawi, tinamaan ng ligaw na bala

July 20, 2017 by PINAS

Tinamaan ng ligaw na bala ang city hall at kapitolyo ng Marawi sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan doon.

Sa kabila nito’y hindi naman alintana ng mga bata sa lugar ang panganib.

Una nang napaulat na inaabot na ng mga ligaw na bala ang mga itinuturing na ‘safe zones’ sa lungsod.

Tinatayang nakakalat pa rin sa apat na barangay sa sentro ng lungsod ang mga terorista pero ayon sa militar, lumiliit na ang ginagalawan ng kanilang mga kalaban.

Nabawi na rin ng mga tropa ng gobyerno ang dalawang ospital sa Marawi na ginawang kuta ng mga teroristang Maute.

Probinsyal Ticker Marawi

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.